Fantasy
7 stories
Sirene by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 6,106,583
  • WpVote
    Votes 187,828
  • WpPart
    Parts 21
May isang pinaniniwalaang alamat ng Karagatan na kung saan may mga sirenang nagbabantay ng mahiwagang Perlas sa Hilaga, Timog, Silangan at Kanluran ng Pilipinas. Sa tuwing kabilugan ng buwan ay nag-aalay ng buhay ng tao ang mga sirenang iyon para sa Karagatan. Sa loob ng ilang libong taon ay napanatili ang pangangalaga sa mahiwagang Perlas hanggang sa isang gabi ay ninakaw ng isang pilyong binata na kilalang manggagantso ang perlas ng Kanluran na binabantayan ni Sirene. Isang mahiwagang perlas, isang mamamatay-tao na Sirena, isang pilyong manggagantso na binata, isang hapon na kapitan ng barko, at ang paparating na Ikalawang Digmaang Pandaigdig (World War II). Ang istoryang ito ay panahon pa ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas. Date Written: November 15, 2017 Date Finished: July 10, 2018
JASPER, The Demon Slayer by DyslexicParanoia
DyslexicParanoia
  • WpView
    Reads 4,374,907
  • WpVote
    Votes 122,093
  • WpPart
    Parts 114
Katropa Series Book 9 [Completed] Language: Filipino Bago pa man maipanganak si JASPER, itinakda na ng propesiya mula sa aklat ng angkan ng mga Villaluz ang kanyang misyon. Ito'y ang pamunuan ang hukbong tatapos sa pamamayagpag ng mga kampon ng kadilimang pinamumunuan ng kanyang ninunong si Lucio na--tulad n'ya ay--nagmula sa lahi ng anghel na si Akatriel--ang isa sa dalawangdaang anghel na nakipagniig sa mga babaeng taong naging dahilan ng kapanganakan ng mga Nephilim. Ngunit ang magbitbit ng ganitong kabigat na responsibilidad na hindi naman n'ya pinili'y isa sa mga bagay na naging suliranin ni JASPER, lalo na't ninanakaw nito ang kanyang buong panahon, lakas, kabataan, buhay pag-ibig at mga pangarap. Naging pangunahin n'yang hinanakit sa mundo at sa dugong nanalaytay sa kanyang ugat, ang mawalan ng pagkakataong mabuhay nang normal. Kung pa'no n'ya malulusutan mga suliraning ito, basahin natin ang kanyang k'wento. [Editor's Note] Writer: A. Atienza Content Editor: DPEditors Classification: Novel Genre: Cross-genre Series: Katropa Series Cover Design (WP): A. Atienza Started: November 2014 Completed: February 2015 Revised version: January 2017
Tamawo 2 (Completed) by LeonLynx
LeonLynx
  • WpView
    Reads 161,940
  • WpVote
    Votes 1,218
  • WpPart
    Parts 9
Tamawo 2 Si Giordano ay kapatid ng hari ng mga Tamawo. Siya ang naging tagapagbantay ni Anida na naging asawa ng kanyang kapatid na hari. Isang matapang na tagapagtangol ng kaharian ng mga Tamawo at kanang kamay ng hari. Isusuko niya ba ang katungkulan alang-alang sa pag-ibig? Hanggang kailan niya mapoprotektahan ang kanyang iibigin? Hanggang saan hahantong ang paghahanap niya ng tunay na pagmamahal? Maraming salamat sa lahat ng tumangkilik sa book 1, pasensya na rin sa mabagal na update ^_^ -LeonLynx
Blood for Beauty by Dobichen
Dobichen
  • WpView
    Reads 606,084
  • WpVote
    Votes 21,439
  • WpPart
    Parts 49
[Wattys 2016 Winner] [2021 UPDATE: ON MAJOR REVISIONS] Si Arielle ay ang babaeng nagsisimbolo na hindi lahat ng tao ay perpekto. Siya ay literal na panget sa mata niya at sa mata ng ibang tao. Dumating sa puntong nagsasawa na siya sa lahat ng kapintasang natatamasa nya sa buong buhay niya, kaya napakapit na siya sa patalim. Nagkaroon siya ng pag-asang gumanda kung gagawin niya ang lahat ng hinihinging kapalit ng isang demonyo.
She Who Stole Cupid's Arrow by alyloony
alyloony
  • WpView
    Reads 35,707,778
  • WpVote
    Votes 1,112,640
  • WpPart
    Parts 69
Sabi nila, lahat ng taong sobrang in love ay nagiging desperada. Kaya naman sa kagustuhan ni Jillian na mahalin siya ni Luke, nagawa niyang nakawin ang pana ni Kupido. At dahil sa ginawa niya, limang tao ngayon ang nanganganib na hindi na mahahanap ang kanilang one true love at idagdag pa ang pag-a-alboroto ni Kupido dahil naudlot ang pagkikita nila ng kanyang asawa na si Psyche.
Lucid Dream by alyloony
alyloony
  • WpView
    Reads 14,486,850
  • WpVote
    Votes 584,063
  • WpPart
    Parts 22
Merong iba't-ibang paraan ang mga tao para makatakas sa reyalidad. Yung iba nagbabasa ng libro, nanonood ng mga drama sa tv, nakikinig ng music. Meron namang nagsusulat, nag d-drawing, nag p-paint, at nag co-compose ng kanta. Pero si Angelique, ang paraan niya ng pagtakas sa reyalidad ay tuwing nananaginip siya. Dahil meron siyang ibang kakayahan. Ang kakayahan na kontrolin at i-manipulate ang sarili niyang panaginip.
The Living Arrow (SWSCA #2) by alyloony
alyloony
  • WpView
    Reads 13,931,164
  • WpVote
    Votes 482,080
  • WpPart
    Parts 43
Book 2 of She Who Stole Cupid's Arrow