Fantasy Series - junjouheart
4 stories
Let Me Be Your Crown by junjouheart
junjouheart
  • WpView
    Reads 87,737
  • WpVote
    Votes 4,028
  • WpPart
    Parts 37
Walang sikreto ang hindi nabubunyag. Iyan ang kasabihan na pinatunayan ni Vashit ng malaman niya ang pinakatatagong lihim ng susunod na hari ng lahing Ember na si Prinsipe Aedion. Hindi siya maaaring maging hari dahil wala siyang Gerna na nagpapatunay na may kakayahan siyang mamuno ng kanilang lahi. Subalit ang sikretong kaniyang nalaman ay magiging dahilan upang siya mismo ang magbigay ng wala sa prinsipe - ang Gerna at ang trono sa pagiging hari... ngunit may kapalit. Sa oras na maitalagang hari si Prinsipe Aedion, kailangang niyang protektahan si Vashit laban sa nais kumuha sa kaniya. Hanggang kailan ang kaya ni Vashit para mapanatili ang prinsipe sa trono upang ang kaniyang sikreto naman ang hindi maisawalat? F A N T A S Y S E R I E S 3
My Crazy Little Prince by junjouheart
junjouheart
  • WpView
    Reads 96,796
  • WpVote
    Votes 5,535
  • WpPart
    Parts 45
Inuutusan kitang mahalin mo ako! Sino ba ang kayang sumigaw ng gan'yan sa harap ng maraming tao? Tanging si Prinsipe Eli lang ang makakagawa niyan. Dahil ang pagiging prinsipe niya sa lahi ng mga Rim ay nadala niya sa mundo ng mga tao. Hindi siya makakabalik sa kaniyang tunay na tahanan kung hindi niya mapapaibig ang lalaking magiging dahilan upang makabalik siya, walang iba kundi si Job. Hanggang saan ang kaya niyang gawin upang mapaibig niya ang binata? At sa pananatili niya sa mundo ng mga tao, ano ang kaniyang mga matutuklasan? F A N T A S Y S E R I E S 4
Elusive Butterfly (BoyxBoy) by junjouheart
junjouheart
  • WpView
    Reads 352,588
  • WpVote
    Votes 14,938
  • WpPart
    Parts 46
Napakaraming dahilan para pumaslang ng isang lahi. Maaaring ikaw ay nagkasala dahil sa mabigat na kasalanan o kaya naman lumabag ka sa isang batas na mahigpit na ipinagbabawal. Ngunit sa mundong kinagagalawan ni Alloade, ang pagkakaroon ng dalawang lahi ang dahilan ng kamatayan. Kaya matagal siyang numahay na ilag sa iba habang itinatago ang tunay niyang katauhan. Ngunit nagbago ang lahat ng magsimula na siyang pumasok sa isang paaralan at makasalamuha ang mga may purong lahi. Isa na rito ang susunod na tagapagmana ng trono ng lahing Vesta, si Xeriol. Paano kung sa pamamalagi niya sa paaralang kaniyang pinapasukan ay may matuklasan siyang hindi niya inaakala... na ang nasa propesiya na may tinataglay na dalawang lahi na magdudulot ng isang malaking digmaan na buong lahi ay SIYA. Ano ang gagawin niya? F A N T A S Y S E R I E S 1
Call Me By My Name by junjouheart
junjouheart
  • WpView
    Reads 188,748
  • WpVote
    Votes 7,175
  • WpPart
    Parts 36
Si Heather ay isang Azula na batak na sa kahirapan. Maagang naulila sa magulang kaya siya na ang umako sa responsibilidad na alagaan ang kaniyang mga kapatid. Sa kagustuhan niyang mabigyan niya ng magandang kinabukasan ang mga ito, pumayag siyang sumailalim sa isang salamangka kung saan magkakaroon siya ng bagong katauhan. Sa isang iglap nagbago ang lahat sa kaniyang nakasanayan. Ang maralitang katulad niya ay nakapasok sa palasyo ngunit hindi bilang Heather kundi isang asawa ng hari ng lahing Azula na si Har Thorne, na may hindi magandang ugnayan sa kaniyang asawa na ngayon ay siya na. Ano ang gagawin niya upang mabago ang kaniyang pakikitungo sa kaniya? Handa ba siyang sabihin sa hari ang katotohanan kung ang tanging pagpipilian lang ay... ang mabuhay sa kasinungalingan o ang mamatay sa katotohanan. F A N T A S Y S E R I E S 2