MiteiNamae
Ang bawat desisyon na ginagawa ng isang tao ay hindi lamang sa kaniya makaaapekto. - Eureka Fukushima
Si Eureka ay kabilang noon sa isang dysfunctional na pamilya, bago siya nakagawa ng paraan para matakasan sila. Bilang resulta, nagkalayo sila ng pinakamamahal niya.
Si Yb ay isang makulit at mapagmahal na kapatid, anak at nobyo. Labis-labis ang pagmamahal na ibinibigay niya kay Reka pero nabawasan na ang kanyang sigla magmula nang mapaniwala siya na nagpakamatay ang kaniyang pinakamamahal para mabigyan siya ng pag-asa.
Samahan sila sa kanilang mala-'roller coaster ride' na buhay pag-ibig.
Ito ay isinulat ko noong ako'y nag-uumpisa pa lamang magsulat sa Wattpad bilang si Kawaii_Me_Gal. Masalimuot ang pinagdaanan ng kwentong ito, at akala ko'y ibabaon ko na ito sa limot. Ngayon ay handa na muli akong harapin ang kwentong ito upang bigyan ng bahagyang pagrerebisa at upang ipakilala itong muli sa mundo.
Ito ay isang kwento na inaalay ko sa isang kaibigan mula sa nakaraan. Kung nababasa mo ito, nais kong malaman mo na tunay kang nagkaroon ng puwang sa puso ko at na ako'y humihingi ng tawad sa kinahinatnan nang lahat.
Author's Note: These were written and posted for my own entertainment so harsh criticisms won't be tolerated, but helpful criticisms are truly appreciated.