Lady S
33 stories
Dominic (COMPLETED) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 940,586
  • WpVote
    Votes 19,400
  • WpPart
    Parts 17
Isang linggo pagkatapos pakasalan si Alyna ni Dominic del Carmen ay umuwi ito sa probinsiya at hindi na muling nagpakita pa. Hinanap niya ang asawa sa probinsiyang sinasabi nito. Only to find out na ang tunay na Dominic del Carmen ay hindi ang lalaking inakala niyang pinakasalan siya. Bagaman guwapo ang nagpanggap na Dominic, the real Dominic is one delicious hunk of a man!
The Ladies' Man meets Elli Gerardo by AndieHizon
AndieHizon
  • WpView
    Reads 104,248
  • WpVote
    Votes 1,451
  • WpPart
    Parts 10
Kaya pala ng isang taong magmahal nang paulit-ulit sa iisang tao sa loob ng mahabang panahon kahit na sinaktan na siya nito. Nasa college si Elli nang makilala niya si Gideon. Isang kilalang personalidad si Gideon sa campus na kabaligtaran niya. Alam niyang hindi siya kagandahan at walang-wala siya kung ikokompara sa mga campus sweetheart. Oo, para siyang insecurity na tinubuan ng tao. Ngunit nag-a la Rapunzel sa haba ang buhok niya nang magkagusto sa kanya si Gideon. Heaven talaga ang feeling niya nang mga panahong iyon. Pero may bad news: hindi pala totoong in love si Gideon sa kanya. Kaya para hindi naman masaid ang pride niya, na siyang natitira na lang sa kanya, ay nagkunwari siyang hindi rin mahal ang lalaki. She asked her suitor, Craig, to be her pretend boyfriend until the end of the school year. Sampung taon ang lumipas bago muling nagkrus ang mga landas nila ni Gideon at sa pagkakataong iyon ay kailangan niya itong pakasalan para maisalba ang naghihingalo nang negosyo ng pamilya nila. Would they have their "happily ever after"? O maging sa pagkakataong iyon ay hindi pa rin sila uubra?
The Ladies' Man Meets Toni Villanueva by AndieHizon
AndieHizon
  • WpView
    Reads 110,453
  • WpVote
    Votes 1,733
  • WpPart
    Parts 10
Just for a day, she wanted to be the woman he loved. Oo, nababaliw na siya at wala siyang magawa para pigilin iyon. Toni automatically liked Luis the first time she saw him. Napaka-charming ni Luis at maraming kababaihan ang nahuhumaling dito, including her friends. Kailangang makuha ni Toni si Luis dahil kapag nangyari iyon ay kaiinggitan siya ng lahat. Nakahanap siya ng paraan upang mapalapit kay Luis. Kaibigan pala ito ni Japheth-her twin's best friend. Humingi siya ng tulong kay Japheth at ang kapalit ay tutulungan naman niya itong digahan ang kakambal niyang si Trinity. Alam kasi ni Toni na may gusto si Japheth sa kakambal niya ngunit sadyang torpe ang lalaki. Nangako si Japheth na tutulungan siya ngunit nang nasa proseso na sila ng kanilang "pagtutulungan" ay nagkaproblema. Habang tumatagal kasi ay naramdaman niyang nahuhulog na ang loob niya rito. Nagising na lang si Toni isang araw na nagpapanggap na may gusto pa rin kay Luis para lang may dahilan siyang lapitan si Japheth. Kaya lang, siya lang yata ang nagbago dahil si Japheth ay si Trinity pa rin ang gusto...
RUN TO YOU (Published Under PHR) by oharafatimaphr
oharafatimaphr
  • WpView
    Reads 34,167
  • WpVote
    Votes 625
  • WpPart
    Parts 13
"Ang akala ko nabaliw na ako, pero nagkamali ako. Puso ko pala ang nabaliw sa 'yo." Nang mamatay ang ama ni Glecerie ay mayroon itong napakalaking ipinamana sa kanya-utang. Kaya bilang isang responsableng anak, iisang paraan lang ang naging solusyon niya-ang tumakas. Sa kanyang paglayo, nagtagpo ang mga landas nila ni Brad-isang modelong may tinatakbuhan din. Pinayagan siya ng lalaking sumama, pero kailangan niyang magsilbi rito bilang personal maid. Sa pagbubukas ni Brad ng pinto para sa kanya, hindi inaasahang pareho ring nagbukas ang kanilang mga puso para sa isa't isa. Paano tuluyang magtatagpo ang kanilang mga puso kung ang mga bagay na pareho nilang tinatakbuhan ay pumagitna sa kanilang dalawa?
THE MAN WHO BROKE AND FIXED MY HEART (Published Under PHR) by oharafatimaphr
oharafatimaphr
  • WpView
    Reads 54,977
  • WpVote
    Votes 1,051
  • WpPart
    Parts 10
"Paano kung sabihin ko sa 'yong may nararamdaman pa rin ako para sa 'yo? Would that give me the right to kiss you?" Inabutan si Candice ng kamalasan sa daan habang pauwi sa kanilang probinsiya. At nang mga sandaling iyon ay wala siyang ibang malapitan kundi si Bree lang. Pero sa halip na tulungan siya ay tinukso siya ng lalaki tungkol sa kanilang nakaraan at hinamon na kung talagang wala na siyang nararamdaman para dito ay sasama siyang magbakasyon sa rest house ng pamilya nito. Sa kagustuhang ipamukha kay Bree na matagal na itong burado sa kanyang sistema ay kinagat niya ang hamon. Pero mukhang totoo nga ang kasabihan na first love never dies. Nang sa wakas ay nagdesisyon siyang bigyan ng second chance ang kanilang pagmamahalan ay saka naman natuklasan ni Candice ang totoong dahilan kung bakit ito nagbabakasyon. May tinatakasan si Bree!
WORTH THE WAIT (Published Under PHR) by oharafatimaphr
oharafatimaphr
  • WpView
    Reads 99,235
  • WpVote
    Votes 1,585
  • WpPart
    Parts 13
Isang sutil na binatilyo pa lang si Greyson nang makilala ito ni Leila. Leila was tasked to look after him. Tinanggap niya ang alok na iyon dahil nawalan siya ng trabaho at mapapalayas na sa inuupahang apartment. Pinagtiyagaan niya ang mga kalokohan ni Greyson dahil wala namang ibang nakatagal sa binatilyo. Sa katunayan si Leila lang ang nakapagpatino kay Greyson at sa kanya lang naramdaman ng binatilyo ang concern na hindi nito nadama sa sariling mga magulang. The inevitable happened. Nagpahayag ng pag-ibig si Greyson kay Leila. Una na iyong tinutulan ni Leila. Greyson was far too young for her. Seven years ang gap ng kanilang mga edad. Ngunit mapilit si Greyson. Dumating ang panahong hindi na rin mapigil ni Leila na mahulog ang damdamin sa binatilyo. Inaasahan na ang pagtutol ng ina ni Greyson kaya gumawa ito ng paraan upang mapilitang umalis ni Leila. Iyon nga ang ginawa ni Leila sa pag-aakalang makabubuti iyon sa kanilang relasyon. Umasa rin siya na sa muli nilang pagkikita ni Greyson ay magiging tama na ang panahon para sa kanilang pagmamahalan. Makalipas ang ilang taon ay muli silang nagkita. At taliwas sa inaasahan ni Leila, kabaligtaran ang nangyari. Dahil ibang Greyson na ang kaharap niya-mula sa isang binatilyong labis na nagmamahal sa kanya ay isa na itong lalaking abot-langit ang pagkamuhi sa kanya...
Kristine Series 1: The Devil's Kiss (Beso del Diablo) by MarthaCecilia_PHR
MarthaCecilia_PHR
  • WpView
    Reads 1,603,070
  • WpVote
    Votes 37,176
  • WpPart
    Parts 17
Dumating sa Paso de Blas si Emerald upang sa unang pagkakataon ay makatagpo si Leon Fortalejo, ang lolo niya. At upang linisin ang pangalan ng daddy niya. Subalit sa unang araw pa lang ay sa mga kamay na ng kaaway siya bumagsak, kay Marco de Silva. At, eh, ano, kung si Marco ay may pinakaseksing ngiti na nakita niya? At, eh, ano rin kung masarap at mahusay itong humalik? Isa pa rin itong kaaway at gusto nitong pagbayarin siya sa kasalanan ng daddy niya.
Roxy City Series 1: Marry A Song (Published under PHR 2014) by AkoSiAnjBuena
AkoSiAnjBuena
  • WpView
    Reads 57,148
  • WpVote
    Votes 912
  • WpPart
    Parts 12
Roxy City Series is my first series ever finished and published. Mahal ko ang series na ito. Well, lahat naman ng stories ko. Pero masasabi kong malapit ito sa'kin dahil umiikot sa music ang mundo ng mga bida sa series na ito. I am a singer. Used to, I can say. I also to dance. Passionately. Nagdesisyon lang akong bitawan ang passion ko sa music dahil pinili kong tapusin ang pag-aaral at pasukin ang corporate world. But still, hindi ko pa rin maiwan ang first love ko. Kaya binuo ko ang Roxy City. I will be posting the unedited version here. Pasensya sa mga typo errors at ilang loopholes. Hehe. I hope you guys enjoy reading this series of mine as much as I enjoyed writing it. Happy reader ",) Teaser: Nagulo ang buhay ni Katharina nang makilala niya si Jared de Veyra. Nagalit si Jared at nagbantang idedemanda siya kung hindi niya babayaran ang ginastos sa sasakyan nito na sinira niya. Ginantihan niya si Jared sa pambabastos nito. Nagmatigas siya. Subalit maimpluwensiyang tao si Jared kaya walang nagawa si Katharina kundi pumayag sa deal na iminungkahi nito-ang maging tagalinis ng bahay ng binata. Pero nag-iba ang tingin ni Katharina kay Jared nang pulos kabaitan ang ipinakita nito sa kanya. Hindi na tuloy niya napigilan ang sarili na mahalin si Jared. Ngunit hindi nababagay ang katulad ni Jared sa simple at pribadong mundo niya kaya nagdesisyon si Katharina na lumayo. But she was wrong. Hindi pala niya kaya dahil talagang mahal niya si Jared. At kung kalian handa na siyang ipaglaban ito ay saka niya nalamang aalis na ito at tuluyan na siyang lalayuan. Kailangang pigilan ni Katharina si Jared. Dahil kung hindi ay tuluyan nang mawawala ang wagas na pag-ibig niya.
A Home In His Arms (Completed) by IamAyaMyers
IamAyaMyers
  • WpView
    Reads 672,939
  • WpVote
    Votes 16,891
  • WpPart
    Parts 69
PHR Ang nobelang pinagmulan ng Story Of Us Trilogy at Valencia Series. :)
Entwined (Completed!) by IamAyaMyers
IamAyaMyers
  • WpView
    Reads 464,989
  • WpVote
    Votes 13,141
  • WpPart
    Parts 57
PHR