peachxvision
3 stories
Siya at Ako (Siya Book 1) (revising) by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 2,301,330
  • WpVote
    Votes 27,129
  • WpPart
    Parts 40
Naniniwala si Kyleen Ylkivia Tuazon, o Kai, na magulo na ang buhay niya gawa ng mga pangyayaring nakapagpawala ng kanyang mga alaala at ng buhay ng isang kaibigan. Dahil dito, isinasabuhay niya ang isang tahimik na buhay-estudyante, malayo sa madalas na tinatahak ng kanyang mga kaedaran. Mukhang hindi nga lang iyon ang gusto ng langit para sa kanya nang magpakilala si Aiden Gabriel Smith, ang heartthrob ng batch nila. Wala namang ipinag-aalala si Kai; naninindigan siyang walang sinuman ang makatitibag sa kanyang pusong-bato. Ngunit unti-unting nagbago ang pananaw niya kay Aiden nang malaman naman niya ang tungkol sa yumao nitong kababata. Ang hindi alam ni Kai, ang pagbabagong ito pala ang magiging umpisa ng pagkahumaling niya sa misteryo ng nakaraang tuluyan na niyang nalimutan. Published by Summit Books under the Pop Fiction imprint © 2018. Now available in bookstores nationwide.
Tales of a Girl by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 271,428
  • WpVote
    Votes 15,201
  • WpPart
    Parts 78
At night, she pulls her blanket to herself, takes her pen, and remembers every detail in her life. She had a lot to write about her regrets of the past, her doubts of the present, and her worries for her future. She did not want to think, but she still will, mixing all time lines in her head. At dawn, she wakes up, takes her pen, and remembers that she must love herself before she can love anyone. She had a lot to write about the boy who wanted her back after he broke her heart. Even so, she won't, for she has decided that from now on, she will choose herself first. In the morning, she continues to live, takes her pen, and remembers how blessed she is to be loved. She had a lot to write about everything under the sun, including her adventures with the person who loved her dearly. She takes note of all of them, both small and big, until he kisses her and takes her away from the harsh reality. Three different girls with twenty-five tales to tell, all because the universe taught her to love . . . and to write.
Lost and Found by peachxvision
peachxvision
  • WpView
    Reads 303,571
  • WpVote
    Votes 13,218
  • WpPart
    Parts 37
Hiniling ni Ma. Natasha Kaluag, o Tasha, ang isang unique na malatelenobelang buhay. Ibinigay naman ito ng universe nang mawala ang wallet niyang may laman dapat na one-by-one picture na inabot naman ni Theo Agustino. Ang pagbintangan si Theo nang makita niyang wala ang litrato sa wallet ang nag-umpisa ng pag-iiba ng kanyang mga araw at ang paghahanap ng isang bagay na si Theo lamang ang makapagbibigay. Hindi maganda ang nakaraan ni Theo -- na-late siya ng isang taon sa pag-aaral dahil sa isang aksidente at nawala ang tsansa niya sa taong matagal na niyang gusto. Kaya nang matagpuan niya ang wallet ni Tasha at mapagbintangan siyang itinago ang litrato nito, alam ni Theo na may pagkakataon pa siyang mag-umpisa ng bagong kabanata na si Tasha naman ang kasama. Dalawang taong nawalan, dalawang taong may nahanap. Kung sabay ba nilang tutuklasin ang mundo ng pag-ibig na ngayon pa lang nila mararanasan, sabay rin ba silang mawawala?