Ellainexx_18
Si Princess Azura, 17 years old, ay lumaki bilang perpektong tagapagmana ng trono - prim and proper, always composed, at hindi kailanman pinayagang gumawa ng sariling desisyon. Mula pagkabata, nakaplano na ang buong buhay niya: isang political marriage, isang koronasyon, at isang trono na hindi naman niya pinili.
Pero isang gabi, habang naglalakad siya sa isang lumang bahagi ng royal library, may natuklasan siyang lihim na tuluyang nagbago sa pananaw niya - that the royal bloodline she belongs to was built on betrayal, oppression, and centuries of lies.
Right then and there, she knew:
Hindi siya ipinanganak para lang sumunod.
Sa gabi ng kanyang koronasyon, tumakas siya - iniwan ang palasyo, ang korona, at ang buhay na ipinilit sa kanya.
Habang tinutugis ng elite royal guards na tinatawag na Crownkeepers, si Azura ay naglalakbay sa mga lugar ng kaharian na matagal nang tinakpan ng kasinungalingan ng palasyo. Sa kanyang paglalakbay, nakilala niya ang tatlong taong magbabago ng takbo ng kanyang misyon:
• Kael, isang tusong street thief na may sariling dahilan para kamuhian ang royals,
• Selene, isang exiled sorceress na pinatahimik ng korona,
• at Tav, isang scholar na tila mas kilala pa si Azura kaysa sa sarili niya.
Habang unti-unti nilang binubuksan ang mga lihim ng nakaraan, nahaharap si Azura sa isang matinding desisyon:
Babalik ba siya upang kunin muli ang trono at ayusin ang sistema?
O tuluyan na niyang babasagin ang korona - at ang lahat ng kinakatawan nito?