RiddleCulous
- Reads 3,317
- Votes 274
- Parts 2
Sa panahon na hindi pa malaya ang Pilipinas, kung saan ang bawat kilos ay ginto para sa mga nasa laylayan, namumuhay ang isang dalaga.
Si Astrella, isang magsasaka mula sa Hacienda Loyola, masipag, matapang at may paninindigan para sa tama.
Isang gabi, sa dilim na binabalot ng lihim. Makikilala nya ang isang babaeng hindi nya akalaing magpapabago ng buhay nya. Katulad ng isang halaman, unti unti umusbong ang kanilang pagkakaibigan.
At sa pagitan ng pananakop at panganib, isang di pangkariniwan pagmamahalan ang sisibol.
Handa bang ipaglaban ang kalayaang pumili kung ang
katumbas ng tunay na pagmamahal ay ang pag apak sa lupa?
©The Lost Chapter | Mikhaiah
Author: RiddleCulous
Paunawa:
Ang kwentong ito ay walang katotohanan at dala ng mapaglarong imahinasyon ng author. Ang mga pangalan, lugar, pangyayari na may pagkakapareho sa totoong buhay ay hindi totoo at nagkataon lamang. Ang mga mukha o karakter ay ginamit upang magbigay buhay sa buong kwento.
Hindi perpekto, makakabasa at makakakita kayo ng mali kung kaya humihingi ako ng paumanhin.
Ang kwentong ito ay iikot sa panahon ng mga Kastila, kung paano mamuhay ang mga Pilipino noong panahon na wala pang kalayaan sa ating bansa. Ngunit hindi iikot ang kwento sa kasaysayan ng Pilipinas, maaaring mayroon, maaring wala dahil isa itong fanfiction na magbabase parin sa kung ano ang nasasa isip ng author.
Muli, binabati ko kayo at maligayang pagbabalik sa nakaraan.
Adios.