felixabe's Reading List
24 stories
Baby On Board [BxB] [MPREG] by No_Ways
No_Ways
  • WpView
    Reads 731,228
  • WpVote
    Votes 33,713
  • WpPart
    Parts 43
Simula't sapul pa lang ay alam na ng ating Bida na siya ay hindi pangkaraniwan. Siya ay pinagpala sa lahat ng mga bakla dahil sa kaya niyang ibigay ang isang bagay na babae lang ang kayang magbigay, ang magkaanak. Ang problema lang ay hindi siya bakla at ni minsan ay hindi pumasok sa isip niya na magkaroon ng pamilya na siya ang tatayong ina. At ang lahat ng ayaw niyang mangyari ay nakatadhana nang mangyari dahil sa isang lalaking gagawin ang lahat maangkin lang siya. Ang lalaking hahamakin ang lahat masunod lang ang gusto niya. Ang lalaking ayaw na ayaw niyang maging ama sa kanyang mga magiging anak kung gustuhin man niyang mabuntis. Paano kaya tatakasan ng ating Bida ang kanyang kapalaran? May paraan pa ba para iwasang mangyari ito? Abangan.
Bakla 1: Inahas Si Inday Bakla : JUSTINE (GayRomance) (COMPLETED) (Editing) by __RODSY__
__RODSY__
  • WpView
    Reads 168,907
  • WpVote
    Votes 6,803
  • WpPart
    Parts 35
"Kahit anong mangyari'y ikaw ang mananatiling mahal ko. Ikaw at ang buong pagkatao mo." Zigzag. Sanga-sanga. Nakakahilo sa gulo ang kwento ng kanyang buhay at buhay-pag-ibig. Hanggang may isang Jude ang nagbigay sa kanya ng ngiti at kulay. Pero dumating ang isang Elisa at isang Erwin na ang hatid ay kalbaryo sa paligid. Ito ang k'wentong gagabay sa 'yo sa sanga-sangang lakbayin sa pagmamahal. Ang isa'y nag-aakusa pero umaangkin. Ang isa'y desperada at laging naghahabol. At ang isa'y nang-aahas na'y sakim pa at mapag-ari. Kaninong pagsuyo ang karapatdapat na masuklian? ©rodsy2018 story cover by MistVenus_ February to May 2018 Lahat ng kaganapan sa k'wento ay kathang isip lamang. Hindi kumakatawan sa sinuman, lugar o alinmang organisasyon. Kung may pagkakahalintulad sa totoong pangyayari at tunay na buhay ay hindi sinasadya at nagkataon lamang. Ang bawat karapatan at bahagi sa k'wentong ito ay pagmamay-ari ng sumulat. Hindi maaaring gayahin o kopyahin sa kahit na anong pamamaraan nang walang pahintulot ng awtor.
The Casanova's Nightmare (Dangerous Man Series)(Boyxboy) by Iamjaelopez
Iamjaelopez
  • WpView
    Reads 925,982
  • WpVote
    Votes 4,855
  • WpPart
    Parts 6
[COMPLETED] Sa edad na labing-anim, isang malaking responsibilidad na ang pinapasan ni Devin. At ito ay ang alagaan ang kanyang dalawang pamangkin, mga anak ng kanyang yumaong kakambal. His sister died because of complications. Hindi kinaya nito ang pagluwal sa dalawang bata. Namatay din ang kanyang ina dahil sa sakit na breast cancer. Naging katuwang niya sa pag-aalaga ang kanyang tita subalit namatay din ito dahil din sa isang malubhang sakit. Lahat ng taong minamahal niya ay iniwan siya. Ang daddy niya, ang mommy niya, ang kapatid niya at ang tita niya. Isang tao lang ang kanyang sinisi sa lahat ng nangyayari sa kanya na halos ikinasuko na niya. Pero naging malakas siya dahil sa kanyang mga pamangkin. Mahal na mahal niya ang mga ito at itinuring na tunay na mga anak. Nagpakakatatay siya. Pinilit na hinarap ang lahat ng pagsubok sa buhay. Sa paglipas ng mga taon, naging maayos ang buhay niya kasama ang dalawa niyang kayamanan. Pero paano kung bumalik ang bangungot ng nakaraan? Haharapin ba niya ito at itutuloy ang pangakong ipaghihiganti ang lahat ng kasamaan na idinulot nito sa kanya? O hahayaan na lamang niya ang bangungot na ito at gigising na lang sa mula sa isang magandang panaginip? *** Hideo Muraoka as Kingsley Andrew Alegre Yook Sungjae as Devin Callente This is first my entry for the Dangerous Man Series. Cover illustrated by @YusTimmy. *** Date started: March 01, 2017 Date finished: December 31, 2017
The Last Pogi (BXB 2019) by Ai_Tenshi
Ai_Tenshi
  • WpView
    Reads 421,458
  • WpVote
    Votes 16,815
  • WpPart
    Parts 40
At ngayong 2019, malugod kong inihahandog sa inyo ang pinaka huling miyembro ng grupo. Si Gorien Merrick Raval "Gomer" ang tinaguriang "The Last Pogi". Siya pinaka bagong tauhan na tiyak na hahangaan at mamahalin ninyo kaya naman samahan natin siya sa kanyang pag lalakad sa Compound ng Sitio Bagong Buhay, Bagong Pag Asa Street at dito ay papatunayan niya na "huli man raw at magaling ay naihahabol rin."
Ang Hari ng Angas (BXB 2014) by Ai_Tenshi
Ai_Tenshi
  • WpView
    Reads 415,432
  • WpVote
    Votes 2,654
  • WpPart
    Parts 7
"Hindi ako galit sa iyo dahil hindi mo sinuklian ang pagmamahal ko. Nagagalit lamang ako sa sarili ko dahil MAS LALO PA AKONG NAHUHULOG sa iyo sa mga pagkakataon na gusto na kitang bitawan."
Ang Gwapong Gago by Ai_Tenshi
Ai_Tenshi
  • WpView
    Reads 619,303
  • WpVote
    Votes 24,851
  • WpPart
    Parts 58
"Umupo ako sa ilalim ng isang puno at doon ay napansin kong kakasibol pa lamang ng mga bagong dahon sa kanyang lumang sanga. Napangiti ako sa aking nakita dahil ngayon ko lamang napag tanto na ang lahat ng mga bagay sa mundo ay may kaniya- kaniyang paraan upang buuin ang kanyang sarili. Katulad ng punong ito, sa kabila ng kantandaan ay nagagawa pa rin niyang ayusin ang kanyang sirang sanga at palitan ito ng mas matibay pa. Iyan marahil ang sinasabing kulay ng tag sibol. Habang may buhay ay may pag asa. Kaya't matutong makipaglaban kahit ang kapalit pa nito ay isang daang beses na pagkakadapa." -ALDRIN JIMENEZ
Alyas Kanto Boy by Ai_Tenshi
Ai_Tenshi
  • WpView
    Reads 509,181
  • WpVote
    Votes 2,494
  • WpPart
    Parts 18
"Gusto kong malaman mo na walang kanto ang puso ko.. Ngunit maari kang tumambay dito hanggang gusto mo."
Alyas Pogi by Ai_Tenshi
Ai_Tenshi
  • WpView
    Reads 454,081
  • WpVote
    Votes 2,384
  • WpPart
    Parts 9
Ang kwento ito ay mag iiwan ng ngiti, luha at inspirasyon upang tayong lahat ay maging mas mabuting tao na hinubog ng pag kakamali at pag subok. Bumalik muli tayo sa Compound ng Bagong Buhay, Bagong Pag Asa Street at samahan si Alyas Pogi sa kanyang naiibang kwento.
The Soldier & I BOOK 2 (BXB 2018) by Ai_Tenshi
Ai_Tenshi
  • WpView
    Reads 98,078
  • WpVote
    Votes 963
  • WpPart
    Parts 8
Dahil nangako ako sa inyo ay nag lakas loob akong muling buksan ang kwento nina Adel at Bryan Turalba. Alam ko naman na kahit papaano ay minahal nyo silang dalawa, kasama nila kayong tumawa, umiyak at nasaktan. At ngayon ay nais kong samahan nyo ulit sila sa isang misyong mag dadala sa inyo sa iba't ibang uri ng sitwasyon sa buhay na tiyak kapupulutan ng aral at inspirasyon.