atomicnumber47
Naranasan mo na bang magkaroon ng bestfriend na maganda, sikat at yung ma appeal talaga? Yung role mo doon ay personal assistant nya, taga kain ng bigay na pagkain ng mga nanliligaw sa kanya. O di kaya taga bitbit ng dala nyang bag. Or maybe sometimes ikaw yung hero nya sa mga naiinggit sa kanya. Pakiramdam mo sikat ka na rin kasi kasa kasama mo nga yung tunay na sikat. Pero ni minsan ba naingit ka? Ni minsan ba pinangarap mong maging sya? Kasi ako Oo. Parang sa kanya kasi ang dali ng lahat. Samantalang ako lahat pinaghirapan makuha. Ako itong parang na trap sa isang salamin. Hindi ko na nakikita sarili ko cause i always look after her. Wala naman akong pinagsisisihang ginawa ko yun. Kasi i love my bestfriend more than myself. Talaga nga lang ipinganak syang maswerte sa lahat kabaliktaran ng pagkakapanganak saakin. Masasabi ko namang mabait ako. Pinapapakain ko na nga lahat ng daga sa bahay para lang di ako malasin. Pero talagang isinumpa na nga siguro akong ganito. Sana kahit sa pag ibig man lang swertehin naman ako. And i have a feeling that i'll probably meet my 139 days after Soulmate this year.