Lyra_Mae08's Reading List
121 stories
Dosage of Serotonin by inksteady
inksteady
  • WpView
    Reads 40,236,821
  • WpVote
    Votes 1,333,438
  • WpPart
    Parts 47
Started: 04/27/2021 Ended: 08/24/2021 Ang hirap palang tumanda. Ang hirap magbayad ng bills. Ang hirap suportahan ng pamilyang akala ay isang milyon ang suweldo mo. Ang hirap ngumiti sa nanay na mataas ang tingin sa'yo pero hindi ka kayang ipagtanggol. Ang hirap tabihan sa hapagkainan ng tatay na pinag-uubusan mo ng pera pero hindi ka maalala. Ang hirap mag-abot ng tulong sa kapatid na baon sa utang. Ang hirap intindihin ng hipag na nakakapagpa-rebond pa kahit kapos na kapos na. Ang hirap pakisamahan ng bunsong halos ilahad ang mga palad tuwing makikita ka. Ang hirap ngitian ng mga taong tanong nang tanong kung bakit hindi ka pa nakakapag-asawa. Ang hirap humarap sa mundong isasampal sa'yo na mag-isa ka. Tulong, bigay, utang. Isang iling mo lang, madamot ka na. Kasama mo sila kapag may maibibigay ka, pero hindi mo sila mahahanap kapag wala na. Ikaw ang kakayod, sila ang tutuka. Ikaw ang iiyak sa pagod, sila ang magtatamasa. Iyon ang summary ng buhay ko. Sobra-sobra ang naririnig na paghingi, kulang na kulang ang naririnig na pasasalamat. Sobra-sobra ang pagpapasensya, kulang na kulang ang natatanggap na pagpapahalaga. Sobra-sobra ang binabayaran, kulang na kulang sa kasiyahan. Kaya nang dumating sa buhay ko ang nag-iisang lalaking hindi ako nakita bilang naglalakad na alkansya, ang nag-iisang lalaking nakinig sa mahabang listahan ko ng problema, ang nag-iisang lalaking nagbigay sa akin ng kakaibang saya, ipinangako ko sa sarili na sa gitna ng hirap ng pagtanda, magtitiis ako basta't siya ang kasama. Kahit pa ang kapalit noon ay pagtalikod sa minahal na pamilya. Kahit pa ang kapalit noon ay paglaban sa mundong pinatatakbo ng kapangyarihan at pera. Kahit pa ang kapalit noon ay ang pagdurusa't pag-iisa. Siya ang ginhawa, pahinga, at kasiyahan ko. Dumating man ang araw na tanaw ko na ang dulo. Dumating man ang araw na wala na kaming sagot sa lahat ng bakit at paano. Dumating man ang araw na pareho na kaming talo.
Sirene by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 6,099,483
  • WpVote
    Votes 187,696
  • WpPart
    Parts 21
May isang pinaniniwalaang alamat ng Karagatan na kung saan may mga sirenang nagbabantay ng mahiwagang Perlas sa Hilaga, Timog, Silangan at Kanluran ng Pilipinas. Sa tuwing kabilugan ng buwan ay nag-aalay ng buhay ng tao ang mga sirenang iyon para sa Karagatan. Sa loob ng ilang libong taon ay napanatili ang pangangalaga sa mahiwagang Perlas hanggang sa isang gabi ay ninakaw ng isang pilyong binata na kilalang manggagantso ang perlas ng Kanluran na binabantayan ni Sirene. Isang mahiwagang perlas, isang mamamatay-tao na Sirena, isang pilyong manggagantso na binata, isang hapon na kapitan ng barko, at ang paparating na Ikalawang Digmaang Pandaigdig (World War II). Ang istoryang ito ay panahon pa ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas. Date Written: November 15, 2017 Date Finished: July 10, 2018
Salamisim (Published by Flutter Fic) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 12,636,300
  • WpVote
    Votes 586,690
  • WpPart
    Parts 39
Ang Unang Serye. "Isang araw, nagising na lang ako sa loob ng kuwentong isinulat ko." Natuklasan ni Faye na nagagawa niyang makapasok sa kuwento na kaniyang isinulat. Ang kaniyang nobelang Salamisim ay tungkol sa pagmamahalan ng isang dalaga na anak ng gobernadorcillo at ng isang binatang nabibilang sa samahan na naglalayong pabagsakin ang pamahalaan. Nakilala ni Faye ang lahat ng karakter na kaniyang pinangalanan. Naranasan niya ang lahat ng eksena na binuo ng kaniyang malikhaing kaisipan. At narinig niya ang lahat ng linya na kaniyang pinaghirapan. Hindi siya naniniwala sa Happy Ending, ngunit paano na ngayong nakilala niya si Sebastian Guerrero? Ang pangalawang tauhan na siyang magiging hadlang sa kuwento. Hanggang saan ang kayang gawin ng manunulat upang protektahan ang kaniyang akda kung mahuhulog ang kaniyang damdamin sa antagonista? Date Started: February 29, 2020 Date Finished: May 26, 2020 Published by Flutter Fic/ Anvil Publishing All Rights Reserved 2020
Lo Siento, Te Amo (Published by Taralikha) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 4,175,894
  • WpVote
    Votes 182,383
  • WpPart
    Parts 38
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Si Agnes Salazar y Romero ay ikinasal sa lalaking malabong masuklian ang kaniyang pagmamahal dahil sa matinding galit nito sa pamilyang kaniyang kinabibilangan. Ang kanilang pagsasama ay puno ng lungkot, pasakit, at suliranin. Natuklasan ni Agnes ang lihim ng kaniyang asawa na si Alfredo na tuluyang sumira sa kanilang pagsasama. Nang dahil sa isang aksidente, tuluyang nagbago ang kanilang buhay. Sa muling pagtatagpo ng kanilang landas, magagawa bang balikan ni Agnes ang buhay sa nakaraan? O ang mapait na nakaraan kapiling ang dating asawa ang maging dahilan upang piliin niya ang bagong buhay kasama si Mateo? Hanggang saan ang kayang gawin ng isang taong nalugmok sa pagsisisi, panghihinayang, at pag-ibig? Started: December 31, 2020 Completed: August 9, 2021
Angel in Disguise by alyloony
alyloony
  • WpView
    Reads 42,218,078
  • WpVote
    Votes 837,450
  • WpPart
    Parts 61
Once upon a time, I am the biggest jerk in the world, until I met this crazy little angel, and everything turns upside down.
BS#5: The Billionaire's Favorite Woman -COMPLETE- by MissKayce
MissKayce
  • WpView
    Reads 782,763
  • WpVote
    Votes 15,165
  • WpPart
    Parts 36
Highest Rank: General Fiction: #1 I am just a waitress in The Nights Out Club. I need money kaya ako nagtatrabaho at tinitiis ang mga pangbabastos ng mga kalalakihan dahil malaki ang sweldo. However, a new Boss came and everthing has changed. But he didn't know that I have a little secret. And then, I became The Billionaire's Favorite Woman.
BS#3: Impregnated by Mr. Billionaire -COMPLETE- by MissKayce
MissKayce
  • WpView
    Reads 1,944,855
  • WpVote
    Votes 32,744
  • WpPart
    Parts 36
Highest rating: General Fiction: #26 Romance: #13 ------------------------------- "Tulungan mo ako, Ashley" Desperadang sabi ko sa kanya. Wala na akong mapupuntahan pa dahil pinalayas ako ng parents ko dahil sa kondisyon ko. "I'm pregnant, hinahabol ako ng tatay nitong batang ito." At tinuro ko ang tiyan ko. "Yun naman pala. Baka pananagutan ka kaya ka hinahabol." Sagot nito saakin pero umiling ako. "Kaya nga kailangan kong tumakas. Ayoko sa lalaking yun! Masyadong bossy! Hindi kaya ng powers ko ang pakisamahan ang tulad niya!" Galit na sabi ko sa kanya. Napabuntong hininga nalang siya at may inabot saakin na cheque. May laman itong 100,000. Nagpasalamat naman ako sakanya. "Basta gawin mo akong ninang sa batang yan ah." Tumango ako sa kanya at nagpaalam na para umalis. Agad na rin akong nagpabook ng flight paalis ng bansa. Pero papasok palang ako ng airport ng biglang may nagsalita sa likod ko. "Where do you think you're going?" -------------------- BILLIONAIRE SERIES #3
BS#1: Oh My Billionaire! -COMPLETE- by MissKayce
MissKayce
  • WpView
    Reads 2,505,281
  • WpVote
    Votes 44,850
  • WpPart
    Parts 57
Highest Rank: Romcom: #3 General Fiction: #39 Romance: #26 --------------------- "WHAT do you want?" Halos hindi na ito matignan ng deretso sa mata ng dalaga dahil sa inis na kanyang nadarama. "You" may bahid na ngiti ng tagumpay ang pagkakasabi ng dalaga dahil sa wakas natanong narin ang kagustuhan nya. "And Why?" Makahulugang tanong ng binata sa dalaga. "Because you're Handsome and Hot" kailangan nyang magsinungaling para mapapayag sya nito. Gusto nyang maging business partner sila sa negosyo at sya rin ang gagawin nyang model. "I already heard that for a million times" tila lumitaw ang ngiting nakakapagpatili sa bawat babae dahil sa paglitaw ng kanyang kagwapuhan. "Hindi ka naman masyadong mahangin Mr. Alexander?" Hindi narin nito mapigilang mainis sa inasal nito. Tumayo ang binata sa pagkakaupo nito at lumapit sa dalaga. Hinila nya ito palapit ang dalaga at hinalikan na syang nakapagpagulat sa dalaga. "That's what you get for insulting me" at bumalik ito sa pagkakaupo nito sa kanyang upuan ng mesa nito. Nagmartsa ang dalaga paalis ng ng binata dahil sa sobrang inis. 'See you again Ms. Cherry Janelle Dela Monte' banggit ng binata na hindi maalis ang ngiti sa labi nito -------------- BILLIONAIRE SERIES#1
BS#2: When The Billionaire Owns You -COMPLETE- by MissKayce
MissKayce
  • WpView
    Reads 1,867,542
  • WpVote
    Votes 27,650
  • WpPart
    Parts 32
Highest Rank: Generalfiction #18 ~~~~~~~~ "Ano ba ang gusto mo?" Halos humagulgol na ako rito para lang magmakaaawa na pakawalan ako sa poder nya. Oo, asawa ko sya pero IBA ANG TURING NYA SAAKIN ginagawa nya akong alipin. Ilang taon palang naman kaming kasal pero ganyan na ang kinikilos nya. "Hindi ka ba nakakaintindi ng sinabi ko? WALANG AALIS SA PODER KO HANGGANG HINDI KO SINASABI." Mas lalo akong naiyak sa sinabi nya. "Ano pa ba ang kailangan mo saakin? Nakuha mo na ang lahat ng sakin. Pati Katawan ko ay nakuha mo na." Hindi ko na talaga kaya ang mga ginagawa nya saakin kaya gusto ko nang sumuko. Hindi nya ako sinasaktan ng physical pero sinasaktan nya ako emotionally. "Hindi ko pa nakukuha ang gusto ko Mahal kong Asawa." at ngumiti ito. Mas lalo akong nangilabot sa ngiti nya dahil ang mga yon ay ngiting nakakatakot. "Kailangan ko nang tagapagmana sa Montecillo Company. " Naging seryoso ang mukha nito ulitt kaya nanlamig ako. "Kapag binigyan kita ng tagapagmana, makakalaya na ako sayo?" Desperadong tanong ko sa kanya. Napatingin ito saakin at muli nakita kong ang mga matang minahal ko na unti unti nang naglalaho. " It depends Mahal kong asawa." Naiiyak nalang ako sa sinasabi nya. ___________________________________ GAVIN HENRY MONTECILLO AND SHALIZA DAREEN DAMIAN-MONTECILLO STORY
BS#7: The Billionaire's First Love -COMPLETE- by MissKayce
MissKayce
  • WpView
    Reads 202,209
  • WpVote
    Votes 4,219
  • WpPart
    Parts 46
Miguel Zaijon Danton and Hailey Pascua Story.