By Belle Feliz
6 stories
Contessa's Intruder (Complete) by xoxoxxbelle
xoxoxxbelle
  • WpView
    Reads 167,958
  • WpVote
    Votes 7,919
  • WpPart
    Parts 24
Nagulo ang nananahimik na buhay ni Contessa sa isang liblib na pook nang may biglang pumasok na magnanakaw sa bahay niya. Inakala niyang tatangayin ng lalaki ang mga alaga niyang hayop pero hindi pala ito kawatan kundi si Adrian Neiderost, ang mapapangasawa ng pinsan niyang si Lindy. Nagtungo raw ito roon upang hanapin ang bride nito na hindi sumipot sa kasal. Hindi nito natagpuan ang pinsan niya dahil hindi naman doon tumutuloy si Lindy. Pero iginiit nitong doon muna ito upang hintayin ang pinsan niya. Tutol siya sa desisyon nito pero wala rin siyang nagawa kundi sumang-ayon. May kakaibang panghalina si Adrian. Lagi niyang natatagpuan ang sarili na hinahangaan ito. Mali na mahulog nang husto ang loob niya rito dahil masasaktan lamang siya sa huli. Hindi ito mananatili sa kanyang tabi habang-buhay dahil pag-aari ito ng pinsan niya. Pinilit niyang huwag umibig dito pero hindi niya nakontrol ang kanyang puso, umibig pa rin siya rito. At tama siya. Hindi ito nanatili sa tabi niya...
Villa Cattleya: Fated Love (Complete) by xoxoxxbelle
xoxoxxbelle
  • WpView
    Reads 45,690
  • WpVote
    Votes 1,735
  • WpPart
    Parts 20
"Sana pasalihin mo uli ako sa buhay mo. Kasi hindi ako magiging masaya kung wala ka sa buhay ko." Mula pagkabata ay binuntot-buntutan na ni Aline si Wilt. Kumbinsido siya na sila ang nakalaan para sa isa't isa. Alam niya na ganoon din ang paniniwala ni Wilt kahit hindi nito sabihin. Nagkaroon sila ng usapan na magiging opisyal na ang relasyon nila pagsapit niya sa edad na disiotso. Natupad ang usapan na iyon. Inakala niya na magiging masaya na sila habang-buhay. Akala niya ay wala nang makakasira sa magandang samahan nila. Hanggang sa mahuli niya si Wilt na may kahalikang ibang babae sa ilog. Noon nagbago ang lahat sa pagitan nila. Umalis si Wilt nang walang paliwanag at pagbalik, nais nitong humingi ng isa pang pagkakataon. Paano niya gagawin iyon kung hindi na siya naniniwalang sila ang nakatadhana para sa isa't isa?
Devoted (Completed) by xoxoxxbelle
xoxoxxbelle
  • WpView
    Reads 370,176
  • WpVote
    Votes 8,576
  • WpPart
    Parts 29
Sometimes, love could be easy and uncomplicated. Matagal nang gusto ng kanya-kanyang pamilya na magkatuluyan ang isang Punzalan at isang Soriano. Pero hindi iyon nabibigyang-katuparan dahil walang Punzalan at Soriano na nagkakagustuhan. Hanggang sa magkaharap muli ang kapwa brokenhearted na sina Mimi Punzalan at Mark Soriano. Pareho silang naglaan ng mahabang panahon at nag-invest ng pagmamahal sa mga taong hindi naman sila totoong minahal. Naisip ni Mimi, wala naman sigurong masama kung susubukan nila ni Mark na mahalin ang isa't isa. "Be my boyfriend, Mark," deretsahang sabi ni Mimi. Napamata sa kanya si Mark. "Pakiulit." "Let's be officially together. I'll be your girlfriend, you'll be my boyfriend. Subukan lang natin. Tingnan natin kung compatible tayo. Mukhang magkakasundo tayo nang husto. Guwapo ka, maganda ako. Heartbroken ka, heartbroken din ako. Iniwan ka, pinagtaksilan ako. We can heal each other. We can make each other happy." "Okay." Nagsalubong ang mga kilay ni Mimi. "Okay? Okay, let's just forget about it?" "No. Okay, let's be officially together. You'll be by girl, I'll be your man. We'll be devoted to each other. Only to each other." Magtatagumpay ba ang relasyong by choice at hindi nagsimula sa pagmamahalan? - guys, this is the unedited version, okay? patawarin po muna ako sa mga mali. happy reading! :)
My Darling Brat COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 991,064
  • WpVote
    Votes 14,801
  • WpPart
    Parts 38
My Darling Brat By Belle Feliz
12 Gifts of Christmas: The Gift by xoxoxxbelle
xoxoxxbelle
  • WpView
    Reads 41,618
  • WpVote
    Votes 1,169
  • WpPart
    Parts 12
"This something special that's going on between us, sinisiguro ko sa 'yo na hindi magtatapos ngayong Pasko." Parehong nakatanggap ng tsekeng may malaking halaga sina Maeve at Landis bago ang unang araw ng Disyembre. Ang kapalit ng malaking halaga na iyon ay ang pananatili nila sa isang mansiyon kasama ang dati nilang guro hanggang sa araw ng Pasko. Napili sila dahil parehong mag-isa lang sila sa darating na Pasko. Kapwa rin sila nawalan ng mahahalagang tao sa buhay sa araw mismo ng Pasko. Maeve lost her husband. Landis lost his child. Magkaklase sina Maeve at Landis noong high school ngunit hindi naging malapit sa isa't isa. He was a jock; she was the geek. Hindi sila nagkaroon ng pagkakataon na makilala nang husto ang isa't isa noong kabataan nila. This Christmas, they received beautiful gifts. Isang magandang posibilidad ng bagong buhay.At isang bagong pag-ibig.Isang magandang pagkakataon upang magsimulang muli. Mabubura ba ng Paskong ito ang malulungkot na alaala ng nakaraang Pasko? note: unedited and 12 chapters long. happy reading. merry christmas! :)
Love Drunk COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 1,888,235
  • WpVote
    Votes 30,606
  • WpPart
    Parts 42
Love Drunk By Belle Feliz "I think I've been in love with you from the moment I first laid eyes on you." Tanggap na ni Elizabeth na nakatakda siyang mag-isa habang-buhay. Pero nang makilala niya si George ay hindi niya inakalang babaguhin nito ang buhay niya. They spent a night together. The next day, saka niya nakilala kung sino si George, kung gaano kalaki ang pangalan nito sa mundo ng telebisyon at kung gaano ito nirerespeto ng mga tao. Kaya nang malaman niyang nagbunga ang isang gabing pagsasama nila ay natakot siyang ipaalam ang tungkol sa anak nila at ikaila sila nito. Sa halip, pilit na lamang niya itong kinalimutan. Naging masaya siya sa pagiging ina; halos wala na siyang mahihiling pa. Pero may sariling paraan ang tadhana upang pagtagpuin sila ni George. Muli, binago nito ang buhay niya. He made her want things that were romantic and permanent. He made her want him so badly. Kahit nagsusumigaw ang isa na namang katotohanan sa pagkatao nito...