vaval28's Reading List
5 stories
Kwadro Alas - Ace of Diamonds by supertoyantz
supertoyantz
  • WpView
    Reads 675,923
  • WpVote
    Votes 7,861
  • WpPart
    Parts 41
Ang Kwadro alas ay binubuo ng apat na binata. Pawang galing sa makapangyarihan at mayayamang angkan. Lahat Gwapo at Siraulo pero sa kabila nito pamilya ang turing nila sa isa't isa. Mabigat at sagrado para sa kanila ang salitang RESPETO. Walang iwanan sa lahat ng oras maliban na lamang kung pinagagalitan ng kani kanilang mga ina. - - Isa sa mga miyembro nito ay si Darius Guzman. Sya ang nag mamay ari ng titulong "Ace of Diamonds" Sa lahat, sya ang pinakagalante. Pero sya rin ang Pinakamatakaw. At dahil sa talent nyang ito, nabansagan syang "TABAR" ng mga kaibigan. - - Lahat ng alas ay may tinuturing na Reyna. At si Dannica ang nakakuha ng pwestong ito. Pero ito'y mahigpit na tinutulan ni Tabar dahil hindi ganuon kaganda ang dalaga. Sa kabila nito, nanatiling tapat si Ekang sa binata. - - Dumating ang isang mabigat na problema. Kinailangang umalis ni Ekang patungo sa ibang bansa. Mabigat ang kanyang loob na iwan ang pinakamamahal pero di nya kayang pabayaan na lamang ang kanyang ina. Akala nya ay malulungkot si Tabar, pero mukhang balewala lamang dito ang kanyang paglisan. - - Mabilis na lumipas ang panahon. Nakatakbang mag debut si Dannica at naisip ng kanyang ina na gawin ito sa Pilipinas. Malaki na ang nagbago sa dalaga. Dahil sa matagal na pagtira sa ibang bansa, nawala ang insecurities sa katawan ni Ekang at lumabas ang totoo nyang ganda. Sa ideya ng ina, nasabik syang muling makita ang mga dating kaibigan. Lalo na ang dating minamahal. Oras na para sila'y muling magtuos. Ngunit sa pag uwi ni Ekang, duon nya rin natagpuan ang akala nya'y matagal ng wala. Ang kanyang Ama na nang iwan sa kanilang mag ina at nanganganib itong muling mawala dahil sa problemang kinasasangkutan. - - This is the second of Kwadro Alas. Ace of Diamonds - Darius and Dannica. Samahan ang ating mga bida sa pagtuklas kung gaano kahalaga ang pagkakaroon ng tapat at maasahang kaibigan. Tara ? Game !
Bakit Absent si Klasmeyt ? by supertoyantz
supertoyantz
  • WpView
    Reads 1,020,713
  • WpVote
    Votes 9,429
  • WpPart
    Parts 68
Tulad ng karamihan, ordinaryong estudyante lamang si Valerie. Bagama't laki sa hirap, hindi ito naging hadlang para huminto sya sa pangangarap. .. Unang araw para sa huling taon sa highschool, handa na sya para sa mga bagong hamon. Normal ang lahat. Hanggang sa biglang dumating si Caleb. Ang lalaking nagbansag sa kanya ng Ms. Laway. .. Sa unang banggaan pa lamang nila, mainit na agad ang dugo ni Valerie sa binata. Konting sagutan nila ay nauuwi sa pagtatalo. Ayaw nya ng gulo. Pag aaral ang nasa isip nya. Pero mukhang si Caleb ay hindi. Sa limang araw na klase, bihira ng maka isang pasok ang binata. Sa miminsang pag uusap nila na laging nauuwi sa pagtatalo, batid ni Valerie na may tinatagong talino si Caleb. Pero ang hindi nya maintindihan ay kung bakit hindi ito pumapasok sa klase. "Bakit laging absent si klasmeyt ?"
Bantay ng Computer Shop by supertoyantz
supertoyantz
  • WpView
    Reads 1,053,559
  • WpVote
    Votes 2,401
  • WpPart
    Parts 12
Kwentong walang kwenta. Si Eric ang pasimuno.
Zack and Sab ( Original Story ) by Toyantz by supertoyantz
supertoyantz
  • WpView
    Reads 414,472
  • WpVote
    Votes 5,246
  • WpPart
    Parts 37
Zackarias Hidalgo - Mahirap ngunit pursigidong makapag aral. Mabait at masunuring anak. Tapat at maasahang kaibigan. Sabina Robles - Anak ng amo ni Zack. Spoiled. - - Lumaki si Zack sa poder ni Ditas. Sa dami ng hirap na pinagdaanan nito, tumatak na sa kanyang isip na kailangan nyang ibalik ang paghihirap na pinuhunan ng ina. At ito ay sa pamamagitan ng pagtatapos ng pag aaral. Sinuwerte namang may isang mabait na lalaking tumulong sa kanya. Si Saimon Robles, isang negosyante. Dahil sa kabutihang loob at awa ng lalake, kinupkop nya ang mag ina kapalit ng pagsisilbi nito bilang kasambahay. Tuwang tuwa si Zack at Ditas sa ideya. Makakapag ipon sila para sa pag aaral ng binatilyo. Ngunit may mas magandang offer si Saimon. Libreng pag aaral ni Zack kapalit ng pag aalaga nito sa kanyang nag iisang anak. Si Sabina. - - Kung tutuusin, madali lamang kay Zack ang lahat. Babantayan lamang nya ang mga kilos ni Sab habang nag aaral. Madali lang ito dahil sa iisang eskwelahan lamang sila. .. Planado na ang lahat. Kapag nakatapos sya ng pag aaral, gagawa sya ng paaran para matupad ang pangarap na maging Doktor. Ngunit nagkamali si Zack. Ang simpleng pagbabantay nya kay Sab ay naging kalbaryo. Ang pagtinging kapatid na inuukol nya para dito ay nagbago sa paglipas ng panahon. Ang pagtinging kapatid ay napalitan ng paghanga sa unti unting paglitaw ng ganda ng dalagita. Hanggang ang paghanga ay nauwi sa pagmamahal. - - Ito ang pinakamalaking suliranin ni Zack. Paano nya ipagtatapat ang nararamdaman sa among si Sab ? Kung sakaling maipagtapat nya, may pag asa ba syang mahalin din nito ? Paano na ang mga magulang ng dalagita ? Paano kung magalit ang mga ito sa kanya ? Paano na ang kanyang pag aaral ? Paano na ang kanyang pangarap ? Bakit maraming tanong ang author na alam naman nya ang sagot ? ? Di ba parang tanga na lang ? Pwedeng basahin nyo na lang ?
Zack and Sab - Book 2 by supertoyantz
supertoyantz
  • WpView
    Reads 28,297
  • WpVote
    Votes 424
  • WpPart
    Parts 4
Dahil na rin sa kasipagan at pagtyatyaga, dagdag pa ang tulong ng mga tapat na kaibigan, naabot na ni Zack ang matagal na nyang pinapangarap, ang maging Doktor. Nagkaroon sya ng anak sa nag iisang babaeng kanyang inalayan ng wagas na pagmamahal. Ngunit may isang pangyayaring hindi nya akalaing magagawa nito. At dahil dito, sinumpa ni Zack ang hindi na muling magkikita pa ang mag ina. - - Sa tulong ulit ng mga kaibigan, lumipas si Zackarias patungo sa America para duon na manirahan. Kasama ang anak, sinikap nyang mamuhay ng normal at masaya. Sinikap nyang kalimutan ang naging sanhi ng pagkapira piraso ng kanyang pagkatao. - - Maraming taon ang lumipas. Na-miss ni Zack ang buhay sa Pinas kaya nagpasya syang umuwi dala ang anak. Naisip nya ring kunin ang ina na matapat pa ring naninilbihan sa dati nilang amo. Maayos na ang kanyang mga plano. Magsasama sila ng anak at ina sa bagong biling bahay malapit sa mga kaibigan. Kalilimutan ang mapait na nakaraan at magbabagong buhay. - - Ngunit nagkamali si Zack. Ang akalang maibabaon nya sa limot ang nag iisang babaeng dumurog sa kanyang puso at pagkatao ay hindi nya pala magagawa. Dahil may buhay na alaala ito na nasa kanyang pangangalaga. Yun ay walang iba kundi ang kanyang nag iisang anak. Mahal na mahal ni Zack ang bunga ng kanyang pag ibig sa babaeng minsan nyang sinamba. At para dito, kailangan nyang harapin ang pinakamalaki nyang takot. Kailangan nyang harapin ang ina ni Zab. Kailangan nyang harapin si Sabina.