Ladybunny21's Reading List
30 stories
Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress) by jonaxx
Mapapansin Kaya (Alegria Boys #2) (Published under Pop Fiction, and MPress)
jonaxx
  • Reads 135,902,115
  • Votes 2,975,463
  • Parts 83
Ilang beses ba nating tinanong ang sarili natin kung mapapansin ba tayo ng mga taong mahal natin? Ilang beses ka ba magtatanong sa buong buhay mo? At ano sa tingin mo ang magiging sagot? "Mapapansin kaya ako? Ang pag-ibig ko? Ang katauhan ko? Mapapansin Kaya?" Paano kung hindi? Paano kung oo? Magkaiba ba ang gagawin mong desisyon o pareho lang? Mag-iiba ba ang pananaw mo o magpapatuloy ka lang sa kung anong alam mong constant? Umaatikabong fame laban sa umaatikabong pag-ibig.
End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress) by jonaxx
End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)
jonaxx
  • Reads 92,678,923
  • Votes 2,235,382
  • Parts 74
Alam mong kalaban pero nagawa mo paring mahalin. Alam mong hindi pwede pero mas lalo ka paring nagpupumilit. Alam mong mali pero ginagawa mong tama. Totoong masarap ang mga bawal. Pero masarap parin ba pag magkasakitan na? Masarap parin ba pag pinaiyak ka na? Hanggang kailan mo kayang ipaglaban ang pag ibig na hindi mo mabitiwan? Hanggang kailan mo kayang ipaglaban ang pag ibig na bawal?
Thy Love (Published by ABS-CBN Books) by UndeniablyGorgeous
Thy Love (Published by ABS-CBN Books)
UndeniablyGorgeous
  • Reads 8,468,764
  • Votes 307,172
  • Parts 37
Thy Series #1 Si Celestina Cervantes ay isang binibini na may kapansanan sa pagsasalita. Nagmula siya sa isang mainpluwensiyang pamilya sapagkat isang gobernadorcillo ang kanyang ama. Ngunit nang yumao ito ay kinailangan niyang manilbihan upang mabuhay at bayaran ang utang ng kanyang ama na lingid sa kanyang kaalaman ay kabi-kabila pala. Sa paninilbihan bilang alipin ay muling magtatagpo ang landas nila ni Martin Buenavista, ang binatang nakatakda sanang ikasal sa kanya noon. Ano nga bang magiging papel ni Martin sa buhay ni Celestina gayong may ibang babae na siyang iniibig? Language: Filipino Book Cover by: ABS-CBN Books Date Started: January 05, 2018 Date Finished: June 05, 2019 Completed.
Our Asymptotic Love Story (Published by Bookware Publishing) by UndeniablyGorgeous
Our Asymptotic Love Story (Published by Bookware Publishing)
UndeniablyGorgeous
  • Reads 33,226,033
  • Votes 834,633
  • Parts 50
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing bumubuhos ang ulan at sa tuwing nakikita niya ang estrangherong naghahatid ng magkahalong saya at lungkot sa kanyang puso: si Nathan. Magagawa kaya nilang maitama ang pagkakamali ng nakaraan upang maiwasan ang trahedyang dulot ng bawal na pag-ibig na nagsimula pa noong una at nagpapatuloy kahit ilang siglo na ang nakalipas? O hanggang sa panahon bang ito ay hindi pa rin nila mababago ang nakasulat sa kanilang kapalaran? A story that will look back from its past and present. Will the lines connect them for the second time around? or Will history repeats itself? [Next: "Bride of Alfonso"] Date Written: May 06, 2017 Date Finished: November 12, 2017
Sirene (Published by ABS-CBN Books) by UndeniablyGorgeous
Sirene (Published by ABS-CBN Books)
UndeniablyGorgeous
  • Reads 5,973,237
  • Votes 188,266
  • Parts 22
May isang pinaniniwalaang alamat ng Karagatan na kung saan may mga sirenang nagbabantay ng mahiwagang Perlas sa Hilaga, Timog, Silangan at Kanluran ng Pilipinas. Sa tuwing kabilugan ng buwan ay nag-aalay ng buhay ng tao ang mga sirenang iyon para sa Karagatan. Sa loob ng ilang libong taon ay napanatili ang pangangalaga sa mahiwagang Perlas hanggang sa isang gabi ay ninakaw ng isang pilyong binata na kilalang manggagantso ang perlas ng Kanluran na binabantayan ni Sirene. Isang mahiwagang perlas, isang mamamatay-tao na Sirena, isang pilyong manggagantso na binata, isang hapon na kapitan ng barko, at ang paparating na Ikalawang Digmaang Pandaigdig (World War II). Ang istoryang ito ay panahon pa ng pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas. Date Written: November 15, 2017 Date Finished: July 10, 2018
Every Beast Needs A Beauty (GLS#1)(Published under Pop Fiction, and MPress) by jonaxx
Every Beast Needs A Beauty (GLS#1)(Published under Pop Fiction, and MPress)
jonaxx
  • Reads 154,042,976
  • Votes 3,351,322
  • Parts 64
Bata pa lang ay namulat na si Sunny na tatlong bagay lang ang kailangan niya sa buhay: bahay, pera, at pamilya. Namuhay siyang mahirap sa loob ng labing siyam na taon at ngayong bente na siya ay hindi iyon nagbago. Ang tanging nag bago lang siguro sa kanya ngayon ay ang pagkawala ng kanyang katuwang sa buhay: ang kanyang ina. Hindi pa nakakabangon sa sakit ay pinili niyang magpakatatag at mabuhay para sa sarili at para sa mga pangarap. Life is hard but it's easy to be strong. Iyon ang panlaban niya, ang pagiging matatag at pursigido. She was invincible because of that, but will she still feel invincible with a beast around? Lalo na pag napaibig na siya nito? Mahina ba talaga ang mga babae pag dating sa pag ibig? Because she was sure as hell beginning to lose all her strength. Ano nga ba ang gagawin Sunny kung ang magiging hadlang sa kanyang maabot ang lahat ng gusto ay ang siyang magpapaibig rin sa kanya ng husto? Worst. May magagawa talaga kaya siya?
After the Chains (Costa Leona Series #13) by jonaxx
After the Chains (Costa Leona Series #13)
jonaxx
  • Reads 18,773,868
  • Votes 750,788
  • Parts 32
O
Training To Love (Published under MPress) by jonaxx
Training To Love (Published under MPress)
jonaxx
  • Reads 63,405,009
  • Votes 1,478,955
  • Parts 57
Nakakabagot ang buhay. Lalo na pag papasok ka nang school, kakain, humiga sa pera, maligo sa puri, mamili ng babae, at matulog. Paulit-ulit lahat araw-araw. Lahat nalaro mo na, poker hanggang pag-ibig naipanalo mo na. Kung sana may pwedeng paglaruan. Yung unique. Yung nakakatuwa. Nang dumating siya sa buhay ko, natuwa ako kasi pinaglaruan ko siya. Humingi siya ng pabor. Binigay ko. Nagpaturo siya. Tinuruan ko. Humingi siya ng masasandalan. Binigay ko. Kasi nakakatuwa siya! Pero habang tumatagal, bakit siya na yung natutuwa at ako na pinaglalaruan? Hate. Lies. Temptations. Betrayal. Pain. Love. All in one. Training To Love.