edithjoaquinmsv's Reading List
11 stories
ELEMENTS BOOK 1 FIRE OF DECEPTION (COMPLETED) by angelbphr
angelbphr
  • WpView
    Reads 107,677
  • WpVote
    Votes 2,980
  • WpPart
    Parts 10
Extended foreplay hanggang dumating ang fiancée at mahuli sila. Iyon ang dapat nangyayari sa engkuwentrong iyon. So Guia, also known as Fire, and in-house seductress of ELEMENTS, was intent to become the ultimate temptress. Pero mali ang ginawa niyang pagtitig sa mga mata ni Kane dela Cuesta dahil nang sandaling gawin niya iyon, she was lost. May bahagi ng pangyayaring alam niyang hindi na niya kailangang gawin at lagpas na sa tawag ng kanyang tungkulin. Ginagawa na lamang niya iyon because she couldn't help herself. Imbis na pigilin ang sarili ay itinaas niya ang mga kamay at hinawakan ang magkabilang pisngi ng lalaki. "Sino ka?" buling nito. "And what are you doing to me?" His voice was like warm aphrodisiac to her already muddled senses. At hindi na niya sigurado kung siya ba ang nagse-seduce o siya ang na-seduce.... Book 1 of the ELEMENTS SERIES, which I wrote under the pen name Carla Giopaolo for Bookware Publishing.
PERFECT FIT (COMPLETED) by angelbphr
angelbphr
  • WpView
    Reads 220,587
  • WpVote
    Votes 5,013
  • WpPart
    Parts 11
Walong taon na ang nakaraan nang iwan ni Tricia si Rafael nang walang paliwanag para manirahan sa Amerika. At ngayong nagbalik siya, ang tanging gusto niya ay mahalin uli ito. Pero sabi nga ng kaibigan niya, masyadong maraming mali sa fairy tale niya para magkaroon ng katapusang happy ever after. Siya-hindi si Rafael-ang Princess Charming na nag-iwan sa kanyang Cinderella. "He will never willingly fit your glass slippers," naalala pa niyang sabi ng kaibigan niya. Oo nga naman, mataas ang pride ni Rafael. And she needed to be more creative if she wanted to win his heart back. Lalo na at may isang sekreto ang kanyang paglisan na maaaring maging dahilan ng tuluyang pagkasuklam nito sa kanya. Perfect Fit ang pangalawang nobela ko na na-publish sa PHR noong 2009. Noong binabasa ko siya ulit, nanghihinayang ako kung bakit maiksi siya masyado. One day, magmamakaaawa ako sa publisher ko na magsusulat ako ng mas mahabang version nito para ma-publish. Pero in the meantime, I hope you guys enjoy Tricia and Rafael's story.
HEAVEN  (Completed) by angelbphr
angelbphr
  • WpView
    Reads 182,333
  • WpVote
    Votes 4,234
  • WpPart
    Parts 21
Ang akala ni Vivian, kapag sa wakas ay na-in love siya, iyon ay sa isang ordinaryong paraan, sa isang lalaking hindi nalalayo sa kanya ang personalidad at pananaw. Pero minsan, may mga sorpresa ang tadhana. One rainy day, she met Zach. Ito ang eksaktong kabaligtaran niya. Isa itong rebelde sa kanyang kombensiyonal na buhay. Hindi ito marunong bumuo ng koneksiyon, pantapat sa kanya na ang kinasanayang buhay ay binubuo ng koneksiyon sa pamilya at mga kaibigan. Sa kabila niyon ay nagtiwala at umibig siya kay Zach. At gusto niyang makita kung saan siya dadalhin ng tiwalang iyon... This novel was first published in 2013. The cover photo is the cover of the second printing in 2014. The movie rights for this book is already sold to Star Cinema.
The Right Girl  by maanbeltran
maanbeltran
  • WpView
    Reads 47,129
  • WpVote
    Votes 950
  • WpPart
    Parts 11
NOTE: Spin-off ito ng The Right Mr. G Unedited version po ito. Siguradong may mababasa kayong typos, grammatical errors (sure ako dun!) at malamang sa hindi, baka may naligaw na Bisaya word dito. Pasensya na, minsan kasi kapag nakakalimutan ko equivalent tagalog word ng gusto kong isulat ay bini-Bisaya ko muna at saka ko babalikan. Minsan nakakalimutan ko na, sa totoo lang. Kapag may nakita kayong mali, please tell me and comment. :) SO PLEASE, PLEASE. BE KIND. ^_^ What Aya wants, Aya gets. Iyon ang motto in life ni Aya eversince. Kaya naman nang magkacrush siya kay Gerry noon ay kaagad na gumawa siya ng paraan para maging boyfriend ito. And she succeeded. Kaya lang ay nag-expire ang infatuation niya dito after two weeks. And it seems sinasakyan lang siya ni Gerry kaya sa huli ay naging matalik na magkaibigan na lang sila. Then she met Gerry's half brother - si Clay. Mas gwapo ito kay Gerry, mas ma-appeal at mas nakakainlove. Kaso ay mukhang hindi uubra sa binata ang ginawa niya noon sa kapatid nito. Allergic daw ito sa mga tulad niya. Kaya kahit mahigit isang taon na siyang nagpapacute sa lalaki ay hanggang ngayon ay mailap pa din ito sa kanya. Kung gaano niya kadaling "napasagot" si Gerry noon ay ganun naman kahirap na makuha niya ang "matamis na oo" ni Clay. Kailangan niya ng mag-overtime at karirin ang pagsinta niya dito. Dahil narealize niyang hindi niya ito basta crush lang, mahal niya na ito. Pero tila maging iyon ay ayaw paniwalaan ng lalaki. Papano na ang love story'ng tinatrabaho niya?
The Right Mr. G (COMPLETED) by maanbeltran
maanbeltran
  • WpView
    Reads 123,993
  • WpVote
    Votes 1,838
  • WpPart
    Parts 10
NOTE: Unedited version po ito. As in literal na copy-paste lang ang ginawa ko from the manuscript i submitted to PHR to here sa Wattpad. Siguradong may mababasa kayong typos, grammatical errors (sure ako dun!) at malamang sa hindi, baka may naligaw na Bisaya word dito. Pasensya na, minsan kasi kapag nakakalimutan ko equivalent tagalog word ng gusto kong isulat ay bini-Bisaya ko muna at saka ko babalikan. Minsan nakakalimutan ko na, sa totoo lang. Kapag may nakita kayong mali, please tell me and comment. :) PLEASE, PLEASE. BE KIND. ^_^ Published: April 2012 "Nasa malapit lang ang lalaking mapapangasawa mo. Madalas mo siyang nakikita. Letter 'G' ang umpisa ng pangalan niya. Isang bato ang ibibigay niya sa 'yo bilang simbolo ng kanyang pag-ibig. Bibigyan ka rin niya ng tatlong puting rosas bilang simbolo ng puro at wagas na pagmamahal niya." Iyon ang sinabi kay Leila ng manghuhula tungkol sa lalaking nakatadhana para sa kanya. Hindi siya likas na nagpapaniwala sa hula, pero nang isa-isang magkatotoo ang mga senyales na sinabi ng manghuhula ay unti-unti siyang nakumbinsi na totoo iyon. Mr. G was indeed her destiny. Ang problema, dalawang "Mr. G" ang swak sa hula sa kanya. Si Glenn, ang suitor niya na pang-CEO ang dating, at si Gerry, ang guwapong "ampon" ng pamilya niya, maginoo pero medyo pilyo ang dating. Dumating ang pagkakataong kailangan nang mamili ng puso niya. Ngunit may isa pang problema. Dahil mahal ng kapatid niya ang lalaking napili niya.
My Love, My Sunrise (COMPLETED) by maanbeltran
maanbeltran
  • WpView
    Reads 161,509
  • WpVote
    Votes 3,026
  • WpPart
    Parts 10
NOTE: Unedited version po ito. As in literal na copy-paste lang ang ginawa ko from the manuscript i submitted to PHR to here sa Wattpad. Siguradong may mababasa kayong typos, grammatical errors (sure ako dun!) at malamang sa hindi, baka may naligaw na Bisaya word dito. Pasensya na, minsan kasi kapag nakakalimutan ko equivalent tagalog word ng gusto kong isulat ay bini-Bisaya ko muna at saka ko babalikan. Minsan nakakalimutan ko na, sa totoo lang. Kapag may nakita kayong mali, please tell me and comment. :) PLEASE, PLEASE. BE KIND. ^_^ Published: April 2011 "Ibalik mo sa dati ang apo kong si Marcus at kakalimutan ko ang lahat ng utang ng pamilya mo." Iyon ang mga binitiwang salita ni Don Segundo kay Sabel. Kapag nagawa niya ang nais ng matanda, hindi na niya kailangang mangibang-bansa para lang mabayaran ang utang ng pamilya niya sa mayamang don. Kailangan daw niyang puntahan si Marcus sa bahay ng mga ito sa Camiguin kung saan ito mananatili. Sasamahan, lilibangin, at patatawanin niya ito gaya ng dati para maka-move on ito sa pagkamatay ng kasintahan nitong si Kristina. Dahil "walang matimtimang Marcus sa makulit na si Sabel," nagawa niya ang nais ng matandang don. Iyon nga lang, hindi niya napaghandaan ang konsekwensiya ng ginawa niya: Na-in love siya kay Marcus-siksik, liglig, at umaapaw....
Miss President's Prince Charming (COMPLETED) by maanbeltran
maanbeltran
  • WpView
    Reads 167,435
  • WpVote
    Votes 2,914
  • WpPart
    Parts 10
PUBLISHED: May 2009 NOTE: this is my first ever PHR novel na sinulat ko noong bata-bata pa ako. Nangangapa pa ko sa mundo ng pagsusulat, pati na rin sa pag-ibig. Charot. SO, NO JUDGEMENT PLEASE. Hehe... And again, unedited version po ito. As in literal na copy-paste lang ang ginawa ko from the manuscript i submitted to PHR to here sa Wattpad. Siguradong may mababasa kayong typos, grammatical errors (sure ako dun!) at malamang sa hindi, baka may naligaw na Bisaya word dito. Please be KIND. :) ******************************************* Si Jannah Montelibano ay isang successful businesswoman, independent at matapang. Wala sa bokabularyo niya ang mga salitang "kasal" at "lalaki." Ngunit nang makita niya ang bagong silang na anak ng kanyang best friend ay bigla siyang nainggit. Gusto na rin niyang magka-baby-minus marriage. Gusto lamang niya ng lalaking magbibigay sa kanya ng anak pero kapag nakabuo na sila ay tapos na rin ang papel nito sa kanyang buhay. Si Russell Torres ang napili niyang maging daddy ng kanyang baby. Akmang-akma kasi ang mga katangian nito na hinahanap niya para sa magiging ama ng kanyang anak-guwapo at kilalang basketball player pero happy-go-lucky at takot sa responsibilidad at commitment. Pero bago nila maisagawa ang binabalak ay kailangan muna nilang maging komportable sa isa't isa. In short, kailangan nilang mag-date-palagi. "Gusto mo lang yatang maka-date ako, eh," buong kaarogantehang bintang nito sa kanya.
POV for Beginners by LaviniaKnight
LaviniaKnight
  • WpView
    Reads 2,903
  • WpVote
    Votes 71
  • WpPart
    Parts 4
Point of view, Tagalog
Deleted Scene from Sentinels 11: Joseph and John by elisestrella
elisestrella
  • WpView
    Reads 5,515
  • WpVote
    Votes 116
  • WpPart
    Parts 1
Para sa mga readers ng Sentinels series ko, this is a deleted scene from Sentinels 11: Silent Honor. Flashback dapat siya ni Daddy Joe kaya lang masyadong mahaba at hindi naman siya kailangan talaga so tinanggal ko siya. It would have shown the depth of the realationship between the twins kaya lang 'yun nga, kulang sa pages. Gusto ko lang i-share kasi miss ko na ang Sentinels. Also, unedited. Please excuse the typo and stuff. Sentinels Series, Philippine Copyright by Bookware Publishing Corp.
Sentinels by elisestrella
elisestrella
  • WpView
    Reads 21,864
  • WpVote
    Votes 780
  • WpPart
    Parts 11
A collection of Sentinel one-shots. Some have already been posted on Facebook and my blog. I think the title is still appropriate. The Sentinels are brothers after all. Sentinels Series, Philippine Copyright by Bookware Publishing Corp.