Never click suspicious links
Reminder: Wattpad will never ask for passwords, payment information, or other sensitive account security details.
KD_Gracias's Reading List
29 stories
Dosage of Serotonin by inksteady
inksteady
  • WpView
    Reads 44,016,565
  • WpVote
    Votes 1,376,355
  • WpPart
    Parts 47
Started: 04/27/2021 Ended: 08/24/2021 Ang hirap palang tumanda. Ang hirap magbayad ng bills. Ang hirap suportahan ng pamilyang akala ay isang milyon ang suweldo mo. Ang hirap ngumiti sa nanay na mataas ang tingin sa'yo pero hindi ka kayang ipagtanggol. Ang hirap tabihan sa hapagkainan ng tatay na pinag-uubusan mo ng pera pero hindi ka maalala. Ang hirap mag-abot ng tulong sa kapatid na baon sa utang. Ang hirap intindihin ng hipag na nakakapagpa-rebond pa kahit kapos na kapos na. Ang hirap pakisamahan ng bunsong halos ilahad ang mga palad tuwing makikita ka. Ang hirap ngitian ng mga taong tanong nang tanong kung bakit hindi ka pa nakakapag-asawa. Ang hirap humarap sa mundong isasampal sa'yo na mag-isa ka. Tulong, bigay, utang. Isang iling mo lang, madamot ka na. Kasama mo sila kapag may maibibigay ka, pero hindi mo sila mahahanap kapag wala na. Ikaw ang kakayod, sila ang tutuka. Ikaw ang iiyak sa pagod, sila ang magtatamasa. Iyon ang summary ng buhay ko. Sobra-sobra ang naririnig na paghingi, kulang na kulang ang naririnig na pasasalamat. Sobra-sobra ang pagpapasensya, kulang na kulang ang natatanggap na pagpapahalaga. Sobra-sobra ang binabayaran, kulang na kulang sa kasiyahan. Kaya nang dumating sa buhay ko ang nag-iisang lalaking hindi ako nakita bilang naglalakad na alkansya, ang nag-iisang lalaking nakinig sa mahabang listahan ko ng problema, ang nag-iisang lalaking nagbigay sa akin ng kakaibang saya, ipinangako ko sa sarili na sa gitna ng hirap ng pagtanda, magtitiis ako basta't siya ang kasama. Kahit pa ang kapalit noon ay pagtalikod sa minahal na pamilya. Kahit pa ang kapalit noon ay paglaban sa mundong pinatatakbo ng kapangyarihan at pera. Kahit pa ang kapalit noon ay ang pagdurusa't pag-iisa. Siya ang ginhawa, pahinga, at kasiyahan ko. Dumating man ang araw na tanaw ko na ang dulo. Dumating man ang araw na wala na kaming sagot sa lahat ng bakit at paano. Dumating man ang araw na pareho na kaming talo.
LOYAL HEARTS #1: ROSS AND SCARS (Rewritten Version) by blackpearled
blackpearled
  • WpView
    Reads 5,667,414
  • WpVote
    Votes 38,008
  • WpPart
    Parts 15
Scarlet is no perfect girl. With her self-esteem issues and feelings of worthlessness, she became one of those destructive beings na sinasaktan ang sarili physically and emotionally. Along came Evan who is willing to change all that. Would he be able to put up with her endless rants of insecurity and paradox self? Paano niya mapapabago ang babaeng walang balak baguhin ang sarili because of her belief na iiwan lang din siya kapag okay na? Paano niya mapapaniwala ang babaeng walang tiwala sa sarili at sa mga taong nakapaligid sa kanya? How can he make Scarlet believe that he accepts even the worst of her flaws? How can he heal her wounds and scars?
Daily Fools by agustokoto
agustokoto
  • WpView
    Reads 8,138
  • WpVote
    Votes 737
  • WpPart
    Parts 14
Brokenhearted si Kassandro sa ex-girfriend niya nang dumating sa buhay niya si Serene--ang babaeng ginawang hobby ang kulitin siya. Mula sa walang humpay sa chat messages hanggang sa pagtawag sa kanya ng 'mahal'. Sa pagkabwiset, binlock niya ito sa messenger. That is when a series of love confessions for him begins. Tuloy, biglang nalito si Kassandro. Hindi kasi niya alam kung alin ang uunahin. To mend his brokenheart? Or to heal somebody else's heartache? - Agustoko. Story cover made by @kaethy_baby :) Thanks, par!