ShadoncrisAksjers
- Reads 567,761
- Votes 3,208
- Parts 27
Sollano Brothers #4:
Yielo Sairo Sollano
May mga mayayamang hindi naman talaga masaya. May mga anak na nakukuha nga ang lahat, pera, gamit, karangyaan, pero kapalit nito, kontrolado ang bawat segundo ng buhay nila. Bawat desisyon, kailangan may approval. Bawat hakbang, dapat nakaayon sa gusto ng pamilya. Walang kalayaan. Walang sariling boses. At lalong walang lugar ang salitang piliin ang sarili.
Gano'n ang buhay ni Chandria Celesta Ellison. She was raised to be flawless, elegant, intelligent, refined. Anak siya ng isang kilalang negosyante, at bata pa lang siya, itinuro na sa kanya kung paano maglakad, magsalita, at ngumiti na parang isang trophy, para lang sa imahe ng pamilya. Her life was mapped out for her. Hindi siya puwedeng magkamali. Hindi siya puwedeng sumuway.
At ang pinakamalaking expectation?
Dapat mapunta siya sa isang lalaking mayaman, edukado, kilala, at deserving sa apelyido nila. Love? Hindi 'yun kasama sa plano. At lalong hindi si Yielo Sairo Sollano.
Hanggang saan nila kayang ipaglaban ang kanilang pagmamahalan kung bawat hakbang ay may kapalit na sakit? They promise forever, but reality is cruel. Love can be brave, but not always enough. Will they fight, or will there be an end of their love?