Yieraija
- Reads 749
- Votes 40
- Parts 32
Hindi lahat ng halimaw ay mula sa labas. Minsan, kailangan mo lang itong gisingin at matutuklasan mong nasa loob mo pala.
At kapag wala ka nang ibang pagpipilian kundi ang maging halimaw ng sarili mong kuwento, tatanggapin mo ba?
Sa katahimikan ng kagubatan, may gumigising na sinaunang kapangyarihan. Sa bawat agos ng ilog, sa bawat sulat na gumagapang sa balat ni Sinay, unti-unting lumilitaw ang katotohanan.
Isang gabi na may Buwan, may boses na bumulong sa kanyang pandinig. Isang nilalang ang nagtangkang patayin ang kanyang pamangkin-isang inosenteng sanggol. Hindi na siya nagdalawang-isip. Iniligtas niya ito. At doon, sa gitna ng dilim at panganib, nagising ang isang bahagi ng sarili niyang matagal nang natutulog. Isang bahaging alam niyang hindi na niya muling mapipigilan.
Ayon sa Aklat ng Bunyag, siya ang pumili na maging Bruja.
Ngunit ang bawat pagpili ay may kapalit. At ang kapalit ng kapangyarihang ito... ay isang SUMPA.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
DISCLAIMER:
This story is a fictional work. All names, characters, places, and events are either the result of the author's imagination or are used in a fictional manner. Any similarities to real people, living or deceased, or actual events are entirely coincidental. This content is created solely for entertainment and is not meant to represent real individuals or occurrences.