Private Storie's ????
160 stories
Boss Baby (COMPLETED) UNDER EDITING by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 2,153,930
  • WpVote
    Votes 46,635
  • WpPart
    Parts 33
Nasa trenta anyos na si French Nicole Lacubtan, kaya nais na niyang magkaanak sa lalong madaling panahon. Sa kadahilan ay palagi na lang siyang tinutukso ng mga kaibigan niya na hindi na daw siya magkakaanak pa sa edad niya. Mawawala na ang edad niya sa kalendaryo, kaya naman ay nangangamba siya na hindi na nga magkaanak. Lalo't may lahi ang pamilya niya na mga tumatandang dalaga. Maswerte na lang ang ina niya dahil naihabol pa siya bago ito mag-fourty. Kaya naman ay nakumbinsi siya ng kaibigan na magpabuntis na lang. Wala naman kasi siyang boyfriend, dahil sino ba ang magkakagusto sa katulad niyang manang manamit, hindi kagandahan, at palagi pang subsob sa trabaho? Kaya naman, para magkaanak ay naghanap sila ng friend niya ng lalakeng may magandang lahi na p'wedeng bayaran para buntisin siya. Pero ang isang misyon ay naging disaster. Nabuntis nga siya, ngunit maling lalake naman. At lalo siyang nalagay sa alanganin dahil sa nagawa niyang pagkakamali ay naging bangungot sa kanya. Hindi niya akalain na ang ama ng pinagbubuntis niya ay siyang magiging amo pala niya. Copyrights 2018 © MinieMendz
Benjamin Apollo FORD SERIES 8 ( COMPLETED) Under Editing by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 689,662
  • WpVote
    Votes 14,126
  • WpPart
    Parts 22
Lahat ng himpapawid ay kanyang liliparin. Maging ang malalim na dagat ay kanya ring lalanguyin. Pati ang pagpapansin ay kanya na ring gagawin; makuha lamang ang pagtingin ng kanyang iniibig. Ang madikit pa sa pandikit na si Nyebe ay patay na patay sa pinakabunso ng mga Ford na si Benjamin Apollo Ford. Sya na ata ang malinaw pa sa radyo kung wagas makapagbroadcast ng feeling sa buong mundo . Kahit na hindi sya pinapansin ng suplado'ng si Benj ay todo parin sya sa paghahabol rito. Pero siguro kahit ano mang bagay sa mundo ay nasisira din, gaya lang din ng puso nya. Na-wasak ang puso nyang patay na patay kay Benj ng mismo nitong nilibing ang puso nya sa mga salita nito na nagbigay ng malaking impact sa kanya. Naging sirena sya na naging bula at bigla nalang naglaho. Katulad rin ng pangalan nya na isang nyebe na natunaw at lumipas. At sa taong lumipas ay muling nagkita ang landas nya at ni Benj na sa pagkakataong iyon ay hinahanap pala sya ng binata. Pero sa pagkakataon na ring iyon ay hindi na nya kilala pa si Benj. Ang prince charming nya na ngayo'y naghahabol sa kanya.
Deorico Alesano FORD SERIES 4 (COMPLETED) UnderEditing by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 1,242,605
  • WpVote
    Votes 24,989
  • WpPart
    Parts 33
Ang binansagan na playboy sa pamilyang Ford ay walang iba kundi si Deorico Alesano Ford. Ang pang-apat na anak at pangatlo sa triplets.. Umibig ang binata ngunit nasaktan ng mamatay ang kanyang unang pag-ibig dahil sa isang aksidente. Sa sobrang sakit ng pagkawala ng kanyang kasintahan ay minabuti niyang hanapin ang taong may sala. Nakilala niya ang isang dalaga na kanyang magiging kapitbahay. Puno ng galit agad ang kanyang naramdaman na makita ito. Pero hindi niya akalain na ang babaeng paghihigantihan niya ay isa pa lang bulag. Ngunit namuo pa rin sa isip niya na dapat na paghigantihan niya ito. Gagamitin niya ang appeal niya upang makuha ito. Ngunit tila pinaglalaruan lamang siya ng mga taong nasa paligid niya. Dahil ang akala niyang patay na dating kasintahan ay buhay pa pala. Bigla na lang itong lumitaw sa kanyang harapan. Ngunit ang dati niyang nararamdaman rito ay bigla na lang naglaho. Para sa iba na ang tinitibok ng puso niya. Para sa babaeng dapat ay pinaghihigantihan niya. Hindi niya maintindihan ang sarili. Nalaman na lang niya na sobra na pala siyang nahuhulog sa dalagang si Lara Evangelista. © MinieMendz
Samuel FORD SERIES 6 (COMPLETED) Under Editing by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 611,697
  • WpVote
    Votes 11,862
  • WpPart
    Parts 24
Kilala si Samuel Ford bilang isang maginoo, masunurin, tahimik, suplado, at matalino. Buong buhay niya ay puro papuri ang natatanggap niya galing sa ibang tao. Hindi siya santo, may lihim rin siya na bawal sa mata ng kanyang pamilya, at nang ibang tao.. Na kailanman ay hindi matatanggap maging ng diyos.. "I Like Her. I Love Her. But I can't fall for her." -Samuel. Dugo sa dugo. Ngunit ang pagtibok ng kanyang puso ay walang kinikilalang dugo. Copyrights 2017 © MinieMendz
Seige FORD SERIES 5 (COMPLETED) UnderEditing by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 1,068,224
  • WpVote
    Votes 23,020
  • WpPart
    Parts 31
Sa walong magkakapatid na Ford ay si Seige ang pinakamahilig mangtrip. Grade school palang ay palagi siyang laman ng guidance office. Si Seige ang sakit sa ulo ng mag-asawang Dimitri at Beatrice. Nang mag-highschool at kolehiyo siya ay isa siya sa binansagang Campus Crush ng West Cassex University, kung saan nag-aaral rin ang mga kapatid niya. Hindi na niya kailangan pang lumapit sa mga babae dahil ang mga babae na mismo ang kusang lumalapit sa kanya. Pero isang araw, sa isang visit school activity ng school nila sa ibang school sa maynila. Graduating na si Seige sa college bilang law student kaya kailangan niya rin makita at may iba pang malaman sa ibang professor sa ibang school para mas matutunan ang mundo ng batas. Napadpad si Seige sa pinakagarden kung saan tahimik at payapa, pero may nakita siyang babae na nakaupo habang natutulog sa isang table. Balak niya sanang pagtripan ngunit natigilan siya na makita ang malaanghel nitong mukha. Balak sana niyang nakawan na lang ito ng halik ng tawagin siya ng mga kaibigan niya. Napurnada pa ang binabalak niya at tila siya asong nabahag ang buntot na napatakbo ng magising ito bigla. Magawa pa kaya niyang mapakapag biro sa babaeng hindi kayang lumaban sa kanya at hulog ng langit ang kabaitan. At kung kelan siya nag seryoso ay doon pa siya tila napag tripan ng pagkakataon. Dahil sa paningin ng babaeng nagugustuhan niya ay isang biro lang ang lahat ang feelings niya. Copyrights 2017 © MinieMendz
Diesel Aaron FORD SERIES 3 (COMPLETED) UNEDITED by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 752,522
  • WpVote
    Votes 18,953
  • WpPart
    Parts 30
Bata pa lang ay ibig nang makalaya ni Akina Kobayashi sa palasyong naging hawla niya. Hindi man niya nais na iwanan at takasan ang mga magulang niya ay wala siyang pagpipilian kundi ang tumakas para sa kanyang kalayaan. Sa tulong ng kaibigan na si Shin, ay nakaalis siya ng japan at sa pilipinas siya napadpad. Kailangan niyang magtago, at para hindi siya mahanap ng Daddy niya ay nagpalit siya ng profile, sa katauhan ng isang Jhaycee Akina Flores, na simpleng babae, mahirap sa buhay, at boyish um-awra. Nilunok ni Akina ang lahat at nagtiis sa ganoong buhay kung iyon lamang ang paraan para makamit niya ang pangarap na matagal na niyang inaasam. Sa pagpunta niya sa pilipinas ay hinanap niya ang taong kilala niya na lubos na makakatulong sa kanya---ang tinatawag niyang Auntie Isabelle. Tinulungan siya nito at pinatira sa bahay nito. Ito rin ang tumulong sa kanya upang ibahin ang imahe niya. At dahil sa amo nitong si Beatrice Ford ay nakapasok siya sa eskwelahan ng BF Island, kung saan makikilala niya ang pangatlo sa mga ford na si Diesel Aaron Ford, na isa sa tinaguriang campus crush, leader ng Bangtan boys, at isang singer at dancer. Si Diesel ang matatawag na cutie and lovable prince sa itsura nito, ngunit sobrang mainitin ang ulo, makulit, at kapag gusto niya ay iyon dapat ang masunod. Si Jhaycee ang isa sa nakaranas ng pambu-bully mula kay Diesel. Pero balewala lamang kay Jhaycee ang napaka isip-bata na pambu-bully ng binata. Dahil doon kaya lalong kumulo ang dugo ng binata para sa dalaga. At dahil din sa pambu-bully ni Diesel sa dalaga ay hindi niya aakalain na mahuhulog ang loob niya para rito. Lahat sa paligid ni Diesel ay tila nagiging rosas kapag naiisip lamang ang dalaga. Hindi pa niya maamin nung una, pero kalaunan ay naramdaman na ng binata na umiibig na pala siya sa dalaga. Copyrights 2017 © MinieMendz
The Slave Playboy (COMPLETED) UNDER EDITING by TheRealMinieMendz
TheRealMinieMendz
  • WpView
    Reads 885,343
  • WpVote
    Votes 19,005
  • WpPart
    Parts 31
Sa angking ganda at alindog na taglay ni Arwena ay walang lalakeng makalapit at humawak man lang. Nagtatrabaho siya sa isang club bilang manager, kaya sanay na siya sa mga lalakeng nagpapantasya sa kanya. Hanggang mapadpad sa paraiso club na pinagtatrabahuan niya ang magkakaibigang estudyante, at may nakapukaw ng kanyang pansin. Ang isa sa mga estudyanteng titig na titig sa kanya. Sanay na siya sa ganoong klaseng tingin kaya binalewala na lang niya. Ngunit hindi niya akalaing hahantong sa puntong magkakagusto sa kanya ang mas bata sa kanyang si Edward. Masugid itong sinusuyo siya hanggang sa gawin nito ang lahat ng pinag-uutos niya kahit na maging babaero ito dahil lamang sa pagsunod sa lahat ng utos niya. Hindi niya mapigilang mahulog rito sa kabila ng malayong agwat at kanyang nakaraang hindi masabi sa binata. Muli siyang nahulog sa isang lalakeng sa huli ay iiwan siya dahil sa maling akala. Umibig na siya nung una sa dating kasintahang si Max na naging dahilan kung bakit ang pagkatao niya ay puno ng pait at lamig. Nais niyang magpaliwanag kay Edward ngunit hindi nito pinakinggan ano mang paliwanag niya, bagkus ay tinawag pa siyang mitress ng ama nito. Ginawa lahat ni Arwena upang patunayan ang sarili at may makamit sa sarili. Bumalik si Edward matapos ang ilang taon, at sa pagbabalik nito ay isang mailap at malamig na trato ang sinalubong nito sa kanya. Maibabalik pa ba ang dati kung ang katotohanan ang magiging dahilan para siya naman ang makaramdam ng pait at galit para kay Edward? Maitatama pa ba ng pag-ibig ang naging dahilan ng lahat? At huli, makakamtam na ba niya ang hustisyang kay Edward lang pala niya matatagpuan?
Sleeping With My Enemy (Completed) by Raniaqueen
Raniaqueen
  • WpView
    Reads 4,136,515
  • WpVote
    Votes 72,376
  • WpPart
    Parts 50
Warning: Mature Content. "W-why?" my voice croaked dahil sa pinipigilan kong umiyak. I need to know. Kahit masakit, kailangan kong malaman ang dahilan. "I never love you." He smirked. "Ginamit lang kita at nagpagamit ka naman. You are so stupid and naïve that you made it all easy for me." dagdag pang pang insulto nito. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko sa narinig, nanlalabo ang paningin na tumingin ako sa mga mata niya, hoping that this is only a one sick joke. A cold brown eyes stared back at me and I shivered of the hatred I see in them. "W-what about our baby..our daughter?" It's his! He can't deny it! "Abort it, hindi ko matatanggap na magkaroon ng anak na may bahid ng dugo ng isang Fuentebella." he said the words with venom. What was left of my tiny hope was snaps into tiny pieces and my heart pained so much I felt like I'm dying of the words he spewed. ****** Revenge. Secrets and Lies. Ang pag ibig na nabuo sa paghihiganti ay nauwi sa pagmamahal na ngayon niyo lang masasaksihan. A story of love that is so great, it know no boundaries, cannot be tainted, cannot be broken. Para kay Cassandra Fuentebella, ang tanging hiling niya lang ay mabigyan ng hustisya ang kamatayan ng kanyang ina at magkaroon ng masayang buhay sa piling ni Alex, ang lalaking pinakamamahal niya. The man that captured her heart and soul. There is one thing that Alex Ledesma, wanted. To use Cassandra to extract revenge against the Fuentebella and he'll stop at nothing to get it. Pero hindi niya inaasahan na mapamahal sa kanya ang babae, na mamahalin niya si Cassandra ng higit pa sa buhay niya. All he did was commit one mistake and it turned his life to years of pain and misery when the love of his life left him ****
DEMIGODS: Within The Myths (New Version) by Geksxx
Geksxx
  • WpView
    Reads 3,650,183
  • WpVote
    Votes 116,388
  • WpPart
    Parts 69
In the Land of Divine Continent, there's a renowned myth about the mysterious demigod who bears crystal blue eyes. It was foretold by the oracle that the child within the myths was the one who will bring ethereal peace to humankind; otherwise, the one who will eradicate the world. COMPLETED| DEMIGODS SERIES #1 - Highest rank in fantasy Graphics by: eulu-xuria
WANTED PERFECT BOYFRIEND for the lady boss (PUBLISHED under PSICOM) by VixenneAnne
VixenneAnne
  • WpView
    Reads 33,199,346
  • WpVote
    Votes 835,651
  • WpPart
    Parts 69
She's cruel. She's cold. She's Beautiful. She's Powerful. And she badly needs a boyfriend! Sabrina Vee Suarez is your typical fierce lady boss with an attitude. Despite physical perfection and above average IQ she's one freakin No Boyfriend Since Birth virgin. She doesn't care, she doesn't need a man anyway. But she has a school alumni to attend. She needs a boyfriend to show off. So she hired the best looking hampaslupa she has ever laid eyes on. Perfect na sana. Kaso panu kung hindi pala hampaslupa si hired boyfriend? At panu kung he's part of the elite club called PRINCE OF HELL, a list of all ruthless yet dazzling billionaires around the globe? At hindi pera ang hinihingi nitong kabayaran. (COMPLETED) #Princes of Hell Series (4) Cover Photo by : findinghumanity