Precious
16 storie
Stallion Island 2: Jayson Alden Arcena Completed di SofiaPHR
Stallion Island 2: Jayson Alden Arcena Completed
SofiaPHR
  • LETTURE 361,530
  • Voti 5,272
  • Parti 42
Two childhood enemies. One romantic island. Sino ang unang mai-in love. Published under Precious Hearts Romances. First edition 2009
THE PLATERO TRILOGY BOOK 2: LOTUS' CHAIN BROOCH(UNEDITED VERSION) di iamcranberry
THE PLATERO TRILOGY BOOK 2: LOTUS' CHAIN BROOCH(UNEDITED VERSION)
iamcranberry
  • LETTURE 42,511
  • Voti 1,048
  • Parti 12
THIS STORY IS PUBLISHED UNDER PRECIOUS HEARTS ROMANCES. "Wala, eh, naririnig ko lang ang pangalan mo, natuturete na ako. Hindi ko alam kung ano'ng meron ka para mapasunod mo ako." Tanging si Xavier ang inaasahang kakampi at sandalan ni Lotus sa lahat ng kanyang mga pinagdaraanan sa buhay. Ngunit bigla na lang siyang iniwan ng asawa. Dahil doon ay hindi niya mapatawad si Xavier at pinilit din ang sariling kalimutan ang kanilang mga pinagsamahan. Kasabay niyon ay inabot niya ang matagal nang pangarap na maging lead guitarist ng sikat na all-girl band-ang Toasted Candies. Ngunit muling nagkrus ang kanilang mga landas ni Xander-dahil malaki ang kaugnayan ni Lotus sa pagtulong ng dating asawa sa isang kaibigan. Napilitang makisama uli si Lotus kay Xavier sa loob ng isang buwan sa La Union-kung saan nagtatrabaho ang asawa bilang platero-bilang kapalit ng tulong na iyon. Ang sitwasyon ding iyon ang nakita ni Lotus na paraan upang magantihan si Xavier sa ginawang pananakit sa kanya. Ngunit sa muli nilang pagsasama, hindi matanggap ni Lotus na sa kabila ng galit na kinikimkim sa kanyang dibdib ay nag-uumapaw pa rin pala ang kanyang pagmamahal para sa asawa. At dahil ayaw nang masaktang muli, nakabuo ng isang desisyon si Lotus-siya naman ang lalayo kay Xavier.
THE PLATERO TRILOGY 1: HUNDRED RINGS OF SILVER (UNEDITED VERSION) di iamcranberry
THE PLATERO TRILOGY 1: HUNDRED RINGS OF SILVER (UNEDITED VERSION)
iamcranberry
  • LETTURE 49,610
  • Voti 1,299
  • Parti 11
THIS STORY IS PUBLISHED UNDER PRECIOUS HEARTS ROMANCES. Maraming sakit ng kalooban ang pinagdaanan ni Ethel, isang sikat na fantasy writer, kaya pinili niyang maglagay ng matayog na pader upang protektahan ang sarili. Lumayo rin siya upang makapagsimulang muli. Natagpuan niya ang panibagong buhay sa bayan ng Naguilian, La Union nang mangupahan siya sa apartment na pagmamay-ari ni Constancia Callejo na may-ari din ng Marl's Silver Shop, isang sikat na pagawaan ng mga silver accessory sa lugar. Pero mukhang mabubulabog ang natagpuang katahimikan ni Ethel nang makilala niya si Denim Callejo-mabait, malambing, guwapo, at umaapaw sa pagiging simpatiko-na nag-iisang apo ni Lola Constancia at nagtatrabaho bilang platero sa negosyo ng pamilya. Sa unang pagkikita pa lang ay natulala na siya sa lalaki at parang natutunaw sa mga nangungusap nitong mga mata na tila binabasa pati ang kanyang kaluluwa. Pero pinaglabanan niya ang atraksiyong naramdaman dahil wala na siyang karapatang umibig dahil sa kanyang mapait na nakaraan. Tila ayaw naman siyang tantanan ni Denim. Lahat ay ginawa ng lalaki upang mapalapit sa kanya sa kabila ng pag-iwas at pagsusungit niya. Hanggang sa unti-unti nang nabuwag ang depensa ni Ethel dahil sa kabaitan at pagmamahal ng lalaki. Gustong ng bumigay ng kanyang puso, ngunit paano kung malaman ni Denim ang kanyang nakaraan? Makayanan kaya uli niyang tanggapin na maaaring mawala sa kanya ang lalaking pinakamamahal? ------------------------------------------------------------------------------------- COPYRIGHT UNDER PRECIOUS PAGES
Purple Kisses For the King [PHR] - Completed di phrjelevans
Purple Kisses For the King [PHR] - Completed
phrjelevans
  • LETTURE 83,986
  • Voti 1,196
  • Parti 14
"Sapat na ang lakas ko para sa ating dalawa. Malaki ang puso ko para magkasaya ka. Adjustable ang sizes ng lahat ng aspeto ng buhay ko kaya sure ako na you will always fit into my life." Kung noong unang panahon ang mga kontrabida sa isang pag-iibigan ay mga matatanda, madrasta, mangkukulam o buong angkan, sa pagmamahalan nilang dalawa ay kakaiba. Nang magsabog ng kamalasan sa mundo, nasapo nilang dalawa. Kaya naman kumunsulta sila sa isang psychic upang itanong kung ano ang dahilan ng kamalasan na nangyayari sa kanila tuwing sila ay magkasama. Malas daw sila. Hindi na raw sila dapat magkita dahil lagi lang silang masasaktan kung ipipilit nila. Paano na ang lovelife nila kung minamalas sila? May mangyayari pa bang swerte para sa kanilang dalawa?
Alessandra-A Femme Fatale's Story (completed) di IamAyaMyers
Alessandra-A Femme Fatale's Story (completed)
IamAyaMyers
  • LETTURE 631,885
  • Voti 11,133
  • Parti 85
Walang-hanggang pagdurusa. Magdurusa ka dito sa lupa at sa impyerno. Daranasin mo ang walang katulad na sakit at pighati. Nakatadhana kang mamatay nang paulit-ulit--- Iyon ang sabi kay Alessandra ng isang manghuhula.
Valencia Series Book 1: Dylan Valencia (Completed) di IamAyaMyers
Valencia Series Book 1: Dylan Valencia (Completed)
IamAyaMyers
  • LETTURE 984,692
  • Voti 21,792
  • Parti 53
Binigyan lamang si Lorraine ng isang buwan na palugit ng kanyang ama para maghanap ng boyfriend, kung hindi ay ipagkakasundo umano siya nito sa isang lalaki na ni hindi niya kilala. Stress is a killer. Pero saan siya hahanap ng nobyo sa loob ng isang buwan? Until one day, may lalaking kumuha ng atensiyon ni Lorraine. He was tall, dark, and very much handsome! And oh boy, he was hot! For the first time, gumana nang matindi ang imahinasyon niya patungkol sa mga anak ni Adan. She pictured him topless in her mind. Ikinumpara agad niya ito sa mga Greek god statue. Marahil ay gusto rin siyang paglaruan ni Kupido dahil muling nagsalubong ang landas nila ng lalaki na ang pangalan pala ay Dylan Valencia. Ito na kaya ang sagot sa problema niya? Puwede...anang puso niya.
Peter, My Beloved Angel (Assassins 2) di JelainePhr
Peter, My Beloved Angel (Assassins 2)
JelainePhr
  • LETTURE 77,408
  • Voti 1,592
  • Parti 12
Dahil sa halos siyam na taon na nilang relasyon, labis na ang pagtitiwala ni Jelay sa kasintahang si Peter. Kahit pa nga ba naging kasinlaki na ng refrigerator ang kanyang katawan, naniniwala pa rin si Jelay na mahal siya ni Peter. Ngunit nagkaroon ng lamat ang pagtitiwalang iyon at tinubuan ng insekyuridad sa katawan si Jelay nang hindi sinasadyang makita niya si Peter na may kasamang sexy at matangkad na babae. Inilihim iyon ni Peter kaya napilitan siyang sundan-sundan ang kasintahan. At sa pagsunod-sunod ni Jelay, lalo lang nadagdagan ang kanyang insekyuridad nang magpatuloy ang pagkikita ng nobyo sa babaeng itinuring na ni Jelay na karibal. Sa udyok na rin ng isang kaibigan, napilitan si jelay na baguhin ang kanyang lifestyle at maglunsad ng "Operation: Diet." Ngunit diet nga ba ang solusyon para mabalik ang confidence niya at tiwala kay Peter na nangakong siya lamang ang babaeng pagkamamahalin?
[COMPLETED] The Ladies' Man Meets Jacque Alonzo (Published under PHR) di AndieHizon
[COMPLETED] The Ladies' Man Meets Jacque Alonzo (Published under PHR)
AndieHizon
  • LETTURE 100,640
  • Voti 2,151
  • Parti 10
Wala pong edit-edit. Patawarin niyo ako sa mga typo at grammatical errors. Hahaha :D "Maganda ka na kahit walang makeup, kahit basahan ang suot mo... You are perfect in my eyes, Jacque." Masama ang loob ni Jacqueline o Jacque sa mundo dahil sa maiksing panahon ay sunod-sunod na dagok ang pinagdaanan ng kanyang pamilya. Sa pagnanais na malibang ay sumama siya sa kaibigang si Pat sa isang bar at doon niya nakilala si Matt. He saved her from falling from the bar's terrace. Hindi na siya nakapagpasalamat dahil binulyawan siya nito at tinawag pa siyang "Miss Suicidal." Ilang kamalasan pa ang inabot ni Jacque sa mga sumunod na pagkakataong nagkukrus ang mga landas nila ni Matt ngunit ang bangayan ay napunta sa pagkakaibigan. Nang makilala niya nang lubos si Matt ay natutunan niya itong mahalin. Ngunit sa malas ay hindi pala puwedeng mahalin ang binata. Nakatakda na itong magpakasal sa isang dyosa. Ano ang laban niya sa babaeng iyon kung mas plain pa siya sa plain T-shirt at plain lugaw? At ang worst? Siya pa ang naging event planner ng kasal ng mga ito. Life is unfair. Very unfair...
My Sweet Serenity (as published by Precious Hearts Romances) di maryruthwrites
My Sweet Serenity (as published by Precious Hearts Romances)
maryruthwrites
  • LETTURE 217,448
  • Voti 4,328
  • Parti 16
Written: 2012 Published by PHR on August 2013 The Serenity Band Series Book 3 - Zhen's Story "I only looked at you once and I never looked away. It took me one blink to know you're beautiful. Two to know I love you. And three to make me want to marry you." Corinne Yelis swore she will never fall in love again. Not after she witnessed how her father hurt her mother and how the only man she loved fooled her for another girl. Para sa kanya, tapos na ang chapter na iyon sa buhay niya. Kumbinsido na siyang masaya siya at hindi niya kailangan ang isang lalaki para kompletuhin ang buhay niya. Pero mukhang hindi siya ang may hawak ng desisyon na iyon. Tatlong taon pagkatapos ng breakup nila, bumalik sa buhay niya si Zhen Cylix Ereje. He was three times more handsome; three times sure he still loved her and three times more determined to get her back. Pero desidido siyang tanggihan lahat ng ka-sweet-an na ipinapakita nito. In fact, she refused to see him at all! But destiny didn't share the same sentiments. Lagi sila nitong pinagtatagpo. Ano ang gagawin niya ngayong ang tadhana at si Zhen ay nagkaisa para muling mapaibig siya?
Crizandra's Dream Come True  (Raw/Unedited) (COMPLETED) di xoKALELxo
Crizandra's Dream Come True (Raw/Unedited) (COMPLETED)
xoKALELxo
  • LETTURE 91,952
  • Voti 1,608
  • Parti 11
(May crush ka ba sa school niyo? Baka maka-relate ka rito :P) (Published under PHR - 2014) Ang sabi ni Zanny sa kanyang sarili ay hindi siya magka-crush sa unang araw ng klase. Pero narinig yata siya ni Kupido dahil nang unang araw niya sa kolehiyo ay agad nahulog ang puso niya, pati na rin yata ang mga mata niya nang makita si JK. Ito ang naging inspirasyon niya kahit pa todo-effort para lang malaman ang buong pangalan nito. Ngunit nag-level up nang husto ang kagagahan niya rito. Nakapagsinungaling siya at inangkin na nobyo niya ito na naging sanhi ng pagkaunsiyami ng love life nito. She knew he was mad at her and she was not going to like what he'd do to her. Pero ang gagang puso niya, kinilig pa sa kaalamang makakausap niya ang binata kahit na ba galit nga ito sa kanya!