lyingintheclouds
- Reads 11,195
- Votes 500
- Parts 20
Isang simpleng dalaga si Ashley na ang tanging kaligayahan sa buhay ay ang magtugtog ng gitara. Maagang nangulila at lumaking salat sa pag-ibig at pagaaruga.
Ngunit ang pinaka mahirap na dinanas niya ay ang magmahal ng isang sikat na rakista, na kahit kailanman ay alam niyang hindi magkakagusto sa kaniya.
O hindi nga ba?
Si Francis ay isang sikat na rakista, pero gayun pa man, hindi siya nakaligtas sa pagkakabigo sa pag-ibig, kung kaya't plano niyang ibuhos ang sakit na nararamdaman sa isang album para maka-move on.
Paano na kaya kung magkrus ang landas nila Ashley at Francis? Matutulungan kaya ni Ashley ang sawi na si Francis na makabangon sa pagkakabigo? At kung makabangon man si Francis, nakatitiyak kaya siya na kaya nitong magmahal ng tulad niya?
O siya naman ba ang uuwing bigo?