Anneanore
- Reads 4,374
- Votes 262
- Parts 21
Si prinsesa Juana ay nagmula sa kaharian kung saan may higanteng nagbabantay sa kanya kaya walang kahit na sinong prinsipe ang nakakalapit dito.
Tanging si prinsipe Juan lamang ang mayroong tapang upang paslangin ang higante at iligtas ang prinsesa.
Dahilan upang mabighani nito ang prinsesa at mapa-ibig. Naging magkasintahan ang dalawa ngunit nakiusap si Prinsesa juana na kung maaari ay iligtas nila ang kanyang sintang kapatid na si prinsesa leonora sa serpyenteng may pitong ulo.
Dahil ayaw ng prinsipe na mapahamak ang prinsesa ay siya na lamang ang umalis upang iligtas ang kapatid nito.
Nakabalik ng ligtas ang prinsipe at si prinsesa leonora. Ngunit ang pagbabalik nila ang dumurog sa puso ni prinsesa juana.
Sa dahilang hindi niya kinaya ang lahat ng sakit, umalis ang prinsesa.
Napadpad siya sa mundong hindi niya alam kung anong klaseng lugar. At doon ay may makikilala siyang isang estranghero na magpapabago sa mga nakasanayan niya.
Sino nga ba ang nararapat sa prinsesa?
Ang kanyang unang prinsipeng inibig, o ang isang estranghero sa kabilang mundo na kanyang makikilala?
Kirsten Delavin as Prinsesa Juana/ Kisses
Edward Barber as Edward
Marco Gallo as Prinsipe Juan
Vivoree as Prinsesa Leonora
Christian as Prinsipe Diego
Joao as Joao Constancia