🍇SERIES (works)🍇
7 stories
[COMPLETED] My Fairy Baek And The Magic Make-Up (DDS2)  by LalaheartSolis14
LalaheartSolis14
  • WpView
    Reads 8,356
  • WpVote
    Votes 877
  • WpPart
    Parts 34
Ako si Maya Dimatulac. Isang ulilang lubos na nangangarap na makatapos ng pag-aaral. Kaya lahat ng raket kinarir ko na para makatapos lang. Pero paano kung maalis ang scholarship namin ng bestfriend kong si Yhen sa paaralang iyon dahil sa engkwentro namin ng mayabang na may-ari ng school na si Bryan Davis? Gagawin ko ang lahat para maibalik lang ang scholarship namin kahit akitin ko pa ito at ibigay ang katawan ko. Ang problema nga lang, hindi ako maganda kaya paano ko naman gagawin iyon? Hanggang sa dumating si Baek na mukhang tambay na adik sa paningin ko at binigyan ako ng compact powder na mahiwaga pala. Tutulungan niya kaya akong maisakatuparan ang binabalak na pang-aakit kay Bryan Davis kahit hindi naging maganda ang una naming pagtatagpo? Pero paano kung madiskubre kong hindi totoo ang mukhang adik na tambay na mukha nito. Dahil juskolored paper! Walang-wala sa kalingkingan si Bryan Davis sa nag-uumapaw nitong yumminess, sexiness and handsomeness! Eh, kung Ito na lang kaya ang akitin ko gamit ng magic make-up niya? ---- "Mamaya mo na ako pangarapin, Ms. Panget. Iuwi mo muna ako sa bahay mo dahil kanina pa tayo basang- basa dito," may halong inis na turan nito pero nanatili lang ako nakatunghay sa kanya. Natapos lang ang pangangarap ko sa isang malakas na tapik sa noo na binigay niya sa 'kin. "Aray ko naman! Ang sakit no'n, a," "Aist! Kung hindi pa kita tatapikin sa noo ay hindi ka pa matatauhan. Alam kong gwapo ako, kaya huwag mo ng ipamukha pa sa akin iyon, okay. Now, where's your house? Kanina pa ako nilalamig rito." Date Started: October 14, 2019 Date Ended: December 15, 2019
Marrying Rizal Park [COMPLETED] by LalaheartSolis14
LalaheartSolis14
  • WpView
    Reads 2,561
  • WpVote
    Votes 367
  • WpPart
    Parts 25
Ako si Penelope Park. Hindi naman ako koreana kaya hindi ko rin alam kung bakit Park ang apelyido ko. Kung sabagay, si Rizal nga ay hindi naman koreano pero may Rizal Park pa rin. Okay last na joke na 'to dahil uwian na! Pero what if isang araw, bago ang Christmas Vacation ay nagkayayaan kami ng mga kaklase kong tumambay sa Rizal Park para doon gawin ang history project namin na sa kamalas-malasan ay ang Joseon Era pa ang na-assign sa akin. At paano kung sa hindi inaasahang araw na iyon, sa pagitan ng malakas na pagbuhos ng ulan at matinding sikat ng araw ay aksidenteng nahulog ako sa mapa ng pilipinas sa Rizal Park? At pag-ahon ko ay huwatdapak? Nasa Joseon Era na ako? Natagpuan ko ang sarili kong umaahon sa Han River na nakita ko lang sa librong hiniram ko sa library. Putragis na iyan! At sino itong gwapo at yumming lalaking naka-hanbok ( traditional korean dress) na bigla na lang akong tinangay at nagpakilalang siya daw si Rizal Park at sinasabing pumapayag na raw siyang pakasalan ako sa darating na tag-sibol? Tagalog ang lengguahe niya pero ipupusta ko talaga ang bente pesos ko sa bulsa na hindi siya ang pambansang bayani nating si Rizal dahil kahit na yummy at gwapo siya, ubod naman siya ng antipatiko at sobrang sungit at lalong-lalong hindi siya rebulto dahil buhay na buhay siya habang nakasinghal na naman sa akin ngayon. Pero wait, wait, wait? Eh ano kung siya si Rizal Park? Anong kasal-kasal ba ang sinasabi niya at anong panahon na nga ba ito? Putragis na iyan, ang gulo!
[COMPLETED] Magic Poster (DDS1) by LalaheartSolis14
LalaheartSolis14
  • WpView
    Reads 6,059
  • WpVote
    Votes 1,289
  • WpPart
    Parts 57
Isang mahiwagang poster ang natanggap ni Lisa sa matandang tinulungan niya. Ang poster na nagbigay-daan upang makarating siya sa lahat ng concert ng paborito niyang grupong EXO. Pero paano kung manganib ang bias niya sa EXO, hanggang saan ang kaya niyang gawin para mailigtas ito? At paano kung maling tao ang nailigtas niya dahil sa halip na ang Bias niyang si D.O. ay si Dos, na lider ng Black Phoenix sa Dark Dimension ang napagkamalan niya dahil sa magkamukha ang mga ito? Paano pa siya makakabalik kung hindi lang siya ang tinangay nito patungo sa Dark Dimension kundi pati na rin yata ang puso niya? Abangan si Lisa sa pakikipagsalaran niya sa Dark Dimension habang nililigtas ang kanyang bias at alamin ang koneksyon niya sa mga taong naroon. Started Date: June 21,2019 End Date: October 13,2019
[COMPLETED] A Voice of Love  by LalaheartSolis14
LalaheartSolis14
  • WpView
    Reads 5,826
  • WpVote
    Votes 948
  • WpPart
    Parts 23
Two years ago, she fell in love in a voice. Isang boses na nagpawala ng sakit na nararamdaman niya dahil sa break-up nila ng kanyang ex. At malalaman niyang galing pala ito sa vocalist ng sikat na bandang 5th Degree ng Walton Academy. Siya si Krizel Mercado, ang super fangirl/ stalker ni Drake Valdez, ang leader ng 5th Degree. Kung kailan handa na siyang gawin ang lahat mapansin lang ni Drake ay saka naman laging umeeksena si Vince Walton, ang lalaking may Oh soo- yummy abs and fiercing eyes. Lagi tuloy napupurnada ang kanyang stalking 101. And what if bumalik din si Vicky Gomez, one of the Asia's Top Model and Drake's first love interest? May patutunguhan pa ba ang kanyang stalking career na nagsimula pa two years ago? Date Started: October 17, 2017 Date Finished: December 15, 2017 Under Major Editing
The Big Boss And The Magic Chip (DDS4) by LalaheartSolis14
LalaheartSolis14
  • WpView
    Reads 128
  • WpVote
    Votes 16
  • WpPart
    Parts 4
Ako si Lala Bulalayao. Lumaki ako sa mahirap na pamilya. Nagtratrabaho si Itay sa pagawaan ng tsinelas ni Don Facundo. Habang ako naman ay natanggap na katulong ng isang mayamang pamilya sa Maynila. Pero bigla na lang isang araw ay nabalitaan kong magsasara na ang pagawaan dahil naitalo daw ni Don Facundo ito sa malaking sugalan sa Maynila. At ang malala pa ay naipatalo rin nito ang lahat ng lupain kasama na doon ang maliit na lupang kinatitirikan ng bahay namin. Kaya isang masamang plano ang nabuo ko. Pupuntahan ko ang penthouse kung saan nakatira ang big boss ng Caswell Gaming at nanakawin ko ang mga titulong kinuha ng ganid na big boss na si Eun Caswell. "Humanda ka sa akin, Eun Caswell! Dahil lintik lang ang walang ganti!" Hanggang sa makilala ko si Elliot, ang super, duper hot and yummy guy na nakilala ko sa kalsada at sinabi niyang handa niya akong tulungang maisagawa ang masamang plano ko sa Big Boss. Pero anak ng tokwang yawa talaga! Dahil mukhang ako ang naloko ng buwiset na Big Boss na iyon. Malay ko bang ang super hot at yumming si Elliot at ang Eun Caswell na target ko ay iisang tao lang?
My Sister's Lover And The Magic Ring (DDS3) by LalaheartSolis14
LalaheartSolis14
  • WpView
    Reads 141
  • WpVote
    Votes 18
  • WpPart
    Parts 3
Dahil sa isang insidente ay bumalik sa akin ang lahat ng ala-ala ko kasama na ang huling habilin ni Mama na iligtas si Ate Irene sa masamang ispiritong sumanib rito. At sa pamamagitan ng magic ring ay nagawa kong makabalik sa totoong mundo ko, ang White Dimension. Hanggang sa natuklasan kong matagal na palang nakalaya si ate sa masamang espirito na iyon pero nanatili lang itong walang malay sa pangangalaga ng nagngangalang Bulak Barents. Gusto ko siyang kunin at ilayo sa ospital na iyon pero nahuli ako ng tagapag-bantay nito. Binigyan niya ako ng isang deal na hindi ko na nagawang tanggihan. Ang deal: Ang magpanggap na si Ate Irene sa harap ng mga taga-Dark Dimension, kapalit nito ay mababawi ko na si Ate Irene sa kanila. Okay na sana ang lahat pero hindi ko akalain na pati pala ang maging kasintahan ni Bulak Barents ay kasama sa usapan namin. At iyon ang hindi ko napaghandaan. A/N: Ang storyang ito ay may koneksyon sa mga nangyari sa Dark Dimension series 1 (Magic Poster) at Dark Dimension Series 2 (My Fairy Baek And The Magic Make-up) but the story itself can still stand alone.
[COMPLETED] The Guardians Of Walton Family  by LalaheartSolis14
LalaheartSolis14
  • WpView
    Reads 819
  • WpVote
    Votes 153
  • WpPart
    Parts 23
Ito ay ang koleksyon ng mga One-Shot Love Story ng mga Guardians ng Walton Family. 1. The Blue Angel And The Perya Ghost (completed) 2. My Oppa Look-Alike Is An Angel (completed) 3. My Nerdy Gold Angel And My Bully Bruno (completed) 4. The Gold Guardian and The Epic Fail Healer (completed) 5. The Red Angel's Love (short story) (completed) 6. I love you, Mr. Grey! (short story)- (completed) Enjoy Reading!