user03374446's Reading List
18 stories
My Love, My Sunrise (COMPLETED) by maanbeltran
My Love, My Sunrise (COMPLETED)
maanbeltran
  • Reads 160,112
  • Votes 3,001
  • Parts 10
NOTE: Unedited version po ito. As in literal na copy-paste lang ang ginawa ko from the manuscript i submitted to PHR to here sa Wattpad. Siguradong may mababasa kayong typos, grammatical errors (sure ako dun!) at malamang sa hindi, baka may naligaw na Bisaya word dito. Pasensya na, minsan kasi kapag nakakalimutan ko equivalent tagalog word ng gusto kong isulat ay bini-Bisaya ko muna at saka ko babalikan. Minsan nakakalimutan ko na, sa totoo lang. Kapag may nakita kayong mali, please tell me and comment. :) PLEASE, PLEASE. BE KIND. ^_^ Published: April 2011 "Ibalik mo sa dati ang apo kong si Marcus at kakalimutan ko ang lahat ng utang ng pamilya mo." Iyon ang mga binitiwang salita ni Don Segundo kay Sabel. Kapag nagawa niya ang nais ng matanda, hindi na niya kailangang mangibang-bansa para lang mabayaran ang utang ng pamilya niya sa mayamang don. Kailangan daw niyang puntahan si Marcus sa bahay ng mga ito sa Camiguin kung saan ito mananatili. Sasamahan, lilibangin, at patatawanin niya ito gaya ng dati para maka-move on ito sa pagkamatay ng kasintahan nitong si Kristina. Dahil "walang matimtimang Marcus sa makulit na si Sabel," nagawa niya ang nais ng matandang don. Iyon nga lang, hindi niya napaghandaan ang konsekwensiya ng ginawa niya: Na-in love siya kay Marcus-siksik, liglig, at umaapaw....
SWEET INTOXICATION: The Vodka Diaries by YsadoraPHR
SWEET INTOXICATION: The Vodka Diaries
YsadoraPHR
  • Reads 117,562
  • Votes 3,880
  • Parts 30
SOON TO BE PUBLISHED UNDER PHR! Hindi inakala ni Rea na ang four year relationship niya sa boyfriend na si Mikael ay mauuwi lang pala sa isang hiwalayan. Ang rason? May iba na itong gusto-the sexier, more gorgeous and confident girl named Jessica. Hindi tuloy mapigilan ni Rea na mag-alburoto sa galit. She felt like she doesn't deserve to be treated like trash. So her action plan? Give Mikael her dose of revenge. And while she's enjoying making voodoo dolls, breaking into his house and stealing his dog, may makikilala siyang bagong kakampi. Si Louie. Jessica's ex. She easily got along with Louie because of their similarity. But when he started to be friendly with her, bigla naming pumasok sa eksena si Mikael. He came up to her, kissed her and told her: "I won't let any man get near you." Teka! Ano raw? Hindi ba't break na sila nito? Ano bang drama ito Mikael? Isa po ang kwentong ito sa Sweet Intoxication Series/ Drinking Buddies Series. Sana magustuhan po ninyo. Nakapost na rin po ang iba pang mga kwento sa series. Sana mabasa po ninyo! Salamat!
In Love With A Love Guru by Andie Hizon by PHR_Novels
In Love With A Love Guru by Andie Hizon
PHR_Novels
  • Reads 211,298
  • Votes 4,504
  • Parts 22
"Mula ngayon, hindi ka na mag-iisa dahil nandito na ako at hinding-hindi ako mawawala sa buhay mo." Dahil sa isang malungkot na pangyayari sa buhay niya ay nagtungo si Gladys sa Maynila. Napadpad siya sa Alba's Residence, isang ladies' boardinghouse kung saan siya nakatagpo ng mga bagong kaibigan. So far so good ang takbo ng mga pagbabago sa buhay niya. Pero biglang nagulo iyon nang tuligsain ng isang DJ Zeph ang mga gawa ng mga romance writer na katulad niya. Worse, he did not do it once but twice! Aba't nawiwili yata ito? Sa inis niya ay tumawag siya sa programa nito sa radyo para depensahan ang mga romance novel. Nag-click sa mga listener ang tambalan-este, bangayan nila. Mukhang hindi lang panradyo ang chemistry nila dahil nang magkakilala sila nang personal ay may naramdaman siyang spark sa pagitan nila. Subalit kung kailan nagkakaunawaan na ang kanilang mga puso ay saka naman umeksena ang best friend slash first love nito. Bigla ay para siyang nawala sa eksena. Mauwi pa kaya sa totohanan ang "tambalan" nila?
The Girl In A Vintage Dress COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
The Girl In A Vintage Dress COMPLETED (Published by PHR)
PHR_Novels
  • Reads 172,781
  • Votes 4,208
  • Parts 30
The Girl In A Vintage Dress By Chelsea Parker Lumipas man ang ilandaang taon, pagtatagpuin at pagtatagpuin ang dalawang tao na itinakda ng tadhana para sa isa't isa. Nagsimula ang lahat nang sumama si Ayu sa field trip ng klase nila. Para daw mas ramdam nila kung ano talaga ang ibig sabihin ng "history," imbes na sa museum ay sa isang lumang bahay na hitik ng throwback items sila dinala ng kanilang history teacher. Doon, isang lumang picture ng babae ang natagpuan ni Ayu. Pero nasira niya iyon. At sa takot na mapagalitan ng teacher nila, wala siyang choice kundi ibulsa ang litrato. Dahil doon, nagsimula na ang kalbaryo ni Ayu nang pumunta naman siya sa lumang bahay ng kanilang pamilya. Maya't maya na lang kasing may nagpapakita sa kanya na isang babae-in a vintage dress! But that was ten years ago. At ngayon, nagbalik si Ayu sa kanilang lumang bahay. Siguro naman, panis na ang multo. Pero nagkamali siya ng akala. Dahil nasa harap na niya ngayon-in flesh-ang babaeng noong una ay inakala niyang multo. Julia ang pangalan nito. At sa paglipas ng mga araw na nakasama niya ang babae ay minahal niya ito. At nakahanda siyang sundan si Julia sa taong 1896 sakaling bigla itong maglaho...
Unlove Me COMPLETED (To be published under PHR) by PHR_Novels
Unlove Me COMPLETED (To be published under PHR)
PHR_Novels
  • Reads 450,837
  • Votes 8,087
  • Parts 35
Unlove Me By Rica Blanca
May's Fairy Tale COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
May's Fairy Tale COMPLETED (Published by PHR)
PHR_Novels
  • Reads 410,004
  • Votes 7,138
  • Parts 20
May's Fairy Tale By Victoria Amor "One thing I know, I'm miserable without you. At kung hihingin mong i-give up ko lahat ng mayroon ako, gagawin ko, basta nasa tabi kita." Ang tanging nais ni May ay mahanap ang kanyang Prince Charming and fulfill her own fairy tale. May tatlong katangian siyang hinahanap sa kanyang prinsipe-magandang lalaki, mabuting tao at higit sa lahat, kailangang mayaman. Noon niya nakilala si Shin Rui Shimamura-super rich at super handsome pero bagsak sa isang kategoryang hinahanap niya. Sa mga kuwento pa lang, mukhang hindi na ito mabait na tao. At napatunayan niya iyon nang magkaharap sila. Sinira nito ang fairy tale niya! Pero bigla ba naman siyang hinalikan nito-at nagustuhan niya iyon...
Knight's Sweet Vow COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
Knight's Sweet Vow COMPLETED (Published by PHR)
PHR_Novels
  • Reads 665,151
  • Votes 12,256
  • Parts 27
Knight's Sweet Vow By Victoria Amor "Nawalan ng kakayahang magmahal ang puso ko mula nang mawala ka." Si Theo Knight ang kahulugan ng "ultimate crush" para kay Miliza, kaya lang ay best friend niya ito. Six years old pa lang siya ay kilala na siya nito. Lahat ng kapintasan niya ay memoryado nito at lagi nitong ipinapaalala sa kanya. Pero sa kabila ng lahat, si Theo ang pinakaespesyal na lalaki sa buhay niya dahil sa vow nito na lagi nitong tinutupad. Pagdating nila sa high school, nag-renew ito ng vow. Hindi raw siya nito ibibigay sa kahit na sinong lalaki lang. Pakakasalan daw siya nito kung kinakailangan para mahadlangan nito ang relasyon niya sa maling lalaki kung sakali. Hinagkan siya nito sa mga labi para i-seal ang vow nito. Binago ng halik na iyon ang pintig ng puso niya, subalit magkasunod na trahedya ang naglayo sa kanila. At sa muling pagkikita nila, ibang Theo na ang nakaharap niya. Gusto uli niyang lumapit dito ngunit base sa ikinikilos nito, mukhang hindi na siya nito kailangan pa. Paano na ang damdamin niya para dito na nanatili sa puso niya sa kabila ng pagkakalayo nila?
Isang Rosas, Isang Pag-ibig, Isang Ikaw by PHR_Novels
Isang Rosas, Isang Pag-ibig, Isang Ikaw
PHR_Novels
  • Reads 590,130
  • Votes 10,690
  • Parts 29
Isang Rosas, Isang Pag-ibig, Isang Ikaw By Victoria Amor "Kung dumating ang araw na kailangan kong pumili, paulit-ulit kong bibitawan ang lahat kapalit mo." Buong pusong tinanggap ni Gabrielle ang isang napakahirap na role-ang maging ina ni Avi na anak ng kanyang adopted sister. Sa pagtanggap niya sa role na maging ina ay kinalimutan niya ang sarili. Si Avi na ang naging sentro ng kanyang atensiyon at pagmamahal. Hindi niya gustong maranasan ni Avi ang kanyang dinanas bilang ulilang nagkaisip sa ampunan. Dumating ang panahong dumarami na ang tanong ni Avi tungkol sa tunay na ama-na sa litrato lang nila nakilala. Pagsapit ng sixth year birthday ni Avi ay hiniling ng bata na makasama ang ama. Inimbitahan ni Gabrielle si Liam De Nava ngunit hindi siya umasang darating ang lalaki. Ngunit dumating si Liam. At ang pagbabalik ng lalaki sa Pilipinas ang magpapabago ng buhay ni Gabrielle at maglalantad din sa isang lihim na ipinagkait sa kanila ng yumaong ina ni Avi...
Rigorr (PREVIEW ONLY) by Victoria_Amor
Rigorr (PREVIEW ONLY)
Victoria_Amor
  • Reads 121,978
  • Votes 2,075
  • Parts 16
Lovefinder book 19 Unedited. Recovered first draft.