ShulammiteLaidenPade's Reading List
3 stories
DADDY NINONG  by Callieyah-July
Callieyah-July
  • WpView
    Reads 52
  • WpVote
    Votes 4
  • WpPart
    Parts 3
Alam kong mali, pero siya ang hinahangad ng puso ko. Si Kelly Joanne Mallen ay isang single mom. Maaga siyang nagkaroon ng anak. Kaya kahit pa may kaya ang pamilya nila ay mas pinili niya na tumayo sa sarili niyang paa para buhayin ang kanyang anak. Nagsusumikap siya para sa kanyang anak. Kaya naman nang sabihin sa kanya ng kanyang matalik na kaibigan na naghahanap ang ama nito ng secretary ay kaagad siyang nag-apply. Mabilis naman siyang tinanggap ng kanyang Daddy Ninong. Ang ninong niya sa kumpil at kaibigan ng kanyang ama. Daddy Ninong ang tawag niya dahil nakikigaya lang siya sa kanyang bestfriend hanggang sa nakasanayan na niya ito. Ngunit ano ang mangyayari kung palagi silang magkasama? May pag-asa kaya? May pag-asa kaya sa kanya ang kanyang Daddy Ninong Charlie El Salva? O may pag-asa kaya siya sa puso ng lalaking lihim niyang hinahangaan kahit alam niyang bawal?
PERFECT TIME by Callieyah-July
Callieyah-July
  • WpView
    Reads 37
  • WpVote
    Votes 15
  • WpPart
    Parts 10
Ano ba ang pagmamahal? Saan ba nakakahanap nito? Bigo sa pag-ibig si Katherine dahil sa mga pagkakamali na nagawa niya sa nakaraan. She was the ex-wife of Governor Adam Sebastian Dela Vega. Pero dahil sa mga maling desisyon niya ay naghiwalay sila at nakagawa siya ng isang malaking pagkakamali. Ang pagkakamali na habang buhay niyang pinagsisihan. Kaya nawalan na siya ng pag-asa na may magmamahal pa sa kanya. Hanggang sa dumating ang isang lalaki. Ang lalaki na hindi tumigil na i-persue siya. Ang lalaking magpapaniwala sa kanya na masarap pa lang magmahal. Ang pagmamahal na nasa tamang oras at panahon. Pipigilan ba niya ang kanyang sarili o hahayaan niya ang sarili na sumaya?
GOVERNOR IBARRA by Callieyah-July
Callieyah-July
  • WpView
    Reads 63
  • WpVote
    Votes 8
  • WpPart
    Parts 2
Kakampi ba kita? O katulad ka lang rin nila? Si Shulammite Laiden ay sweet at mapagmahal na anak sa kanyang mga magulang.. Kahit pa lumaki siya sa isang mayaman na pamilya ay hindi siya lumaki na spoiled. Bagkus ay kakaiba siya dahil mas mahal niya ang mga mahihirap. Ngunit nagbago ang lahat, nagbago ang lahat ng bigla na lang mawala ang kanyang mga magulang. Bigla na lang siyang naging ulila at hindi niya akalain na bigla na lang magbabago ang buhay niya. Magiging magulo ito dahil sa kayamanan na naiwan ng kanyang mga magulang. Magbabago sa pagdating ng isang lalaki. Ang lalaking maginoo pero medyo bastos, ang kanyang Uncle Ibarra. Si Ibarra Madrigall ay isang kilalang gobernador sa kanilang lalawigan. Sa edad na thirty-three ay isa na ito sa mga magaling na politiko sa buong Pilipinas. Ito rin ang taong pilit niyang iniiwasan dahil alam niya na hindi ito makabubuti sa kaniya. Kakampi kaya siya o kalaban? O siya na ang taong dumating para isalba siya sa kalungkutan?