DyslexicParanoia: my favourites ?
5 stories
JASPER, The Demon Slayer by DyslexicParanoia
DyslexicParanoia
  • WpView
    Reads 4,372,981
  • WpVote
    Votes 122,018
  • WpPart
    Parts 114
Katropa Series Book 9 [Completed] Language: Filipino Bago pa man maipanganak si JASPER, itinakda na ng propesiya mula sa aklat ng angkan ng mga Villaluz ang kanyang misyon. Ito'y ang pamunuan ang hukbong tatapos sa pamamayagpag ng mga kampon ng kadilimang pinamumunuan ng kanyang ninunong si Lucio na--tulad n'ya ay--nagmula sa lahi ng anghel na si Akatriel--ang isa sa dalawangdaang anghel na nakipagniig sa mga babaeng taong naging dahilan ng kapanganakan ng mga Nephilim. Ngunit ang magbitbit ng ganitong kabigat na responsibilidad na hindi naman n'ya pinili'y isa sa mga bagay na naging suliranin ni JASPER, lalo na't ninanakaw nito ang kanyang buong panahon, lakas, kabataan, buhay pag-ibig at mga pangarap. Naging pangunahin n'yang hinanakit sa mundo at sa dugong nanalaytay sa kanyang ugat, ang mawalan ng pagkakataong mabuhay nang normal. Kung pa'no n'ya malulusutan mga suliraning ito, basahin natin ang kanyang k'wento. [Editor's Note] Writer: A. Atienza Content Editor: DPEditors Classification: Novel Genre: Cross-genre Series: Katropa Series Cover Design (WP): A. Atienza Started: November 2014 Completed: February 2015 Revised version: January 2017
Lagim  [R18] by DyslexicParanoia
DyslexicParanoia
  • WpView
    Reads 1,355,352
  • WpVote
    Votes 30,850
  • WpPart
    Parts 34
Language: Filipino Biglang nagbago ang mundo ng dalagang si Victoria nang sumapit ang kanyang ikalabingwalong kaarawan. Nagsimula siyang gumawa ng mga bagay na ni sa panaginip ay hindi niya aakalain. Kasabay ng masasamang pangitain at ng misteryo tungkol sa isang estrangherong lalaking laging sumusunod sa kanya, inakala niyang sinasapian lamang siya ng masasamang espiritung nag-uudyok sa kanyang saktan at dungisan ang sarili niyang katawan. Ang hindi niya alam ay ang mas malalim pang kadilimang bumabalot sa kanyang pagkatao. Isang aninong nagsimula bago pa man siya isilang at higit pa sa kayang arukin ng kanyang pang-unawa. Ang Lagim ay isang espiritwal na thriller ng katatakutan tungkol sa tibay ng pananampalataya sa gitna ng pagtutunggali ng liwanag at kadiliman. *** TRIGGER WARNING This book was written with the intention of exploring complex and challenging human experiences. It contains mature and potentially triggering content, including detailed discussions of religious trauma and sensitive, taboo subjects. Additionally, the narrative draws inspiration from real accounts of cults, examining their psychological and societal effects. Please prioritize your well-being while reading. This is a work of fiction. Reader discretion is strongly advised. **** Writer: A. Atienza Content Editor: DPEditors Classification: Novel Genre: Spiritual Horror Series: Standalone Cover Design: DPEditors Started:November 2014 Completed: October 2015
Tenebris Anima by DyslexicParanoia
DyslexicParanoia
  • WpView
    Reads 887,755
  • WpVote
    Votes 28,951
  • WpPart
    Parts 53
Walang taong ipinanganak na masama. Ngunit si Seth, isang lalaking hinubog ng pait ng nakaraan, ay hindi kailanman nabigyan ng pagkakataong piliin ang sarili niyang landas. Sa kanyang mga mata, anino ang sumisilip-multo ng kahapong puno ng sakit, lungkot, at pagkakanulo. Pilit niyang tinakasan ang dilim, ngunit sa mundong malupit, siya ay itinulak palalim sa anino at napilitang maging isang mamamatay-tao. Ngunit ano ang hustisya kung ito ay nababahiran ng dugo? Ngayon, hawak ang punyal ng paghihiganti at ang baril ng hustisyang ipinagkait sa kanya, si Seth ay naglalakbay sa landas ng kamatayan upang ipaglaban ang katarungan para sa iba-katarungang kailanman ay hindi niya natamasa. Sa gitna ng dilim at liwanag, kasalanan at katubusan, alin ang mananaig sa pusong bihag ng galit at pagdadalamhati? Humanda ka sa isang kwento kung saan ang pag-ibig ay nakikipagtagisan sa poot, ang hustisya ay nakikipagsayaw sa karahasan, at ang isang lalaking pinipilit magpatawad sa sarili ay natatagpuang nakaharap sa katotohanang maaaring huli na ang lahat. [Editor's Note] Writer: A. Atienza Content Editor: DPEditors Classification: Novel Genre: Cross-genre Series: Standalone Cover Design: DPEditors Started: August 2016 Completed: March 2017
Tres Ekis by DyslexicParanoia
DyslexicParanoia
  • WpView
    Reads 5,041,967
  • WpVote
    Votes 104,610
  • WpPart
    Parts 110
[Completed] Language: Filipino Description: Three dark erotic mystery thrillers in one compilation.
Ang Pag-ibig ng Aswang [PUBLISHED] by DyslexicParanoia
DyslexicParanoia
  • WpView
    Reads 3,879,430
  • WpVote
    Votes 66,124
  • WpPart
    Parts 51
Katropa Series Book 1 - Sa tahimik na buhay ng isang simpleng kolehiyala, biglang nadarama ni Helga ang kakaibang pakiramdam na may palaging sumusunod sa kaniya. Hindi niya alam na siya'y lihim na sinusundan ni Manuel, isang Aswang na sa halip na takutin ay nagmamahal sa kaniya nang palihim. Ngunit ang puso ni Helga ay nakatuon lamang kay Jason-isang matalino at makisig na pre-med student na naging sentro ng kaniyang mundo. Sa gitna ng paglalim ng misteryong bumabalot sa kaniyang nakaraan, kailangang harapin ni Helga ang isang pambihirang realidad kung saan nagsasama-sama ang takot, pantasya, at pag-ibig. Magiging sapat ba ang kaniyang pagmamahal kay Jason upang malampasan ang panganib na hatid ng isang mundo kung saan nagtatagpo ang mga tao at nilalang ng dilim? Isang makulay na kwentong puno ng katatawanan, kilig, at aksyon, kung saan ang tunay na pag-ibig ay haharapin ang pagsubok at ipaglalaban ang kabutihan laban sa kasamaan. Handa ka na bang tuklasin ang lihim na nakatago kay Helga at ang puso niyang hahamakin ang lahat para lamang sa lalaking mahal niya? [Editor's Note] Writer: A. Atienza Content Editor: DPEditors Classification: Novel Genre: Cross-genre Series: Katropa Series Cover Design (WP): DPEditors Cover Design (Published): J. Zapanta Started: February 2014 Completed: May 2014 Published: December 2014 PUBLISHED in 2 Parts by VIVA PSICOM Book Version official Launch dates: Part 1: December 1, 2014 Part 2: April 13, 2015