missbait22
-
**PROLOGUE**
Paano kung unti-unti mo nang nakikitang nawawala ang taong mahal mo?
Hindi dahil napagod siya - kundi dahil kinuha siya sa'yo.
At habang pinipilit mong kumapit,
siya naman ang dahan-dahang lumalayo.
Hawak mo ang panga ko, mahigpit.
At sa bibig ko'y gumapang ang tanong:
**"Bakit ako?"**
Hindi mo sinagot.
Pero sa mata mong parang salamin,
naaninag ko ang sarili kong sinisisi mo.
Hindi na ito pag-ibig.
Parang ako na lang ang natitirang alaala
ng isang bagay na matagal nang nawala.
At sa wakas, binitawan mo ang mga salitang
hindi ko inaasahan -
**"Hindi ko na kayang ibalik ang pag-ibig mo."**
Paano mo mamahalin ang babaeng lubos mong minahal,
kung kasal na siya at may asawa na -
at hindi ikaw iyon?
Pipiliin ba niya ang una niyang minahal,
o ang karibal mong pangalawa lang,
ngunit siya ang asawa?
Hindi mo kailanman binigkas,
pero ramdam kong minahal mo ako sa paraang
hindi ko na kayang ibalik.
At habang hinihintay mong matauhan ako -
ako naman ang unti-unting nawala.
Pinili kong maging totoo.
Ikaw ang pumiling manatili.
Ngunit ang tagal mo ring nanahimik,
hanggang ang pagmamahal mo
ay naging multong hindi umaalis.
Napuno mo na yata ang bawat mong libro
ng bawat pahina ko.
At nabuo mo ang isang buong aklatan
na hindi natin magiging tagpuan
kahit kailan.
---
**FEATURING:**
Isabelle Ambrose Miles
Warren William Husk
Morvain Grimvell