Misaki_kuuran
- Reads 373
- Votes 87
- Parts 30
Elemental World
The three realms
1. Azurtera- Pinamumunuan ng dating reyna na si Reyna Azure na ngayon ay kasalukuyang pinamumunuan ni Reyna Serena. May kapangyarihan sila ng Tubig, Hangin at yelo. Hindi sila nakikipag ugnayan sa mga taga ibang kaharian. Kinakailangang tumawid muna sa tulay paakyat sa lawa ng Erzurum para makapasok. Si Reyna Azure ay pinatalsik noon dahil sa pagkauhaw sa kapangyarihan at dahil sa kalabang si Akai (Red).
2. Subtera- Pinamumunuan ng Haring Horem at kilala sila bilang malalakas sa pakikidigma at bihasa sa paggawa ng mahuhusay na mga sandata. Anak niya si Prinsipe Arquim at Prinsesa Aliyah.
3. Phyro- Apoy at liwanag ang kapangyarihan nila. Pinamumunuan ni Haring Phyro. Si Haring Phyro ay nabilanggo dahil sa paglabag sa batas ng tatlong kaharian nang magka anak sa prinsesa ng Horem na si Aliyah at ang naging bunga noon ay si Prinsesa Aleana na pinaratangan kinalaunan na nagtaksil din gaya ng Ama niya kaya't siya ay tinutugis. Nakarating siya sa mundo ng mga mortal nang magtago siya sa loob ng painting at nawala niya ang pulang bato.