Brendalinaa11's Reading List
2 stories
MARRIED TO YOU by fedejik
fedejik
  • WpView
    Reads 4,813,900
  • WpVote
    Votes 83,872
  • WpPart
    Parts 46
Hindi inaasahan ni Xial Andrew na sa isang club siya dadalhin ng kaibigang si Riche. At kahit pa hindi naman talaga siya pumupunta sa ganoong lugar ay sinakyan na lang niya ang trip nito at doon nga ay nakilala si Timmy. Si Timmy na unang beses pa lang niya nakilala ay may naganap na agad sa pagitan nila. At mas lalong hindi niya inaasahang 'virgin' pa ang babae. Nakaramdam siya ng guilt, pero agad din niyang nakita ang oportunidad na magamit ang babae para mas madali niyang makuha ang mana niya sa kanyang yumaong Lolo Dionisio. Ngunit ang kasalan nila ay unti-unting naging totohanan dahil na rin sa pagiging 'sexually attracted' nila sa isa't isa. At kung kailan tila maayos na ang lahat sa pagitan nila ay saka pa sinubok ang pagmamahalan nila. Dumating ang one great love ni Xial na si Marj at napag-alaman pa nitong hindi totoo ang kasalang naganap. At Isa iyon sa naging dahilan para tuluyan silang magkahiwalay. Pero dahil sadyang mapaglaro ang tadhana, muli na namang nagtagpo ang landas nila. Was there a chance for happily ever after on a love built on lies?
Falling For Ms. Model [Published] by CeCeLib
CeCeLib
  • WpView
    Reads 4,794,536
  • WpVote
    Votes 128,708
  • WpPart
    Parts 15
Kilala si Eizel Nicole San Diego bilang isa sa mga sikat na modelo sa buong mundo. Naparangalan na siya bilang isa sa may pinakamagandang mukha sa bansa at ipinagmamalaki niya 'yon. Halos nasa kanya na ang lahat. Mapagmahal na mga magulang. Mababait na mga kapatid at mga kamag-anak niya na walang sawang sumusuporta sa lahat ng gawin niya. Maganda. Matalino. Mataray. Sanay siya na nasa kanya ang atensiyon ng lahat. Kaya naman ng makabungguan niya ng sasakyan ang antipatikong si Lancelott Storm, isang hilaw na amerikano na hindi kilala ang pagmumukha niya, halos sumabog siya sa sobrang galit. Sino ba ang lalaking ito na binangga na siya at lahat-lahat, hindi man lang sinambit ang salitang 'sorry' at wala pang kaabog-abog na iniwan siya ng dumuho sa gitna ng kalsada. At ang hindi niya matanggap ay sa dinami-dami ng photographer sa mundo, ito pa ang kinuha ng Fashion Magazine para kunan siya ng larawan. Nasaan ang katarungan?