julxnique
- Reads 11,707
- Votes 360
- Parts 28
Lexi's life would be in a total mess if she can't pull it off this time. And, yes her job is at stake. Ilang linggo ng tengga ang mga pinapasa niyang write-ups sa boss nya at lahat yun ay hindi nito magustuhan. She needed something new, a unique topic na s'yang makakatulong sa muling pagbangon ng nilalangaw n'yang mga write ups.
While in the middle of her brainstorming, someone errr something from the past showed up in front of her... isang nilalang na nakakapagpainit ng ulo n'ya palagi. Her mortal enemy, Jayether "Jaye" Rivera, ang bwisit sa buhay n'ya! What the heck is he doing in her favorite coffee shop? Without a second thought, she lifted a magazine in the table and covered her face.
"You don't need to hide, Ramirez." That voice. His voice, ilang taon na ba simula nang marinig n'ya yun? Agad naman n'yang kinuha ang magazine na nakatakip sa mukha n'ya at pinasadahan ito ng matalim na tingin mula ulo hanggang paa.
"So you're a fan of mine?" Aba nga naman, napakafeeler ng mokong. He pointed the magazine she was holding and left her afterwards without a word. Tiningnan n'ya ang magazine na hawak n'ya; "Jayether Rivera, one of today's hottest bachelor in the business world." with matching picture of him.
Hindi n'ya alam kung magpapalamon na lamang ba s'ya sa lupa o tatakbo s'ya para maabutan si Jayether at hampasin sa mukha. Now what?! She's Alexis "Lexi" Ramirez, a strong woman at walang inuurungan. She must get even with him. May araw rin ito sa kanya at humanda ito.
Why of all these years ngayon pa magpapakita ito at talagang pinahiya pa s'ya sa sarili n'ya? Ang taong walang ibang dulot kundi kamalasan sa buhay n'ya. Ano nga ba ang past nila?