ruzbycruz's Reading List
3 stories
Wrong Number by HeyChyle
HeyChyle
  • WpView
    Reads 79,204
  • WpVote
    Votes 1,322
  • WpPart
    Parts 24
(On-going&Unedited) Fall in love with every character. Magulo ang storya. Tagalog Love Story.
THE PLATERO TRILOGY BOOK 3: ETERNITY REIGN (UNEDITED VERSION) by iamcranberry
iamcranberry
  • WpView
    Reads 34,622
  • WpVote
    Votes 1,036
  • WpPart
    Parts 12
NOTE: THIS STORY WAS PUBLISHED UNDER PRECIOUS HEARTS ROMANCES. COPYRIGHT UNDER THE SAID PUBLISHING COMPANY. . . . . . . "I call it 'eternity reign.' 'You know why? Because the love I have for you is endless." TEASER: Isang Prince Charming ang turing ni Reign sa kababatang si Wryle dahil lagi siyang sinasagip ng binata tuwing napapahamak sa kanilang hacienda. At sa kabila ng batang edad, alam na ni Reign sa sarili na si Wryle ang lalaking gusto niyang makasama habang-buhay. Kaya ginawa niya ang lahat upang mapansin at mapalapit sa kababata. Kahit pa tinututulan iyon ng mga matapobreng lolo at lola ni Reign dahil isang hamak na anak si Wryle ng kanilang tagaluto. Ngunit sa hindi malamang dahilan ay lumayo si Wryle kasama ang ina, na punong-puno ng galit at hinanakit kay Reign. Labis siyang nasaktan. Makalipas ang anim na taon, sa kasal ng kaibigan ni Wryle na kapwa naging platero ng lalaki ay nakita uli ni Reign siWryle. At sa kabila ng maraming taong dumaan at hindi magandang nangyari sa pagitan nila, hindi maitatanggi ni Reign na walang nagbago sa nararamdaman niya sa kababata. At sa kanilang madalas na pagkikita ay nalaman niya na mahal pa rin siya nglalaki. Pero tila huli na ang lahat para sa kanila dahil ikakasal na si Reign sa iba... ----------------------------------------------------------------------------- THIS IS THE FINAL BOOK. ENJOY READING GUYS! <3
THE PLATERO TRILOGY BOOK 2: LOTUS' CHAIN BROOCH(UNEDITED VERSION) by iamcranberry
iamcranberry
  • WpView
    Reads 42,675
  • WpVote
    Votes 1,055
  • WpPart
    Parts 12
THIS STORY IS PUBLISHED UNDER PRECIOUS HEARTS ROMANCES. "Wala, eh, naririnig ko lang ang pangalan mo, natuturete na ako. Hindi ko alam kung ano'ng meron ka para mapasunod mo ako." Tanging si Xavier ang inaasahang kakampi at sandalan ni Lotus sa lahat ng kanyang mga pinagdaraanan sa buhay. Ngunit bigla na lang siyang iniwan ng asawa. Dahil doon ay hindi niya mapatawad si Xavier at pinilit din ang sariling kalimutan ang kanilang mga pinagsamahan. Kasabay niyon ay inabot niya ang matagal nang pangarap na maging lead guitarist ng sikat na all-girl band-ang Toasted Candies. Ngunit muling nagkrus ang kanilang mga landas ni Xander-dahil malaki ang kaugnayan ni Lotus sa pagtulong ng dating asawa sa isang kaibigan. Napilitang makisama uli si Lotus kay Xavier sa loob ng isang buwan sa La Union-kung saan nagtatrabaho ang asawa bilang platero-bilang kapalit ng tulong na iyon. Ang sitwasyon ding iyon ang nakita ni Lotus na paraan upang magantihan si Xavier sa ginawang pananakit sa kanya. Ngunit sa muli nilang pagsasama, hindi matanggap ni Lotus na sa kabila ng galit na kinikimkim sa kanyang dibdib ay nag-uumapaw pa rin pala ang kanyang pagmamahal para sa asawa. At dahil ayaw nang masaktang muli, nakabuo ng isang desisyon si Lotus-siya naman ang lalayo kay Xavier.