Irrizh4
- Reads 35,642
- Votes 311
- Parts 115
🔥TRENDING STORY🔥
ARRANGED MARRIAGE WITH THE RUTHLESS CEO
Arranged Marriage with the Ruthless CEO...
ΚΑΒΑΝΑΤΑ 1
Alas diyes ng gabi sa Golden Palace Hotel...
Napatingin si Natalie sa door number ng pintong nasa kaniyang harapan. Maya-maya pa tumunog ang kaniyang cellphone.
Nakatanggap siya ng text mula kay Rigor, ang ama niya.
[Nat, pumayag na ang Tita Janet mo. Basta't sasamahan mo raw si Mr. Chen, babayaran niya ang hospital bills ng kapatid mo.]
Ni hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Natalie nang mabasa ang text message. Wala na siyang maramdaman.
Matapos magpakasal muli ng ama nila, lagi na lamang silang naiiwang magkapatid. Sa loob ng sampung taon ay iniwan sila nito sa pangangalaga ng madrasta na wala nang alam gawin kundi ang pahirapan sila at siguraduhing impyerno ang mararanasan nila.
Hindi lamang madamot sa pagkain at pag-aaruga si Janet.
Pinagbubuhatan din niya ng kamay ang magkapatid.
Umabot na sa sukdulan ang kawalanghiyaan ng madrasta.
Dahil sa malaking pagkakautang nito ay ipinagkanulo siya nito sa isang lalaki!
Noong una ay tahasan ang ginawang pagtanggi ni Natalie.
Pumayag lamang siya nang ipinatigil ng mga ito ang pagpapagamot sa bunso niyang kapatid. May autism kasi ito at hindi maaring itigil ang therapy at mga gamot nito.
Walang choice si Natalie.
Walang kwenta ang kanilang ama.
Si Rigor mismo ang nagkanulo sa kaniya!
Humugot muna ng lakas si Natalie bago kumatok. Napansin niyang nakabukas ito nang kaunti hanggang sa tuluyan na itong bumukas. Napakadilim ng kwartong iyon.
Nakaismid si Natalie nang pumasok. "Mr. Chen, papasok na po ako. Ako pо-"
Hindi na naituloy ni Natalie ang sasabihin dahil isang malakas na kamay ang humawak sa leeg niya. Idiniin siya nito sa pader. Sa sobrang lakas ay tila nabalian siya ng likod.
"Ikaw! Anong ginawa mo sa akin?" singhal ng lalaki sa kaniya.
Halos magkapalit na sila