jeonglena
- Reads 1,279
- Votes 51
- Parts 8
THE BORROWED HUSBAND
"Ibalik mo sakin ang asawa ko, Kyungsoo!"
"Bakit?! Inagaw ko ba? Siya ang lumapit sakin, Baekhyun."
"Kasi nga malandi ka! Higad! Makati! Traydor! Pati asawa ng best friend pinatos mo kasi kating-kati ka na! Magpapakamot ka nalang sa pamilyadong lalaki pa!"
"Hindi ko kasalanan na boring ka at naghanap si Chanyeol ng bago! Tanggapin mo na kase! Boring ka! Hindi makita ni Chanyeol sayo yung saya at sarap na kaya kong ibigay sa kanya!"
"Sana lang kung hindi mo ko kayang respetuhin bilang kaibigan mo, respetuhin mo ako bilang tao, Kyungsoo! Pero kung hindi mo parin kaya, sana kahit yung sarili mo nalang ang irespeto mo kasi sa ginagawa mo ngayon, para kang walang kaluluwa! Maawa ka sa anak namin... you, of all people, should know how hard it is to grow up in a broken family..."
Sa mga pagkakataong iyon, pareho nang umiiyak ang dalawang dating matalik na magkaibigan. Hindi nila inaakala na dahil lang sa isang lalaki ay magkakaganito sila. Pareho lang silang nagmahal. At pareho lang silang nasaktan. Pero may limitasyon ang pagmamahal at hindi yun alam ni Kyungsoo. May limitasyon ang pagtitiis at hindi yun alam ni Baekhyun. Sino nga ba ang dapat sisihin? Si Chanyeol ba? Si Kyungsoo? Si Baekhyun? O ang putanginang tadhana na patuloy silang pinaglalaruan?