Ai_Tenshi
11 cerita
Limelight oleh Ai_Tenshi
Limelight
Ai_Tenshi
  • Membaca 135,807
  • Suara 1,084
  • Bagian 8
Mula sa direksyon ng Imbisibol at The Soldier and I. Ang mga kwentong nag pakilig, nag patawa at nag paluha sa inyo. Ikinalulugod ihandog sa inyo ang isa nanamang kwentong tiyak na kapupulutan ng aral at inspirasyon. TEASER: Humarap tayo sa maraming pag subok sa buhay, sinuong digmaan gamit ang sandata ng pag mamahal at pag titiwala kasama sina Adel at Sarge Bryan Turalba Jr. (The Soldier and I 2015) Lumakad tayo kasama ang taong ating hinahagaan, tinupad ang ating pangarap at ginawang inspirasyon ang pag mamahal sa kabila ng pagiging imbisibol kasama sina Jopet at Rycen Paul. (Imbisibol 2016). Ngayong 2017, Samahan natin sina Kiko at Jevan sa kanilang naiibang pag lalakbay sa mundo ng kasikatan. Umakyat tayo sa entablado ng tagumpay at makipag sayaw sa makukulay na ilaw ng "LIMELIGHT" May 7, 2017
Alyas Kanto Boy oleh Ai_Tenshi
Alyas Kanto Boy
Ai_Tenshi
  • Membaca 508,657
  • Suara 2,490
  • Bagian 18
"Gusto kong malaman mo na walang kanto ang puso ko.. Ngunit maari kang tumambay dito hanggang gusto mo."
Ang Hari ng Angas (BXB 2014) oleh Ai_Tenshi
Ang Hari ng Angas (BXB 2014)
Ai_Tenshi
  • Membaca 415,016
  • Suara 2,654
  • Bagian 7
"Hindi ako galit sa iyo dahil hindi mo sinuklian ang pagmamahal ko. Nagagalit lamang ako sa sarili ko dahil MAS LALO PA AKONG NAHUHULOG sa iyo sa mga pagkakataon na gusto na kitang bitawan."
Ang Alamat ni Prinsipe Malik oleh Ai_Tenshi
Ang Alamat ni Prinsipe Malik
Ai_Tenshi
  • Membaca 276,171
  • Suara 1,645
  • Bagian 7
"Narinig mo na ba ang kwento tungkol sa alamat ng isang mabangis na nilalang sa ilalim ng dagat? Ang halimaw na ito ay sinasabing pinaka makapangyarihang likha na nabubuhay sa anyong tubig at dahil dito siya ang itinuturing na prinsipe ng lahat ng mga naninirahan doon. Mapa isda, balyena, pating at iba pang yamang tubig ay kanyang pag aari. Siya rin ang itinuturong dahilan ng mga aksidente at trahedya sa gitna ng karagatan. Ang mga lumubog na barko at mga nawawalang sasakyang pang hipapawid ay isinisisi din sa kanyang taglay na kapangyarihan. Pinaniniwalaang siya ay naka tira sa pinaka ilalim ng karagatan kung saan ang pinaka palatandaan nito ay ang hugis tatsulok na ibabaw ng tubig at ito ang tinawag na "Bermuda Triangle." Isang ito natatanging nilalang na kalahating tao at kalahating dragon ang katawan. Para itong isang sirena ngunit ang kanyang buntot ay binatay sa isang dragon na may matutulis na pangil at mahahabang kuko. Pangit ito at talagang kinatatakutan ng lahat. Sinasabing kumain ito ng karne ng mga hayop sa ilalim ng dagat ngunit mas paborito nya ang karne ng tao dahil kakaiba daw ang lasa at amoy nito kaya naman ang lahat ng mortal na naliligaw ng gitna ng karagatan ay kanyang binibiktima at ginagawang pang himagas. Ayon sa mga libro at iba pang dokumento, marami na daw ang na ka kita sa nilalang na ito dahil may may mangilan-ngilang imahe ng hindi maipaliwanag na nilalang ang nahahagip ng kanilang mga kamera kaya naman mas lalo pang nabubuhay ang haka- haka tungkol sa alamat ni Malik."
Imbisibol (BXB RomCom 2016) oleh Ai_Tenshi
Imbisibol (BXB RomCom 2016)
Ai_Tenshi
  • Membaca 429,967
  • Suara 17,243
  • Bagian 52
Author's note: Ang Kwentong ito ay base sa karanasan ng nakararami. Maaaring pamilyar sayo o naranasan mo na. Ngunit tinitiyak kong kapupulutan mo ito ng aral.
Ang Classmate kong Siga (BXB 2013) oleh Ai_Tenshi
Ang Classmate kong Siga (BXB 2013)
Ai_Tenshi
  • Membaca 197,561
  • Suara 1,310
  • Bagian 5
Ito ang Kwento ni Lee at ang Classmate niyang Siga. Ito ang pinaka unang kwento ginawa ko noong 2013 pa.Hindi ako ganoon kabihasa noong isinulat ko ito, kulang din ako sa ideya noong mga panahon na iyon. Itong kwento na ito ang nag papa alala sa akin kung saan ako nag simula. :) Enjoy reading.. ;) :)
Alyas Pogi oleh Ai_Tenshi
Alyas Pogi
Ai_Tenshi
  • Membaca 453,732
  • Suara 2,383
  • Bagian 9
Ang kwento ito ay mag iiwan ng ngiti, luha at inspirasyon upang tayong lahat ay maging mas mabuting tao na hinubog ng pag kakamali at pag subok. Bumalik muli tayo sa Compound ng Bagong Buhay, Bagong Pag Asa Street at samahan si Alyas Pogi sa kanyang naiibang kwento.
Si Tol ang Lover Ko (BXB 2013) oleh Ai_Tenshi
Si Tol ang Lover Ko (BXB 2013)
Ai_Tenshi
  • Membaca 163,530
  • Suara 862
  • Bagian 5
"Sa edad kong 20 , hindi ko alam kung bakit ako malas sa mga babae, gwapo naman ako at mabait pag tulog. Masipag din ako at masayahing tao. Pero sadyang malas lang yata ako sa buhay pag ibig.. Ginawa ko ang kwentong ito upang ibahagi sa inyo ang ibat ibang karanasan ko sa pag tahak sa daan ng buhay kasama ang ibat ibang tao na makakapag pabago ng aking mundo. Samahan nyo din akong tuklasin kung bakit si Tol ang naging Lover ko. Ako po si Seph Sebastian at ito ang aking kwento...."
Ang Tadhana ni Narding oleh Ai_Tenshi
Ang Tadhana ni Narding
Ai_Tenshi
  • Membaca 217,466
  • Suara 1,789
  • Bagian 9
Ang kwento ito ay kathang isip ko lamang bilang isang manunulat. Ito ang ibinatay ko lamang sa kwento ang isang sikat na Superhero na ang pangalan ay Darna. Katha ito ni Mars Revelo isa sa pinaka hinahangaan kong manunulat sa larangan ng fantasy. Ang totoo noon ay matagal na akong taga hanga ni Darna, bago ako manalo ng regional champion sa poster making noong high school ay si Darna muna ang unang natutunang iguhit ng aking mga kamay. At ngayong natututo akong mag sulat, nais ko gumawa ng aking sariling version ng kanyang imahe. Bagamat hinamon lamang ako na gawin ng kwento ito, nais ko pa rin itong lagyan ng aking tatak bilang writer ng BXB. Maligayang Pasko sa inyong lahat..