iamsenyorito_gerl's Reading List
2 stories
Quarantine Sweethearts by HeneralWolf
HeneralWolf
  • WpView
    Reads 3,650
  • WpVote
    Votes 848
  • WpPart
    Parts 18
Highest rank: #1 Coronavirus Matiyaga at palaban--'yan si Russel. Wala siyang inuurungan na kahit anumang laban para sa pangarap at para sa pamilya. Taong 2020 dumating ang panibagong suliranin na susubok hindi lamang sa kanyang kakayahan kundi sa kanyang buong pagkatao. Milyun-milyong tao ang isinailalim sa Quarantine sa buong mundo dahil sa nakakamatay na pandemya. At ito rin ang dahilan kung bakit susubukang muli ang tatag ng puso't isipan ni Russel. Papaano kung ang quarantine mismo ang magiging daan upang buksan niya ang kanyang puso sa isang bagay na hindi pa niya nararanasan? Ang pag-ibig. Kakayanin niya pa kayang lumaban? O susuko siya sa unang pagkakataon? "I am Russel and this is the story of how I fight for my life and for my... love."
Bride of Alfonso (Published by LIB) by UndeniablyGorgeous
UndeniablyGorgeous
  • WpView
    Reads 5,346,013
  • WpVote
    Votes 196,828
  • WpPart
    Parts 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapangarap ni Estella Concepcion. Ngunit nagbago ang lahat nang makilala niya si Lucas, ang pinsan at karibal ni Enrique sa politika. *** Makatwiran at hindi nagpapatalo, lumaki si Estella Concepcion na patuloy na umaasang magkakatuluyan pa rin sila ni Enrique Alfonso, ang batang nagpagaan ng kanyang loob labinlimang taon na ang nakararaan. Ni minsan ay hindi nawala ang kanyang paghanga at pagtingin sa binata na siyang magiging susunod na gobernadorcillo ng bayan ng San Alfonso. Ngunit tila gumuho ang kaniyang mundo nang mapag-alaman niyang ipinagkasundo na ito sa ibang dalaga. Desididong mapangasawa pa rin ang binata, hihingin ni Estella ang tulong ni Lucas, ang pinsan ni Enrique. Sa paglipas ng panahon at sa mga sikretong kaniyang matutuklasan, handa pa nga rin bang gawin ni Estella ang lahat upang maikasal sa binatang matagal na niyang inaasam? O tulad ba ng ihip ng hangin ay magbabago rin ang isinisigaw ng kaniyang puso? Cover Design by Precious Pages Corp./LIB Books Book Type: Hardbound (With Book Jacket Cover)