CahAileen
- Reads 691
- Votes 18
- Parts 24
Sa isang tipikal na babaeng katulad ni Louise hindi mo aakalaing nagtataglay siya ng kakaibang katangian na bihira lamang makamtam ng isang katulad niya. Siya ang kahulugan ng babaeng walang pahinga. Literal na puro trabaho ang inaatupag, madalas over-worked ngunit iniiwasang maging haggard sa panlabas na kaanyuan kaya naman nananatiling matingkad ang kagandahan nito.
Hindi man madaling pagsabay-sabayin ang mga duty niya bilang isang DJ sa isang radio station at freelance graphic artist ngunit dahil ginusto niya iyon, kakikitaan pa din ng kasiyahan mula sa kanyang mga gawain.
Magaling siya, imaginative at innovative. Lahat na ata ng magandang katangian pagdating sa trabaho ay nasa kanya na ngunit dahil walang nilikhang perpekto ang Panginoon ay madalas siyang tanghali nagigising mula sa pagod sa araw-araw na trabaho. In short, laging late, laging nagmamadali at higit sa lahat madalas makalimot.
Makalimot ng pangalan, makalimot ng mukha, at makalimot ng pangyayari.
Kaya naman nang makatagpo siya ng lalaking nakatawag sa abala niyang mundo, nakalimutan niya ito.
Lahat ng importanteng pangyayari sa pagitan nila ay nagawa niyang malimutan at hindi mapansin.
Magagawa pa ba niyang mabigyan ng espasyo sa buhay niya ang lalaking hindi niya maalala? O sapat na ba ang pagkakataong napagkaloob sa "unknown guy" para tumatak sa natatanging lugar na mayroong alaala sa kanilang dalawa.
Ang Zone 3.