user85235308's Reading List
187 stories
Lord Of The Dead Beasts [Volume 2: Behind The Strings] by heysomnia
heysomnia
  • WpView
    Reads 85,441
  • WpVote
    Votes 8,499
  • WpPart
    Parts 70
Sa tulong ng System na nagmula pa sa hinaharap, kilala na ng buong Red Division ang pangalang "Grim Lancaster." Pero sa kabila ng kaniyang mga abilidad, alam niyang hindi pa sapat ang lakas niya upang ipakita kung sino talaga siya. Hindi pa ngayon ang oras para ibunyag ang tunay niyang pagkatao bilang isang mandirigmang maraming himala. "Darating ang araw na babagsak din si Barthel at ang guro ni Jedan sa sarili kong mga kamay." Isa iyong pangakong matagal nang nakaukit sa puso ni Grim - at kailan man ay hindi niya iyon balak na talikuran. Pero para maisakatuparan iyon, kailangan muna niyang makaligtas. Dahil sa desisyon niyang tumayo sa tabi ni Nirvana Embers, isa na rin siya ngayon sa puntirya ng mga assassin - mga lihim na kalabang handang pumatay para sa layuning hindi pa niya lubusang nauunawaan. At kung gusto niyang makamit ang pagkilalang nararapat sa kaniya... kailangan niyang higitan ang sarili niyang limitasyon. Kailangan niyang lumaban sa mga aninong hindi niya nakikita, sa mga panganib na hindi niya alam kung kailan tatama. Sa mundong puno ng panlilinlang at lihim - hanggang kailan niya kayang manatiling buhay... Kung ang totoo niyang pagkatao ay hindi niya magawang maisigaw? Book Cover by: @Patzgeraldt Date started: April 01, 2025
Legend of Divine God [Vol 18: Defiance of Fate] by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 764,404
  • WpVote
    Votes 100,288
  • WpPart
    Parts 200
Pagkatapos ng sukdulang pagsasakripisyo ng mga anghel para maisalba ang buong sanlibutan, mas lalong umigting ang kagustuhan ni Finn na wakasan na ang digmaan. Ayaw niya nang may mapapasakripisyo o may magsasakripisyo pa kaya handa na rin siyang ibigay ang lahat sa alyansa para lang maipanalo nila ang laban. Ganoon man, sasapat na ba ang lahat ng kaya niyang ibigay para magwakas na ang kaguluhan? O kukulangin pa rin siya dahil mas handa ang mga diyablo sa kanilang digmaan? -- Illustration by Rugüi Ên Date Started: June 1, 2025 (wattpad) © All Rights Reserved.
Legends of God's Children [School of Magic] by deredskert
deredskert
  • WpView
    Reads 22,416
  • WpVote
    Votes 3,956
  • WpPart
    Parts 160
Legends of Gods Children: Volume 1 - School of Magic Genre: Action, Fantasy, Adventure In the year 2100, humanity is on the brink of extinction. The world has been overrun by demonic forces, remnants of biblical lore now wreaking havoc on Earth. As darkness envelops the planet, a glimmer of hope arises. An angelic prophecy foretells of a chosen generation, bestowed with extraordinary powers to combat this apocalyptic threat. They are the Gods' Children. Follow a group of young heroes as they are brought together in a secret academy, a sanctuary hidden from the demonic hordes. Here, they train rigorously to master their unique abilities, preparing for the ultimate battle against the forces of evil. Volume 1: School of Magic sets the stage for an epic saga, introducing us to these extraordinary individuals as they embark on a perilous journey to save humanity.
Lord Of The Dead Beasts [Volume 1: Blessing Of The Abyss] by heysomnia
heysomnia
  • WpView
    Reads 83,781
  • WpVote
    Votes 7,386
  • WpPart
    Parts 40
Walang pangalan. Walang kalayaan. Isa lamang na alipin si Grim - hanggang sa isang gabi, tinulungan siya ng isang misteryosong mersenaryo upang makatakas. Gayunman, ang dati niyang amo ay natunton siya't walang awang pinaslang. Dapat ay doon na nagtatapos ang kaniyang kuwento. Pero hindi. Isang misteryosong boses mula sa hinaharap ang bumulong ng kakaibang salita sa kaniyang isipan: "System, now downloading, Advanced Class: Lord of the Dead Beasts." Mula sa kamatayan, si Grim ay muling nabuhay. At sa kaniyang paggising, taglay na niya ang kapangyarihang muling buhayin - at kontrolin - ang mga bangkay ng Magus Beasts. At ngayon, hindi na siya alipin. Isa na siyang nilalang na hindi na kaya pang itali ng kadena o isumpa ng kasuklam-suklam niyang marka. Ang pangalan niya ay Grim Lancaster... at dala niya ang bangis ng libo-libong mga Magus Beasts. Ang mundo ay magluluksa. At ang kaniyang paghihiganti... AY DITO PA LANG MAGSISIMULA Bookcover by: @Patzgeraldt Date Started: January 01, 2025
Legend of Divine God (Vol 15: The Divine Prophecy) by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 1,129,701
  • WpVote
    Votes 157,148
  • WpPart
    Parts 172
Synopsis: Ang mga pangyayari sa Land of Origins ay nagsisimula nang maging kapana-panabik. Naglilitawan na ang mga naiwang kayamanan at pamana ng mga totoong diyos, at sa mas pinaigting na kompetisyon sa pagitan ng mga tagalabas, nagbabadya ang isang malaking delubyo. Kaniya-kaniya nang pagpapalakas ang bawat naghahangad ng kapangyarihan at katanyagan. Si Brien Latter na hanggang ngayon ay may misteryosong katauhan ay mayroong binabalak para si Finn ay wakasan. Palaki na nang palaki at palakas na nang palakas ang hukbong pinamumunuan nina Ashe at Tiffanya. Habang si Finn, sinisimulan niya na ang pagpapaunlad sa kaniyang sarili at sa New Order para paghandaan ang nalalapit na9 digmaan. Sa huli kung saan isa lang ang maaaring hiranging karapat-dapat, sino kina Finn, Brien, Ashe, at Tiffanya ang magwawagi? Isa ba sa kanilang apat...o mayroon pang ibang karapat-dapat? -- Date Started(Wattpad): December 10, 2023 Date Ended(Wattpad): June 7, 2024
Wild And Heartless Mistake (COMPLETED) by JesalynInocillas
JesalynInocillas
  • WpView
    Reads 688,885
  • WpVote
    Votes 12,796
  • WpPart
    Parts 40
Si Phoebe Raye Dawson ay isang tipikal na babae na madaling nakukuha ang gusto. She was heartless and cold hearted woman. She only wants luxurious things in her life but everything will change when her mother said that she need to go to province just to help her friend. How can she afford to stay there in a long time? And how can she stop her heart when she started to fall to that unexpected guy? Started: March 27, 2023 Ended: August 28, 2023
His Blue Eyed Bad Girl Angel (Sinner or Saint) by helliza
helliza
  • WpView
    Reads 8,707,120
  • WpVote
    Votes 182,800
  • WpPart
    Parts 59
Angela promised Dylan to wait for him. Kasabay ng pangakong iyon ay ang kanyang sumpa na matututo siyang lumaban at ipagtanggol ang sarili laban sa mga umaapi sa kanya. She promised, but Dylan never returned. With a broken heart yet an unyielding desire to be with Dylan again, Angela set out to find him. Natagpuan niya ang binata, ngunit ang sakit na nadama niya ay nadagdagan nang malamang hindi na siya nito naaalala. Determined to rekindle his memory, she did everything to make him remember. But it wasn't the gentle, timid Angela who faced him this time. Dylan had once told her: "Huwag kang magpaapi. Huwag mong hayaang saktan ka ng iba, pisikal man o emosyonal. Huwag kang maging mahina." And so, Angela transformed into a fierce, unapologetic woman. Gone was the soft-hearted Angela. She became the rebellious, sharp-tongued Angela who thrived on... chaos? Will Dylan recognize the woman she has become? Will he see that this blue-eyed rebel is still his blue-eyed angel? At sa gitna ng lahat ng ito, isang tanong ang nagpapalala sa gulo: Sino ang nagtatangka sa buhay ni Angela?
Legend of Divine God [Vol 14: Remnants of the Gods] by GinoongOso
GinoongOso
  • WpView
    Reads 613,200
  • WpVote
    Votes 96,896
  • WpPart
    Parts 102
Armado ng mahahalagang impormasyon at bagay na makatutulong sa kanilang paglalakbay, ipinagpapatuloy ni Finn at ng buong New Order ang kanilang pakikipagsapalaran sa mundo ng pinagmulan. Dahil sa mga napagtagumpayan ni Finn, tatlo sa kilalang puwersa sa Land of Origins ay kaniya nang kaibigan. Mayroon silang kalamangan na wala ang ibang tagalabas; mayroon na silang pagkakaintindi sa kung ano man ang mayroon sa mundong kanilang ginagalawan. Ganoon man, marami pang hiwaga ang hindi pa nila natutuklasan-at isa na sa mga iyon ang mga naiwan ng mga diyos sa Land of Origins na ngayon ay isa-isang tutuklasin ni Finn at New Order. -- Date started: August 1, 2023 (Wattpad) Date ended: November 8, 2023 (Wattpad) --
The Billionaire's Childish Wife (COMPLETED) by binibiningleccir
binibiningleccir
  • WpView
    Reads 5,416,984
  • WpVote
    Votes 187,923
  • WpPart
    Parts 77
He ordered two men he could trust to fetch the woman he had chosen to marry. But due to a mistake, a different woman than he expected came.... "S-sorry boss. Nagkamali kami ng nadukot na babae." "Damn you, Hunter!" "Mr. Von, may lollipop ka? Penge." "Vaughn not Von! And none. I don't have a fucking lollipop so don't talk to me woman." What unexpected romance awaits when a billionaire's kidnapping goes wrong?
DEFYING THE GATE OF RULES: DOWNFALL OF ROYAL CLANS [Volume 2] #Wattys2020 by Jilib480
Jilib480
  • WpView
    Reads 5,668
  • WpVote
    Votes 297
  • WpPart
    Parts 17
Si Van Grego, isang napakatalentadong Cultivator sa kanyang murang edad. Nakikilala siya dahil sa angkin nitong talento ngunit nang nagkaroon siya ng anomalya sa kanyang dantian ay itinuring siyang basura at napakawalang silbi ng kaniyang sariling angkan. Ang noo'y namamanghang mga mata ng mga nakakapaligid sa kanya na mga tao ay ngayo'y may mapangmaliit at mapanghamak na mga tingin. Sa edad na siyam hanggang dalawamput-isa ay naging mature na ang kanyang isip. Maraming mga taong nangungutya sa kanya sa bawat paggalaw at kapag nakikita siya ng mga kaedaran niya o ng mga bata't matatanda, unti-unti na siyang inagawan ng kanyang kabataan. Minsa'y napanghihinaan na siya ng loob dahil dito. Wala siyang naging kasalanan kung bakit nangyari ang mga anomalya sa kanyang dantian na kahit siya'y hindi na nagkaroon pa na ipagpapatuloy pa ang kanyang Cultivation. Makikita natin ang ating bidang handang ibuwis ang lahat maging ang kanyang sarili na magpapalungkot, magpapasaya, magpapamangha at magpapaiyak sa atin sa mga pang- OUT OF THIS WORLD na kaganapang magpapaintindi sayong walang hangganan ang buong mundong ito. Dito niyo masasaksihan na walang imposible sa taong nagpupursigi upang tamuhin ang kalayaan at ipaintindi sa lahat na may kabutihan pa rin ang mundong ito, ang mundong sisira o magpapalakas sayo. May pag-asa pa kayang mabago ang kapalaran niya o mananatili lamang na patapon ang buhay niya o mabibilanggo ba ang kanyang sarili habang buhay sa kadiliman? Makakamit ba ni Van Grego ang pinakarurok ng Martial Arts o Mamamatay siya sa kalagitnaan pa lamang ng kanyang paglalakbay? Halina't samahan natin si Van Grego sa pagtuklas ng kanyang totoong pagkatao at paglaban nito sa napakadelikadong situwasyon upang ipaglaban ang alam niya'y tama.