Just a Teenage Dirtbag
ryonamiko
- MGA BUMASA 1,016
- Mga Boto 69
- Mga Parte 3
"Makoy, gabi na. Nakatanaw ka na naman sa villa."
Nilingon ko si Lolo Delio.
"Maya na, 'Lo. Nagpapaantok lang ako."
Ganito ako gabi-gabi. Nakatanaw sa veranda ng kuwartong yun. Kanina pa patay ang ilaw nya. Siguro kanina pa sya tulog.
Naupo si Lolo sa tabi ko.
"Alam ko ang nararamdaman mo, Apo. Matagal na...kahit di ka nagkukuwento."
Sabay pa kaming napabuntung-hininga.
"Hindi masamang mangarap, Makoy. Pero, prinsesa ng villa ang inaasam mo. Totoong mabait ang pamilya nina Sir Reid. Dangan at wag mong kalilimutan na langit at lupa ang agwat natin sa kanila. Katunayan na pinatitira lang nila tayo ng libre dito sa likod."
"Aabutin ko yang langit na sinasabi nyo, 'Lo," wala sa sarili pero puno ng determinasyong kong sabi.
"Apo, yuyuko ba sya para abutin ang lupa?"
Bumigat ang dibdib ko sa tanong na iyon.