MadamBiyolet
Walang araw na hindi nagdidildil ng asin si Margarita. Mabait na anak sa kanyang ina. May nobyong hindi kakisigan ngunit masipag. Taga bigay ng pagkain sa mga galang pusa at aso sa bangketa. Tiga ayos ng nagmumurang buhok ng kapatid niyang si kulot. Taga bili ng sampung pirasong tinapay na may uling sa panadero at isang astronaut dahil sa kabi-kabilaang raket na ginagawa maipangtubos lang sa kinakalawang na singsing.
Ngunit nang gabing iyon, natagpuang palutang-lutang sa ilog ang bente uno anyos na dalagita.
****
Mga hindi imbidatong panauhin na putak ng putak, mga kamag-anak na biglang nagsisulputan, mga taga hatid ng nagbabagang balita sa umaga, ang pagtilaok ng manok, ang misteryosong lalaking may bigote, ang mga rugby boys at ang nakamotorsiklong sekyu.
Ano ang kinalaman nila sa pagkamatay ni Margarita?