Jaedrian_23
- Reads 2,642
- Votes 238
- Parts 67
Matapos ang masakit na kabiguan sa kanyang unang pag-ibig, ipinangako ni Geyl sa sarili na isasara na niya ang puso para sa sinuman. Wala nang lalaki. Wala nang sakit. Ang tanging hangad niya na lang ay katahimikan sa kanyang bagong buhay-isang buhay na malayo sa drama at komplikasyon.
Ngunit tila hindi iyon ang plano ng tadhana. Isang umaga, nagising na lang siya na may tatlong naggagwapuhang lalaki na uupa sa kanyang malaking bahay.
Una, si Chester Lapaz-gwapo, matalino, at madaldal. Isang law student mula sa isang prestihiyosong unibersidad. May kaakit-akit na itsura at talento pagdating sa pagluluto.
Pangalawa, si Vishnu Isles-ang batang sikat na aktor na hinahabol ng kamera at kababaihan. Puno ng karisma, mayaman at tila sanay makuha ang gusto niya, lalo na pagdating sa pag-ibig.
At panghuli, si Carl Gimena-isang taong mula sa nakaraan ni Geyl. Matagal na niyang kaibigan na minsang nagpahayag ng damdamin ngunit tinanggihan niya. Ngayon, muling bumalik at tila may hindi pa rin nabuburang nararamdaman.
Tatlong lalaki. Isang bubong. At isang pusong pinipilit limutin ang nakaraan.
Sa isang bahay na puno ng tensyon, tukso, at hindi inaasahang koneksyon, magagawang bang panindigan ni Geyl ang kanyang pangakong 'hindi na muling iibig? Magkakasundo kaya silang apat? o mas lalo lang magkakagulo ang lahat?
(Love Series #2)