Precious Hearts Romances?
181 stories
[COMPLETED] My Ex's Stepbrother (Published under PHR) by AndieHizon
AndieHizon
  • WpView
    Reads 230,549
  • WpVote
    Votes 4,582
  • WpPart
    Parts 10
Hello! May mga naghahanap ng librong 'to kaso wala na raw mabilhan, luma na kasi. Haha! Hindi 'to edited, pasensya na, kung may mga typo at grammatical errors. Sana ma-enjoy niyo :)
Stay With Me by laradyngrey
laradyngrey
  • WpView
    Reads 42,063
  • WpVote
    Votes 518
  • WpPart
    Parts 5
Roberta and James had a one-night stand the first time they met. Pagkatapos ng gabing iyon ay tumakas si Roberta nang hindi man lang namamalayan ni James. Sino ang mag-aakala na pagkalipas ng dalawang taon ay magkukrus muli ang mga landas nila? Pero nakatakda nang ikasal si James. Higit sa lahat, si Roberta pa mismo ang mag-aayos ng engagement party ng binata at ng mapapangasawa nito. Kaya ba niyang pigilan ang nararamdaman para kay James na pinilit niyang kalimutan?
Bring Me A Dream by LushEricson
LushEricson
  • WpView
    Reads 78,889
  • WpVote
    Votes 1,394
  • WpPart
    Parts 12
Sa loob ng maraming taon, naging referee si Pipa sa relasyon ng best friend niya at ng boyfriend nitong si Kenneth. Kapag nag-aaway ang mga ito, gagawa siya ng paraan para magkabati ang mga ito. Tatahi siya ng cute na stuffed toys, iihip ng maliliit na lobo, magsusuot ng costume at sasama sa panghaharana ng lalaki sa kaibigan niya. Ginagawa niya ang lahat ng iyon hindi dahil gusto niyang magkaayos ang mga ito. Ginagawa niya iyon dahil matagal na niyang gusto si Kenneth at ayaw niyang nakikita itong nalulungkot. And deep inside her, she knew she was still wishing that one day, Kenneth would notice all her sacrifices for him and would love her in return. Well, there is a saying... Be careful with what you wish for. Because you just might get it. And when you get it, complications are sure to follow...
Zeph COMPLETED (PREVIEW) by Victoria_Amor
Victoria_Amor
  • WpView
    Reads 270,558
  • WpVote
    Votes 7,584
  • WpPart
    Parts 32
UNEDITED COPY. Nakilala ni Ara si Zephyrus "Zeph" De Villar nang gabing tumakas siya para hindi maging biktima ng white slavery. Dinala siya ng lalaki sa hotel na tinutuluyan nito. Noong una ay hindi niya ito pinagkatiwalaan. Pero nang mga sumunod na araw ay napatunayan niyang mabuti itong tao. Sapat na ang naging tulong ni Zeph sa kanya para makauwi siya nang ligtas sa kanilang probinsiya. Pero may isang "trabahong" inialok ito sa kanya bago siya umalis. Isang nakakatuksong alok para sa isang gaya niyang nangangailangan-ang maging girlfriend ng lalaki sa harap ng ina. At natukso nga siya. Hindi nga lang niya naisip na sapat ang sampung araw para mahulog ang loob niya kay Zeph.
Adam's Verdict PHR (COMPLETE) by greciareine
greciareine
  • WpView
    Reads 129,790
  • WpVote
    Votes 2,479
  • WpPart
    Parts 11
"If I'm going to give myself a verdict right now, I'm definitely guilty. Guilty of loving you then and even now." Naniniwala si Jenna na natagpuan na niya ang lalaking para sa kanya-si Nick. Bukod sa guwapo at mayaman ay alam niyang mahal na mahal siya nito. But on their wedding day, Nick jilted her. Dahil sa nangyari ay galit na galit siya sa lalaki at determinado siyang sampahan ito ng kaso. Ini-refer naman siya ng isang kaibigan sa magaling na abogado-si Adam. Maliit nga lang talaga ang mundo dahil si Adam ang kanyang ultimate college crush at napakalaki ng kasalanan niya rito. Minsan na niyang sinira ang pangalan nito dahil sa isang eskandalong kinasangkutan nilang dalawa. Akala niya ay matagal na niyang nalimot ang batang damdamin ngunit nagkamali siya dahil muling nahulog ang loob niya kay Adam. Lagi kasi itong nasa tabi niya sa mga panahong kailangan niya ng karamay. Ang masaklap nga lang, hanggang ngayon ay mukhang hindi pa rin siya kayang pagtuunan ng pansin ni Adam. Sa paningin ng binata ay siya pa rin ang spoiled brat na naging estudyante nito at sumira sa maganda nitong reputasyon.
MAN IN VIOLET PHR by greciareine
greciareine
  • WpView
    Reads 104,177
  • WpVote
    Votes 1,727
  • WpPart
    Parts 10
"I am just protecting my territory.He is mine, and what is mine, I keep." Iona was bored. Walang magawa, humingi siya ng isang sign: ang sino mang lalaking dadaan na nakasuot ng violet jacket ang siyang destiny niya. Nagulat siya nang may dumaan ngang isang guwapong lalaking nakasuot ng violet jacket. Dala ng kapilyahan, tinawag niya ito at sinabihan ng 'I love you.' Sa malas ay girlfriend pala ng lalaki ang babaeng kasama nito. At dahil sa ginawa ni Iona ay nagkagalit ang dalawa. Mabuti na lang at nagawa niyang takasan ang lalaki kaya nakaligtas siya sa ginawang kalokohan. Makalipas ang dalawang taon ay hindi inakala ni Iona na muling magkukrus ang mga landas nila. It turned out, si Chief Inspector Jake Aviero pala at ang lalaking nakasuot ng violet jacket noon ay iisa. And this time around, mukhang hindi na uubra ang kapilyahan ng dalaga. Could they take a chance on falling in love with each other? Magkatotoo kaya ang 'destiny' na gawa-gawa ni Iona?
Suddenly, It's Love [Unedited version, Published under Phr] (Complete) by nikkidelrosariophr
nikkidelrosariophr
  • WpView
    Reads 171,030
  • WpVote
    Votes 2,649
  • WpPart
    Parts 10
Minsan sa buhay ni Celine ay nagmahal siya ng isang Ethan Agoncillo. Guwapo, matalino, mayaman at higit sa lahat, palaging nasa tabi niya kapag kailangan niya ng makakausap. Ito ang isa sa mga taong hindi nang-iwan sa kanya noong mga panahong mababa ang self confidence niya at mababa ang tingin niya sa sarili niya. Hindi naman ito mahirap mahalin. Inakala pa nga niya na may katugon ang nararamdaman niya sa binata pero nang magtapat siya dito bago ito umalis ng bansa, napatunayan niyang pakikipag-kaibigan lang pala ang kaya nitong ibigay sa kanya. Kaya naman ginawa niya ang lahat para makalimutan ito. Kahit ang makipag-usap sa mga kaibigan nito ay iniwasan niya mapadali lang ang magmo-move on niya. Paglipas ng limang taon ay hindi niya inaasahan na magkikita pa uli sila ng tanging lalaking minahal niya. Muli ay naging malapit siya dito lalo na nang magpanggap itong nobyo niya nang dahil sa hindi inaasahang pagkakataon. Hahayaan na naman ba niyang umasa ang puso niya na may pag-asang mahalin din siya ng lalaking hindi naman pala nawala sa puso niya kundi nagtago lang sa kaibuturan niyon? O nanamnamin na lang niya ang masarap na pakiramdam sa piling nito hanggang sa matapos ang pagpapanggap nila?