TheOtakuPrince
- Reads 11,853
- Votes 261
- Parts 29
"Diyan ka lang! Huwag mo akong hahawakan!"
Iyan ang mga unang salita na narinig ni Vanilla sa pinaka-unang lalaking nakita niya pagkatapos ng halos labingtatlong taon.
Nagkaroon kasi dati ng virus na naipapasa lamang ng tao sa opposite sex niya. Mahirap ang buhay sa panahong iyon dahil hindi ka makakasigurado na hindi infected iyang lalaki o babaeng katabi mo. Walang mahanap na cure ang mga doctor at bigla na lang may gumawa ng isang malaking pader na naghiwalay sa mga babae at lalaki. Sumunod naman ang iba at nahati ang Luzon sa dalawa.
Anong mangyayari kapag nagkita ang mga babae at lalaki? Hindi nila sinunod ang rule.
Don't communicate with the opposite sex.
Posible ba na maging magkaibigan ang boys and girls? Can they sacrifice their safety for the sake of feeling human? Are they going to feel something more than friendship? Maibabalik pa ba nila ang pinakamahalagang bagay na nawala sa mundo nila ngayon?
Can they even break the barriers?
ATTENTION!
Ito ang pangalawang nobela ko na ginawa ko pa noong 2014. Nag-improve na ako as a writer so please don't judge my future and other works wrongly after reading this novel.)