We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.
amats 🚬
35 stories
You're Mine, Only Mine (PHR - Martha Cecilia) by GeminEye
GeminEye
  • WpView
    Reads 24,563
  • WpVote
    Votes 187
  • WpPart
    Parts 12
"Akin ka, Roxanne, dahil binili kita mula kay Alfonso ng dalawa at kalahating milyon...!" Hindi makapaniwala si Roxanne na siya ang ibinayad ng ama bago ito namatay sa pagkakautang nito sa mga Moravilla. At pagkalipas ng tatlong taon ay dumating si Alex Moravilla upang singilin ang pagkakautang na iyon. Ang pagpapakasal niya kay Alex ang kabayaran. Hindi siya papayag anuman ang mangyari. Kung katawan niya ang kailangan ni Alex ay ibibigay niya huwag lamang makulong nang habang-buhay sa piling nito. *An All-Time Favorite Collection of Martha Cecilia* Credits to the rightful owner ©️Precious Hearts Romances ©️Martha Cecilia
First Time I Saw You (PHR - Martha Cecilia) by GeminEye
GeminEye
  • WpView
    Reads 25,168
  • WpVote
    Votes 270
  • WpPart
    Parts 12
Magpapakasal sila ni Kier. At hindi na siguro masama kung patiuna niyang ipagkakaloob and sarili rito. Sa araw na handa na niyang gawin ang nasa isip, Blanca witnessed his betrayal. Ang sunod niyang nalaman, she was married to Kier's older brother, kay Benedict. Si Benedict na sa pagkakakuwento ni Kier ay walang babaeng tumagal. Credits to the rightful owner ©️ Precious Hearts Romances ©️ Martha Cecilia
Pagod Na Ang Puso - Helen Meriz by Nobelang_Klasiko
Nobelang_Klasiko
  • WpView
    Reads 1,499
  • WpVote
    Votes 36
  • WpPart
    Parts 15
Dalawang taon na ang nakararaan, si George ay isang makulit na nobyong namimilit lagi kay Ailene na pakasal. Nagpakatanggi-tanggi naman ang dalaga. Naging sanhi tuloy iyon ng kanilang hindi pagkakaunawaan at tuloy ay pagkakalayo ng landas. Nang magkita silang muli, iba na ang image ni George. Yaong tipong papalit-palit ng nobya but not the marrying kind. Nata-challenge lamang ba si Ailene kaya gusto niya ngayong patunayan na sa kanya ay magkakandarapang pakasal ang binata? Paano kung mapahiya siya? Paano ang puso niyang ngayon pa lamang yata todong napaibig sa dating nobyo? DISCLAIMER: All uploaded stories are not mine. No copyright infringement intended. I didn't intend to profit from it. For public entertainment purposes only. All right goes to the rightful owner.Credits to the rightful owner.
Ander Kita Diba Boss? -Helen Meriz by Nobelang_Klasiko
Nobelang_Klasiko
  • WpView
    Reads 1,235
  • WpVote
    Votes 36
  • WpPart
    Parts 14
Noong mga tinedyer pa sila, hindi nagkapuwang sa pansin ni Mariz ang magagandang katangian ni Efraim. Ang ambisyon lamang kasi niya noon ay talunin ang lalaki sa anumang kaparaanan. Sinaktan niya nang labis si Efraim nang gumamit siya ng foul na paraan. Lumayo ito nang malaki ang hinanakit sa kanya. Pareho na silang established nang magkitang muli. Nag-mellow na si Mariz. Pero si Efraim naman ngayon ang tila naghahamon ng laban. Mananalo ba siya rito gayong siya lamang ang nakaaalam na hanggang ngayon ay alipin pa rin ang puso niya ng binata? DISCLAIMER: All uploaded stories are not mine. No copyright infringement intended. I didn't intend to profit from it. For public entertainment purposes only. All right goes to the rightful owner.Credits to the rightful owner. ©Helen Meriz
Noo'y Akin Ang Pag-ibig Mo-Helen Meriz by Nobelang_Klasiko
Nobelang_Klasiko
  • WpView
    Reads 3,277
  • WpVote
    Votes 41
  • WpPart
    Parts 14
Maliliit pa lamang sina Jig at Devi, inasahan na ng mga kakilala na sila ang magkakatuluyan balang araw. Pero binigo ni Devi ang ekspektasyon na iyon nang makipagsapalaran siya sa Maymila para parin ang isang masidbing ambisyon. Bagama't masasabing nagtagumpay siya, hindi niya gaanong naranasan ang kaligayahang inaasahan sa lungsod. Gusto niya ngayong balikan ang dating buhay-si Jig. Pero tingin niya, wala na siya ni konti mang pitak sa puso ng guwapong rantsero. DISCLAIMER: All uploaded stories are not mine. No copyright infringement intended. I didn't intend to profit from it. For public entertainment purposes only. All right goes to the rightful owner.Credits to the rightful owner. ©Helen Meriz
Kristine Series 53: I Have Kept You In My Heart - Martha Cecilia by LumangPahinaPH
LumangPahinaPH
  • WpView
    Reads 16,825
  • WpVote
    Votes 166
  • WpPart
    Parts 30
Nagkamalay si Alaina sa isang ospital sa isang probinsiya na puno ng sugat ang katawan. She had no memory of her past. She was six weeks pregnant. Ayon sa lahat ay isa siya sa dalawang taong nakaligtas sa isang banggaan ng bus at pickup truck na nahulog sa bangin. She was told days later that she was Mrs. Emmy Javier, ang asawa ng isa pang nakaligtas sa aksidente. Subalit paanong hindi niya maramdaman na asawa nga niya si Philip Javier? Totoong wala siyang maalala sa nakaraan niya, pero hindi ba at hindi naman nakalilimot ang puso? Bakit sa kaibuturan ng puso niya ay naroon ang pananabik sa ibang lalaki? Lalaking sa palagay niya ay kabahagi ng pagkatao niya?
SWEETHEART 18: My Longtime Friend, My One-week Wife by AgaOdilag
AgaOdilag
  • WpView
    Reads 133,787
  • WpVote
    Votes 2,395
  • WpPart
    Parts 21
Joe had been Guada's friend since forever. Wala siyang problema na hindi nito ginawan ng paraan, totoo man o kinatha niya. Kinatha, dahil mas gumagawa siya ng problema para lang makita nitong mahal niya ito hindi lang bilang kaibigan. Ang huling problemang hindi niya sinadyang mangyari ay sinabi niya sa mommy niya na kasal sila ni Joe. Now she had to convince Joe to pretend he was her husband. But for the first time in her life, he refused to help her! Dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay may babaeng hindi niya nagawang ilayo rito-si Elliana. At ngayon ay hindi lang ang pag-ibig niya ang nanganganib na mawala kundi maging ang pagkakaibigan nilang dalawa. ©Martha Cecilia
Mananatili Kang Akin - Martha Cecilia by LumangPahinaPH
LumangPahinaPH
  • WpView
    Reads 13,651
  • WpVote
    Votes 266
  • WpPart
    Parts 11
"Pinakasalan kita dahil iyon lang ang paraan upang mapasaakin ang aking anak. Pero hindi nangangahulugan iyon na pahihintulutan kitang makipagtagpo sa ibang lalaki. Mananatili kang akin, Janis..." Janis swallowed the vile things she wanted to hurl at him. Dalawang buwan pagkatapos nilang ikasal ay umalis si Rolf at nangibang-bansa. Lihim siyang natuwa dahil naingatan ng paglayo nito ang lihim niya. But after three and a half years, he was back. At nakapagtatakang sa kabila ng pagkasuklam niya rito ay hindi niya kayang tanggapin na may ibang babaeng pinag-uukulan ito ng pansin.
Los Allegros 2: A Man Without Love - Margarita Nuestro by LumangPahinaPH
LumangPahinaPH
  • WpView
    Reads 8,986
  • WpVote
    Votes 125
  • WpPart
    Parts 10
Mainit na agad ang dugo ni Madelleine kay Norman the first time she saw him. She didn't care if this man saved her father's life. Pero nang ipilit ng kanyang ama na ipakasal ang lalaki sa panganay niyang kapatid, bakit parang mas higit ang pagtutol niya kaysa sa mga ikakasal? Inudyukan pa niya ang kanyang Ate Kashmir na tumakas upang hindi matuloy ang kasal. Kaya laking gulat niya nang siya ang hingin ni Norman sa kanyang ama na kapalit ni Kashmir. He wanted her to be his bride. Dapat ba siyang matuwa? She would be marrying the most attractive man she had ever met in her whole life. But this man didn't know the meaning of love. And with that thought, hindi niya malaman kung bakit siya nasasaktan...
Sa lyo Lamang 2 - Mikaela by LumangPahinaPH
LumangPahinaPH
  • WpView
    Reads 10,364
  • WpVote
    Votes 159
  • WpPart
    Parts 10
Hindi napigil ni Alyssa ang bayolenteng reaksiyon ng sariling katawan. Para iyong may sariling isip na nagpadarang sa marahas na haplos ni Victor, maging sa mainit nitong mga halik. Sa muling pagtatagpo ng landas nila ng lalaki makaraan ang mahabang panahon ay tila walang nabago sa intensidad ng kanyang pagmamahal dito sa kabilang kaalamang paghihiganti ang pangunahing motibo ng pakikipaglapit nito sa kanya. "Alyssa..." Wala nang mababakas na galit sa bulong nito. Napapikit na lamang siya. Tuluyan nang pumanaw ang anumang resistance na natitira sa kanya. Tanging ang nalalabi ay ang masarap na pakiramdam habang patuloy ito sa mapanuksong galaw ng mga labi at kamay nito...