zelbanayado's Reading List
4 stories
Chances (Published under PHR) by TriciaKye
TriciaKye
  • WpView
    Reads 82,008
  • WpVote
    Votes 1,176
  • WpPart
    Parts 10
"Leave all those moments of sorrows and hatreds in the past. We will live in the present and make our love last forever." Totoong masaya si Tappie para sa best friend niyang si Jen nang umuwi ito sa Pilipinas mula Amerika para ibalita na ikakasal na ito. Pero agad na nawala ang kaligayahan ni Tappie nang malaman na ang fiancé ni Jen ay si Mark, ang lalaking nang-iwan sa kanya at hindi sumipot sa kanilang kasal. Bumalik sa kanya ang lahat ng sakit, lalo na nang makaharap muli si Mark na para bang hindi siya nito kilala. Ngunit kasabay niyon ay ang panunumbalik ng pagmamahal niya para sa lalaki. Napagpasyahan ni Tappie na hindi sabihin kay Jen ang katotohanan. Ayaw niyang masaktan ang kaibigan. Kahit alam na rin nito ang istorya nila ni Mark, na minsan ay hindi nito nakilala noong nasa kolehiyo pa lamang sila. Habambuhay na lang ba siyang masasaktan? O hahayaan niyang magkaroon ng pangalawang pagkakataon ang pag-iibigan nila ni Mark kahit may isang taong masasaktan?
Midnight Blue Society Series 3 - POCHOLO aka CHOLO (COMPLETED) by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 136,748
  • WpVote
    Votes 2,647
  • WpPart
    Parts 11
Masakit man para kay Yanni, napilitan siyang samahan si Cholo nang bumili ito ng engagement ring para sa babaeng pakakasalan daw nito. Nakalimutan naman niyang isauli ang singsing at nakatuwaang isukat. Pero nang huhubarin na niya ay hindi niya mahugot sa daliri. "A-ano'ng gagawin n-natin?" tanong ni Yanni sa kawalan ng masabi. Ganoon na lang ang pagkamangha niya nang ilapit ni Cholo sa bibig nito ang kanyang daliri at slow motion na isinubo. Pakiramdam niya ay para siyang kandilang unti-unting nauupos. It seemed that she was being hypnotized. Nanatiling nakatitig siya sa mga mata ni Cholo. At ano itong nababasa niya sa mga mata nito? Was it desire? Paano na kung hindi lang ang kanyang daliri ang pangahasan nito? At noon lang natiyak ni Yanni, mahina ang kanyang depensa kapag si Cholo na ang nasa harap niya.
MIDNIGHT BLUE SOCIETY SERIES #4  - PICOLO aka PIOLO by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 132,575
  • WpVote
    Votes 2,463
  • WpPart
    Parts 11
Labinlimang taon si Amparo nang maramdaman ang unang pag-ibig at matikman ang unang halik. Si Piolo ang kanyang hinangaan, sinamba at pinangarap na makasama habambuhay. Pero mayaman ang lalaki at ayaw ng matapobreng mama nito sa kanya. At nasaktan ang batang puso niya nang iwan siya ni Piolo. Pagkaraan ng mahigit sampung taon, muling nagkrus ang kanilang mga landas. At kahit isa nang sikat na modelo at sinasamba ng mga kalalakihan ay hindi nagbabago ang epekto ni Piolo kay Amparo. Pero kailangan niyang maging matibay. Kung noon ay muntik nang may mangyari sa kanila, ngayon ay ipinapangako ni Amparo: kahit si Piolo pa ang kahuli-hulihang lalaki sa mundo, hindi niya ipagkakaloob ang sarili rito. Pero ano ang ginagawa ni Piolo sa kanyang kuwarto? Nakatayo ito sa harap niya. At siya, naghihintay lang sa susunod nitong hakbang...
MIDNIGHT BLUE SOCIETY SERIES #5 - NICOLO aka NICO by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 118,774
  • WpVote
    Votes 2,090
  • WpPart
    Parts 10
Si Joey Agoncillo ang nag-iisang babae sa limang arkitekto na napiling mag-bid sa isang malaking kontrata. She needed that break to prove something to her ex-boyfriend who dumped her for a rich woman. Si Nico Madrigal naman ang pinakamahigpit niyang kalaban sa proyektong iyon. He, too, needed to get that contract so badly. Kailangan nitong mapatunayan sa inang napaka-domineering and manipulative na may narating ito without her help. Mukhang mahihirapan si Joey kay Nico. From what she gathered, he was as stubborn as a bull. A typical Taurean. "What Nico wants, he gets." Hindi nga lang niya alam kung kasama siya sa gusto nitong makuha. Hindi naman siya papayag na mangyari iyon. He had his motives. Gusto siya nitong sirain at guluhin ang diskarte niya para hindi mapunta sa kanya ang kontrata. But when he kissed her... now, that was another story. Saka na muna ang agam-agam. Meanwhile, she would enjoy his advances. Saka na siya mag-iisip...