nww
52 stories
You're Perfect To Me COMPLETED by saab_deandrade
saab_deandrade
  • WpView
    Reads 66,568
  • WpVote
    Votes 1,272
  • WpPart
    Parts 10
Supermodel No. 4 Benjamin Salazar, ang "Papa Ben-tot" ng TMA
We Can Learn To Love Again COMPLETED by saab_deandrade
saab_deandrade
  • WpView
    Reads 63,831
  • WpVote
    Votes 1,084
  • WpPart
    Parts 11
Supermodel No. 5 Josh Rios, ang "Papa Dimple" ng TMA.
Hot Intruder, The Gorgeous Trespasser by dawn-igloria
dawn-igloria
  • WpView
    Reads 85,423
  • WpVote
    Votes 1,837
  • WpPart
    Parts 11
Phr Imprint printed in 2011
May's Fairy Tale COMPLETED (Published by PHR) by PHR_Novels
PHR_Novels
  • WpView
    Reads 413,985
  • WpVote
    Votes 7,187
  • WpPart
    Parts 20
May's Fairy Tale By Victoria Amor "One thing I know, I'm miserable without you. At kung hihingin mong i-give up ko lahat ng mayroon ako, gagawin ko, basta nasa tabi kita." Ang tanging nais ni May ay mahanap ang kanyang Prince Charming and fulfill her own fairy tale. May tatlong katangian siyang hinahanap sa kanyang prinsipe-magandang lalaki, mabuting tao at higit sa lahat, kailangang mayaman. Noon niya nakilala si Shin Rui Shimamura-super rich at super handsome pero bagsak sa isang kategoryang hinahanap niya. Sa mga kuwento pa lang, mukhang hindi na ito mabait na tao. At napatunayan niya iyon nang magkaharap sila. Sinira nito ang fairy tale niya! Pero bigla ba naman siyang hinalikan nito-at nagustuhan niya iyon...
MIDNIGHT BLUE SOCIETY SERIES #MBS7 ELMO (completed) (published under PHR) by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 95,895
  • WpVote
    Votes 1,706
  • WpPart
    Parts 11
Dahil hindi mahal ni Haya ang lalaking gustong ipakasal sa kanya ng kanyang ama at dahil wala pa sa isip niya ang pag-aasawa, lumayas siya sa kanila. Nangako siya sa sariling babalik lang kapag natagpuan na ang lalaking mamahalin at pagsisilbihan. At sa isiping iyon, tutol ang loob niya sa paglitaw ng isang imahen sa kanyang isip: ang imahe ni Elmo Mirano. Katabi niya ito sa tren na sinakyan patungong Legaspi City. At talagang naiinis siya rito sa halos kawalan ng konsiderasyon-- nakadikit o mas tamang sabihing nakapatong na ang braso na ang braso nito sa kanya. Naiinis si Haya, pero naggugumiit pa rin sa kanyang isipan ang matigas na muscles ni Elmo na hindi maikubli ng suot na polo: ang makakapal nitong kilay at likas na mapupulang labi, ang init na sumisingaw sa katawan nito, na lalong nagpaasiwa sa kanya. Hindi pa man nakarating sa kanyang destinasyon ay mukhang babalik na si Haya sa kanila-- kasama si Elmo Mirano.
Midnight Blue Society Series 3 - POCHOLO aka CHOLO (COMPLETED) by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 136,618
  • WpVote
    Votes 2,646
  • WpPart
    Parts 11
Masakit man para kay Yanni, napilitan siyang samahan si Cholo nang bumili ito ng engagement ring para sa babaeng pakakasalan daw nito. Nakalimutan naman niyang isauli ang singsing at nakatuwaang isukat. Pero nang huhubarin na niya ay hindi niya mahugot sa daliri. "A-ano'ng gagawin n-natin?" tanong ni Yanni sa kawalan ng masabi. Ganoon na lang ang pagkamangha niya nang ilapit ni Cholo sa bibig nito ang kanyang daliri at slow motion na isinubo. Pakiramdam niya ay para siyang kandilang unti-unting nauupos. It seemed that she was being hypnotized. Nanatiling nakatitig siya sa mga mata ni Cholo. At ano itong nababasa niya sa mga mata nito? Was it desire? Paano na kung hindi lang ang kanyang daliri ang pangahasan nito? At noon lang natiyak ni Yanni, mahina ang kanyang depensa kapag si Cholo na ang nasa harap niya.
Midnight Blue Society 1 - Romano Perez aka Roman (COMPLETED) by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 217,427
  • WpVote
    Votes 4,239
  • WpPart
    Parts 20
Naging uneasy si Princess sa unang paghaharap nila ni Romano Perez. Ang sumunod na nadama niya ay takot- takot na mapabilang sa mga babaeng nahuhumaling dito. Hindi madaling iwasan si Romano kapag nagpakita na ito ng interes sa babae. Isa itong sikat na concert pianist- rich, intelligent and very attractive. Sinong babae ang makakatanggi kapag napagtuunan nito ng pansin? At higit pa roon ang nakamit ni Princess. Pakakasalan siya ni Romano. And she accepted his proposal despite his mother's intense dislike for her. Pero tatlong araw bago sumapit ang kanilang kasal, parang gusto na niyang umurong... kahit naisuko na niya ang sarili kay Romano...
MIDNIGHT BLUE SOCIETY SERIES -BRENDAN - #MBS8 (COMPLETED)(PUBLISHED UNDER PHR) by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 92,997
  • WpVote
    Votes 1,671
  • WpPart
    Parts 10
Napasimangot si Tweety nang makitang maikli lang ang mensaheng nakasulat sa card ng bouquet na natanggap at hindi pa nagpakilala ang sender. Dear Ms. Lopez, Happy birthday! I love you! From your number one fan Naging eratiko ang tibok ng puso niya nang maisip si Brendan Wisell. Sa lalaking iyon lang niya narinig ang salitang fan. Parang gusto na niyang kiligin. Sa kabila niyon, ayaw pa rin niyang paasahin ang sarili at baka ma-frustrate lang kapag nalamang hindi naman pala kay Brendan galing ang mamahaling bouquet. At kung ito man ang nagpadala niyon, wala ring saysay. Kailan man ay hindi niya ito lubusang maaangkin. Dahil si Brendan ang tipo ng lalaking hindi naniniwala sa kasagraduhan ng kasal!
THE STORY OF US 1: KATRINA AND AIDAN Published under PHR #1836 by jinkyjam
jinkyjam
  • WpView
    Reads 97,445
  • WpVote
    Votes 2,012
  • WpPart
    Parts 10
Matagal nang pinanghihinaan ng loob si Katrina sa mga naririnig niya sa kanyang mga kaibigan tungkol sa estado ng relasyon niya kay Roldan-- ang boyfriend niyang nangibang- bansa. Kaya naman madali niyang natanggap nang malamang nakabalik na pala ito sa Pilipinas at nakatakda nang ikasal sa ibang babae. Isang gabi lang niyang iniyakan ang pagkabigo. Tahimik na siya. Pero parang hindi naniniwala roon ang fiancee ng ex-boyfriend niya. Akala yata nito ay may balak pa siyang agawin si Roldan o 'di kaya ay gumawa ng eskandalo sa araw ng kasal ng dalawa. Hanggang sa sumulpot ang isang guwapo ngunit makulit na lalaki na palaging nagpapapansin sa kanya. At sa hindi malamang dahilan, kahit kumukulo ang dugo niya rito ay hindi niya ito maiwasan. Kaya pala unti-unti nang nahuhulog niya rito. Pero bukod sa pagpapaibig sa kanya ay may iba pa pala itong misyon. Dahil si Aidan Lara-- ang lalaking bumulabog sa ibig-manahimik na mundo niya -- ay kapatid pala ng babaeng pakakasalan ng ex-boyfriend niya!
The Tanangco Boys Series 8: Humphrey Lombredas by Juris_Angela
Juris_Angela
  • WpView
    Reads 77,369
  • WpVote
    Votes 1,745
  • WpPart
    Parts 10
Hindi kataka-takang lahat ng mga mata ay nakatuon kay Lady. She was famous in the social world-- a real socialite. Siya ang nag-iisang anak ni Senator Mario Castillo at tagapagmana ng mga ari-arian nito. Pero sa kabila ng katanyagan, yaman at atensiyon na ibinibigay sa kanya ng publiko, she still felt the emptiness insider her. Nang masangkot siya sa dalawang magkasunod na eskandalo na labis na ikinagalit ng mga magulang niya at sumira sa magandang imahe niya, pakiramdam niya ay nag-iisa siya sa mundo. Mabuti na lamang at nakilala niya si Humphrey, ang sikat na photographer na minsan na rin niyang nakatrabaho sa isang photo shoot. Hindi niya inaasahan na dadamayan siya nito sa pinagdaraanan niya. Nangako pa ito na tutulungan siyang magtago sa media. Magulo na nga ang siutwasyon niya, tila Lalo pang pinagulo iyon nang makisali sa issue ang puso niyang tila unti-unting nabibihag ni Humphrey. At sadya nga yatang matigas ang ulo niya dahil binuksan niya ang kanyang puso sa isang bagong pag-ibig kahit alam niyang walang kasiguraduhan ang damdamin niya para kay Humphrey.