Dhan_reb
Ako si Agatah, isang diwatang may dugong bughaw, hari ang aking ama, at nabubuhay ako sa isang makapangyarihan at masayang mundo ng Khapitel. Isang planeta na tirahan ng mga diwatang may malaking tungkuling ginagampanan sa mundo ng mga tao. Naniniwala ako na kagaya ng aking amang hari at inang reyna ay mayroon ding nag-iisang diwata na nakatakda para sakin. At kapag dumating siya, doon na ang simula ng walang kapantay na kaligayahang bubuo saming pareho, sapagkat kami ay iisa.
Ngunit mali ako?! Mali ang Khapitel sa batas at paniniwala nito tungkol sa sino ba ang dapat mag-ibigan at sino ang hindi! Na ang pagmamahal ay hindi dapat binabase sa estado o anyo kundi sa pagiging tunay at wagas.
Bakit parang bigo ako sa pagmamahal na hindi ko pwedeng piliin at panindigan kahit gusto ko! Siguro nga walang lugar ang Khapitel sa pag-ibig na mayroon ako. Ang sakit magmahal sa Khapitel!
Ang Daigdig Ng Kabiguan.