The Imperial Prince
shanahanazono
- Leituras 85
- Votos 6
- Capítulos 3
Sa mahiwaga at magandang mundo ng DRAGONEA ay may isang akademiya na nagbubukas lamang tuwing pagkatapos ng dalawampung taon, at ito ay ang KAIYA GAKUEN (Kaiya Academy). At sawakas ay muli nitong bubuksan ang kanyang tarangkahan upang muling tumanggap at maghasa ng mga bagong henerasyon ng mga AYATSUJIN (Manipulator ) na mula sa iba't-ibang nasion ng Dragonea. Ang Kaiya Gakuen rin ang responsable sa paghubog, paghasa at pagtuturo sa mga susunod na pinuno ng bawat nasion lalo na sa mga KOUSHI (Imperial Heir) ng apat na naglalakihang TEIKOKU (Empire) ng Dragonea.
Ngunit ang pinaka-maimpluwensyang Teikoku sa apat na pangunahing Teikoku ng Dragonea, ang Teikoku ng mga HONOO-AYATSUJIN (Fire Manipulator), ang FYRONEA TEIKOKU (Fyronea Empire) ay humaharap sa kanilang pinakamalaking suliranin. Ang kawalan ng KOUTEI-HEKA (Emperor) ng Koushi. Bilang pinuno ng Aliansia ng apat na Teikoku ng Dragonea na silang nagpapanatili ng balanse ng kanilang mundo malaking dagok sa kanila ang suliraning ito. Isang suliraning maaaring maging sanhi ng kanilang pagbagsak at maaari ring maging mitsa ng digmaan sa Dragonea. Ngunit isang lihim ang mabubunyag , isang lihim na ikakagulat ng lahat at isang lihim na magbabago sa buhay ng isang DOREI (Slave)...