Bamgregorio
LIMANG taong nagsama si Melody at Benjie sa isang bubong, kailanman hindi sila nabigyan ng isang supling para maging simbolo ng kanilang wagas na pagmamahalan. Naging mahirap ang buhay para sa kanilang dalawa kaya nagpasya si Benjie na mula Cebu pumunta ng Manila para maghanap ng magandang trabaho iniwan ang pangakong babalik ito sa piling niya para sa mas magandang simula ng kanilang buhay mag-asawa.
Isa, dalawa, tatlo hanggang sa umabot ang limang taon walang Benjie ang bumalik sa buhay ni Melody, d'on siya naglakas ng loob para hanapin ang lalaki sa malawak na siyudad. Mahirap man para sa kaniya ang naging buhay wala siyang magawa.
Naisakatuparan ni Melody na mahanap si Benjie. Pero ang hindi niya inaasahan at hindi niya kailanman naisip na may ibang babae sa buhay nito; isang mayaman, edukada at wala siyang sinabi balik-baliktarin niya man ang mundo.
Ipaglalaban ba ni Melody si Benjie? O tatanggapin sa sariling inabandona na siya ni Benjie na mas kilala na sa tawag na Benjamin Gonzaga sa bagong mundong ginagalawan nito kasama si Priyanka ang kaniyang amo.