optmstcRainBow
2 stories
Ang Kuwento ng Isang Tabachoy by nightwanderer1992
nightwanderer1992
  • WpView
    Reads 25,069
  • WpVote
    Votes 444
  • WpPart
    Parts 42
Mataba siya. Naranasan na niya yatang matawag sa napakaraming pangalan. Alam ninyo 'yun? Pig at whale kapag ingliserang sosyalin ang nang-aasar sa kanya. Dugong, dabiana, balyena, taba at baboy naman kapag normal lang na tao. Babsy, tabs, taby at tabachingching kapag naman pacute. At marami pang iba. Hindi porke't mataba siya at napapalibutan ng napakaraming taba ang katawan niya ay hindi na siya nakakaramdam! Tao rin siya! Nasasaktan din! Pamilya niya, mga guro sa eskwelahan niya at kaibigan niya ang mga taong tanging malapit sa kanya. Sila ang nakakita ng kabutihan niya at kakayahan niya. Sila ang dahilan kung bakit pilit niyang tinatakpan ang mga tenga mula sa pang-aasar at pangungutya ng mga taong mapanghusga. Dahil sa katabaan ay hindi sanay si Josiah Grace Perez sa spotlight. Mas sanay siyang nasa likod ng bawat tagumpay at bagay. Sanay siyang nasa likod ni DJ Alexa, ang sikat na school dj sa Great Dragons International Academy kung saan mga guro, bestfriend niya at pamilya niya lang ang nakakaalam na siya ito. Paano kung malaman ng isang transferee ang lihim na pilit niyang itinago ng ilang taon? Paano kung makakilala siya ng taong hindi pinagtatawanan at kinukutya ang katabaan niya? Paano kung magising ang mga damdaming hindi niya alam na mararamdaman niya pala? Paano kung sa kabila ng pagiging tabachoy niya ay may tumanggap sa kanya ng buong-buo at walang pag-aalinlangan? Samahan natin si Josiah Grace sa kanyang huling taon sa highschool. Samahan natin siyang diskubrehin ang mga bagay na hindi niya akalaing magagawa niya pala. Subaybayan natin ang kwento ng isang tabachoy.
Corinthians: One Shot Stories by nightwanderer1992
nightwanderer1992
  • WpView
    Reads 3,379
  • WpVote
    Votes 51
  • WpPart
    Parts 19
Corinthians: One Shot Stories Isang libro ng mga Tagalog na kuwento tungkol sa pagmamahal, pagkakaibigan, pamilya at iba pa. May nakakaiyak, nakakatuwa, at nakakainis. Marami rito ang isinali ko sa mga patimpalak. Push ko ang malalim na pagta-Tagalog. Haha. Salamat sa pagbabasa!