GaePotato_Head
Mula sa aking malalim na pagmumuni-muni habang kumakain, nag-angat ako ng tingin ng may dalawang pares ng mga paa ang pumukaw ng aking atensyon kasabay ng pag-upo nila sa bakanteng upuan dito sa table ko. Kilala ko sa mukha itong mga ito eh, hindi naman lagi pero madalas ko silang makita sa mga lugar kung nasaan din ako gaya ngayon. Coincidence? Hindi ko alam.
Pero tulad pa rin nung una, hindi ko pa din maiwasan humanga kay Bunny. Maganda naman sila pareho, iba lang talaga ang taglay nyang ganda at epekto ng titig at presensya nya sa buong sistema ko. Mula sa kanyang mahabang alun-along dark blonde na buhok, perfect eyebrows , doll-eyed coffee brown eyes, matangos na ilong, natural pink full lips, sharp jaw line at beauty queen like na leeg pababa sa kanyang... uhh, ahmm.. always proud na dibdib. Maputi sya na nag-compliment sa buong features nya. Kung may maipipintas man ako sa kanya eh siguro hanggang lips ko lang sya sa height kong 5'10" kung wala syang suot na heels. Di ko namalayan na napako ang panginin ko sa dibdib nya ng bigla syang nagsalita ng panis, gasgas at laspag na linyang...... "Done checking me out?" with matching pagtaas pa ng kanang kilay then smirk..
Napasipol na lang ako sabay kanta sa isip, "Makinis, maputi sya pero bat ganon? Bakit laging busangot at nanlalaki ang butas ng ilong!"
Vinn Gavrielle and Shan Charlotte
GXG story
Ang ending, Literal na description ng isang character kinalabasan.
Happy Reading Loves.