Get ready for your FINAL exam!
Misteryosong pinapatay ang mga estudyanteng bully sa Santa Clara National High School. Hanggang sa isang grupo ng bullied students ang nagkaisa upang imbestigahan ang pangyayari na iyon sa kanilang school. Paano kung malaman nila na ang eskwelahan nila ay ang dating eskwelahan ng estudyanteng nagpakamatay na si OLIVIA PENELOPE? Hindi pa nga rin ba natatapos ang kanyang paghihiganti?
May mga nawalang alaala si Alice. At sa pagbabalik niya sa kinalakhang bahay dahil sa pagkamatay ng kaniyang ama ay dalawang kaluluwa ang gagambala sa kaniya. Sino ang dalawang kaluluwang ito at bakit nasa bahay nila ito? Parte ba ito ng alaala niyang nawala o may mga bagay siyang hindi alam na nangyari noong mga panahon na wala siya sa bahay na iyon?
Magkasintahan sina Lauren at Sarah. Hindi naging hadlang sa kanilang pagmamahalan ang pagkakaparehas nila ng kasarian. Isang lugar na malayo sa panghuhusga ng tao ang kanilang pinuntahan. Ngunit paano kung ang inakala nilang tahimik na bakasyon ay mauwi sa kahindik-hindik na pangyayari?
[THIS IS A REVISED VERSION OF MY SHORT STORY "ONE NIGHT ONLY]
Kinailangang kumayod ng doble ni JANE dahil sa matinding pangangailangan kaya kahit ang pagbabantay ng mga bata sa isang pamilya tuwing gabi ay ginawa niya. Ngunit hindi niya akalain na isang gabi sa kaniyang pag-aalaga ng mga bata ay isang nakamaskarang killer ang kaniyang makakaharap. Nakaligtas siya ng gabing iyon ngunit namatay ang lahat ng kaniyang inaalagaan. Ang buong akala niya ay tapos na ang lahat ngunit paano kung sa pangalawang pagkakataon ay magkaharap silang muli ng naturang killer? Magawa pa kaya niyang makaligtas gaya ng una?